Chapter 49

3.2K 163 82
                                    

Pinagmasdan ni Dallas si Amenoah. Nakaupo ito habang nakaharap sa salamin ng vanity table sa loob ng kanilang silid sa villa. He was mesmerized by her beauty habang sinusuklay nito ang mahaba nitong buhok na sa gabing iyun ay napiling ilugay lang ni Amenoah. Her dark blue halter cut dress was new, bago sila umalis ay sinabihan niya si Amenoah na magbaon ng dress dahil balak talaga niya na mag-dinner sila ni Amenoah, sa isang romantic na lugar. 

Bagay na bagay ang dress kay Amenoah, litaw na litaw ang hubog ng katawan nito, she's not a typical sexy na skinny, malaman ang katawan nito sa tamang mga lugar kaya naman gustong-gusto niya ang katawan nito, lalo na ang paborito niyang parte ng katawan nito ang tayung-tayo nitong mga dibdib. At hindi niya alam kung dahil sa ilang buwan siyang walang sex o sadyang simula nang magniig sila ni Amenoah ay naadik na siya rito.

His blood boils with lust and love for her and he was thankful na umamin na sila ng tunay nilang nararamdaman dahil seryoso na siya kay Amenoah. She's the woman that he will share his life till the rest of his days.

"Dallaaas," ang mariin na pagbanggit ni Amenoah sa kanyang pangalan nang makita siya nito na tinititigan niya ito mula sa salamin.

Marahan siyang natawa, at humakbang siya palapit saka siya tumayo sa likuran nito, inilapat niya ang kanyang mga kamay sa magkabila nitong balikat at yumukod siya. Idinikit niya ang kanyang kaliwang pisngi sa kanan na pisngi nito at saka siya nagsalita habang nakapako ang kanilang mga mata sa salamin.

"You're so beautiful," ang bulong ni Dallas sa tenga ni Amenoah saka niya hinalikan ang balikat nito.

"Thank you, pero Dallas gutom na talaga ako, pwede mamaya mo na ako bolahin?" ang natatawang sagot sa kanya ni Amenoah. Napailing siya habang nanatili na nakapako ang kanilang mga mata sa salamin.

"Hindi naman kita binobola ah," ang angal niya pero isang pag-irap lang ang isinagot ni Amenoah sa kanay kaya naman muli siyang natawa.

"Lalo na ito," ang bulong niya sabay sapo at pisil niyang sa dibdib ni Amenoah.

"Dallas!" ang nabigla nitong sambit at pinalo nito ang kanyang kamay na nakasapo sa kaliwang dibdib nito.

"Ouch," ang natatawa at malamya niyang sambit at idinikit niya ang kanyang labi sa pisngi ni Amenoah na kunot ang noo na nakatingin sa kanya.

"Dallas magugulo yung pagkakaayos ko," ang angal ni Amenoah sa kanya at isang mahinang tawa ang muli niyang pinakawalan.

"Kahit hindi ka mag-ayos maganda ka na Amenoah," ang sabi niya rito, "pero mas lalong kang gumada ngayon bagay sa iyo ang nakalugay na buhok."

"Hmm oo na nga pero alisin mo na ang kamay mo at tigilan mo na ang ginagawa mo, Dallaaaas, gusto ko ng kumain at lumabas," ang sagot ni Amenoah sa kanya.

He was happy and relieve dahil sa muling nanumbalik ang sigla ni Amenoah. Mula nang kausapin niya ito tungkol kay Sofia at ang making love nila pagkatapos nun ay nawala na ang lungkot ni Amenoah.

"Alright, excited lang ako na kasama sa dinner at i-date ang pinakamaganda na babae sa lahat," ang nakangiting sabi niya kay Amenoah at inalalayan niya ito para tumayo mula sa silyang kinauupuan nito, saka niya hinagkan ang noo ni Amenoah.

***

"Have you decided what to eat?" ang tanong ni Dallas kay Amenoah. Habang binabasa nila ang menu ng Italian restaurant kung saan nagbook si Dallas para sa kanilang dinner date. Wala naman siyang masyadong alam sa menu na nakasulat sa salitang Italyano kahit pa may salitang ingles na description sa tabi ng menu. Ang alam lang kasi ni Amenoah ay pizza at spaghetti na Italian food. Pero ayun sa pagkakasulat mukhang masarap ang lahat kaya naman nahihirapan pa rin siya na pumili.

The Contractual Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon