Chapter 31

3.2K 169 95
                                    

"Surprise?" ang tanong ni Sofia kay Dallas at pumasok na ito sa loob ng gate.

"Yes I am!" ang sagot niya at hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi. Para ba kasing nang gatecrash si Sofia ng mga sandali na iyun.

"Hindi ba sinabi ko sa iyo na pupunta ako?" ang tanong ni Sofia sa kanya at napansin niya ang isang bag na hawak nito na mula sa isang kilalang steakhouse. Sofia can enter the village dahil sa iyun ang bilin niya sa guwardiya na pwede itong pumasok as his guest.

"Yes but that was days ago," ang sagot niya at huminto si Sofia sa paglalakad at tumayo ito sa may harapan ng pintuan.

"I know about that kaya nga ako narito para humingi ng sorry at hindi ako nakapunta and to make up, and make out? With you?" ang mapang-akit nitong sabi sa kanya. Saka ito tumalikod sa kanya at dire-diretso itong pumasok sa loob ng bahay at sumunod siya rito at naabutan niya si Sofia na nakatayo malapit sa sofa at nakatingin it okay Amenoah na nakatayo rin sa may kusina at sa mga braso nito ay si Parisa.

Bahagyang natawa si Sofia at naghalukipkip ang mga braso nito, habang pinasadahan nito ng tingin si Amenoah mula ulo hanggang paa.

"Am I interrupting something?" ang tanong nito sa kanya at sinulyapan siya nito na nakataas ang kilay ng isang mata nito sa kanya.

"Uhm no, nothing we were celebrating Parisa's second month," ang sagot ni Dallas sa nobya.

"Ugh okey," ang pagsingasing nito sabay irap ng tingin kay Amenoah, "celebrating kaya ba bumili ng bagong lingerie ang pretentious mommy na ito and she modeled herself sa harapan mo na ganyan lang ang suot?" ang tanong ni Sofia sa kanya.

"No Sofia,"-

"Ikaw? Nilalandi mo ba ang boyfriend ko?" ang tanong ni Sofia kay Amenoah na bumuka ang bibig nito para sumagot pero inunahan na ito ni Dallas.

"Sofia no, hindi niya ako nilalandi, actually naabutan ko sila na nagsicelebrate ni Parisa, she didn't know na darating ako ngayon," ang paliwanag niya kay Sofia na nakahalukipkip pa rin ang mga braso at halata pa rin ang galit nito sa mukha.

"I came here to spend a few of my precious time with you, and I can't do that with them here," ang sabi ni Sofia kay Dallas at tiningnan ni Sofia ng masama si Amenoah na akala mo ba ay isa siyang dumi sa paningin nito.

Nakita niya na naghilamos ng mukha si Dallas gamit ang mga palad nito saka nito kinamot ang sariling batok "Uhm Amenoah," sabay buntong-hininga nito. At alam na ni Amenoah ang ibig sabihin ni Dallas at siya na ang nagsabi niyun para hindi na ito mahirapan na banggitin pa ang mga salita.

"Uhm Dallas,"- ang sambit niya pero pinutol siya ni Sofia.

"Dallas?" ang di makapaniwala na sambit nito kasabay ng pag-atras ng mukha nito, "uh, is that the way she has to call you? Only Dallas? Hindi sir?" ang tanong ni Sofia kay Dallas na nakakunot ang makinis na noo nito.

"Sofia I told her to call me Dallas, sino maniniwala na siya ang mommy ng anak ko kung sir ang tawag niya sa akin?" ang paliwanag ni Dallas kay Sofia.

"Yes pero kapag nasa labas kayo, but inside this house kailangan na malaman nito ng babaeng yan na isa siyang nanny, swelduhan lang dito," ang giit ni Sofia. At sa sandaling iyun ay hindi na nakasagot pa si Amenoah, may punto rin naman kasi si Sofia, isa lang siyang empleyado isang nanny.

"She will call me by my first name Sofia para hindi siya mailto," ang sagot ni Dallas.

"Uh, we are wasting time, paalisin mo ba ang mga iyan o gusto mong marinig nila kung paano ako umungol?" ang nakangising sabi ni Sofia kay Dallas.

"Amenoah please pack a bag for you and for Parisa I'll book a room for you sa isang hotel, you and Parisa will stay there overnight and ipapasundo ko na rin kayo sa hotel service, go on," ang sabi ni Dallas sa kanya at hindi na siya nagsalita at tanging pagtango na lang ang kanyang isinagot.

The Contractual Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon