"What the hell do you think you are doing?"! ang galit na pasigaw na bulong ni Sofia mula sa kabilang linya. Tinawagan ito ni Dallas para sana kausapin tungkol sa pamimili ng gamit ng kanilang anak. Pero mukhang nasa gitna ito ng taping ng bago nitong teleserye.
"Sofia I am only calling about our daughter," ang saad niya at isang buntong-hininga ang narinig niya mula sa kabilang linya.
"Are you serious? Gusto mong mamili ako ng gamit ng bata?" ang bulong ngunit mariin na tanong na sagot nito sa kanya.
"Alam mong hindi ako pwedeng makita na may anak, ano pa kaya ang iisipin ng mga tao kung makita ako na namimili ng gamit ng bata?" ang galit na tanong ni Sofia sa kanya.
"Sofia, hindi naman kailangan na umalis ka o magpunta ng mall mamili ka online send the photos to me and ako na ang oorder, atleast ikaw pa rin ang personal na namili ng mga gamit ng anak natin," ang giit niya kay Sofia, kahit man lamang sa gamit na anak ay may personal na bahagi si Sofia.
"I am so up to my neck right now, alam mo ba na kailangan ko magpuyat para sa pagsasaulo ng script ko? At ang gusto mo isingit ko ang isang wlaang kwentang bagay na pamimili ng gamit na pwede mo naman na gawin? Pwede ba Dallas? You shouldn't be calling me," ang inis na sagot ni Sofia sa kanya at narinig niya na may tumawag na kay Sofia mula sa set.
"I better be going, gawin mo iyan ikaw ang tatay eh," ang huling sinabi pa ni Sofia sa kanya bago namatay ang linya.
Napabuntong-hininga si Dallas at nanlaki ang butas ng kanyang ilong, dahil sa pagpipigil niya ng kanyang emosyon na namuo sa kanyang leeg. Labis ang sakit na nadarama niya, tila ba kung noon ay nasa anino lang siya sa sandali na iyun ay tila ba hindi na siya nag-e-exist at ang kanyang anak. Naisip niya ang sinabi sa kanya ni Amenoah at mas lalong naging masakit ang damdamin na kanyang nadarama. He expelled an irritated breath bago siya gumawa ulit ng isa pang tawag.
"Bulaga!" ang masayang sambit ni Amenoah habang naglalaro sila ng peek-a-boo ni Parisa. At sa tuwing ginagawa niya iyun ay namimilog ang mga mata ni Parisa sa kanya at lumalapad ang ngiti nito.
"Tuwang-tuwa ka ano? Ako rin eh, kasi magdadalawang buwan ka na, palaki ka na ng palaki at pabigat nang pabigat ano? Baka kapag tatlong buwan ka na bali na buto ko sa likod, dapat siguro sinabi ko sa daddy mo na bilhan ka ng carrier para madali kang buhatin lalo na kapag may ginagawa ako, siguro bukas ko na lang sabihin at mamimili na pala ang daddy mo, hindi ko naman alam ang number niya para sana itext ko," ang pagkausap niya kay Parisa na nagpapabula lang ng laway nito sa bibig, at isang malakas na tawa ang pinakawalan niya. at doon niya narinig ang ring ng telepono sa ibaba ng bahay.
Dapat kaya niyang sagutin? Paano kung kamag-anak ni Dallas? Ang kinakabahan na tanong ni Amenoah sa kanyang sarili. Pero hindi ba iyun na nga ang kanyang papel? Ang maging kinakasama at mommy ng anak nito?
Nagpatuloy ang tunog ng telepono sa ibaba ng bahay, kaya naman napabuntong-hininga na lang siya at wala na siyang nagawa kundi ang tumayo at kinarga niya si Parisa para bumaba ng bahay at magtungo sa salas kung saan naroon ang naghuhumiyaw na telepono. Naupo siya sa armchair sa tabi ng sidetable kung saan nakapatong ang phone. Kagat labi niyang dinampot ang receiver at saka niya idinikit iyun sa kanyang tenga at ang mouthpiece sa kanyang bibig.
"H-hello?" ang kinakabahan niyang sagot at baka kung sino na ang tumatawag.
"What the hell?! I've been calling you for a long while already akala ko kung ano na ang nangyari sa inyo!" ang galit na sabi ni Dallas sa kanya sa kabilang linya at napangiwi ang kanyang labi.
"Bakit ang tagal mong sagutin?" ang galit na tanong nito sa kanya at mukhang umuusok na naman ang ilong nito sa kanya.
"Uhm nasa itaas po kami ni Parisa at nagpapalit ang ng diaper niya," ang pagsisinungaling ni Amenoah, "gusto mo bang magkalat ng poo-poo si Parisa sa bahay mo?"
BINABASA MO ANG
The Contractual Mommy (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up!!! They will both do anything for the sake of their loved ones, but what if they found love that they truly deserved in each others arms? But they were bound by an obligation. Gagawin ni Dallas ang lahat para mapa...