Hindi na matahimik pa si Amenoah ng mga sumunod na araw. Ang binhi ng pagdududa ay unti-unting tumubo sa kanyang isipan at nagkasanga-sanga na. Kahit pa maayos ang pakikitungo niya kay Dallas ay mayron pa ring maliit na pagdududa sa kanyang isipan. Oo nga at mahal na siya ni Dallas iyun ang pinaghahawakan ni Amenoah, pero hindi niya pwedeng ikaila na minahal din ni Dallas si Sofia na halos halikan nito ang lupang nilalakaran nito. Kaya naman nang sabihin ni Sofia sa kanya at malakas ang kumpiyansa nito na madali lang nitong makukuha na muli si Dallas sa kanya ay hindi siya nagdududa sa sinabi nito. batid niyang matagal silang naging magkarelasyon at nagkaroon pa sila ng anak.
At ang tanging pinanghahawakan lamang niya ay ang sinsabi nito na pagmamahal. Pero nataniman na ng pagdududa ang kanyang isipan. Kahit pa sabi ng kanyang puso na maniwala siya kay Dallas ang isipan niya ang nagbibigay ng babala sa kanya. Nasaktan na siya ng lalaking matagal niyang nakarelasyon at sinabi rin na mahal siya nito. At halos ibinigay din niya at ginawa ang lahat ngunit nagawa pa rin siya nitong lokohin.
Oo nga at magkaiba sina Polo at Dallas dahil sa hindi naman niloko ni Dallas si Sofia at matagal niya itong minahal kahit pa itinago siya nito. At iyun ang ikinatatakot ni Amenoah. Nagawang mahalin ni Dallas ng tunay at labis si Sofia sa kabila ng pagtrato nito na umabot pa na siya mismo ay ginawang pantakip ni Dallas upang di masira si Sofia. Pero paano kung bumalik si Sofia at handa na itong maging mommy ni Parisa? hindi ba at sinabi na ni Dallas sa kanya na priority nito si Parisa? Hindi kaya umaasa pa rin talaga si Dallas at naghihintay? At isa na sa katotohanan ay ang paghihintay pa rin ni Dallas sa pangalan ni Sofia sa birth certificate ni Parisa. Mukhang naglalakad siya sa manipis na yelo at anumang oras ay pwedeng mabasag at mahulog siya sa malamig na tubig na pwede niyang ikamatay ng dahil sa pusong labis na nasaktan.
Pero, hanggat may pagkakataon pa siya ay lalaban siya, ipaglalaban niya ang pag-ibig niya kay Dallas na hindi niya ginawa kay Polo. Hanggat kaya niya pa ay gagawin niyang ipaglaban ang pag-ibig niya kay Dallas. Kahit pa alam niya na nakikipaglaban siya sa isang giyerang pwede siyang matalo.
"Babe?" ang pagtawag ni Dallas sa kanyang pangalan at muling bumalik ang kanyang diwa mula sa kanyang iniisip.
"Uhm ano iyun?" ang tanong niya kay Dallas at sinimulan niyang maglagay sa kanyang kutsara ng niluto niyang sinangag.
"Mukhang ang layo na ng naabot ng isipan mo?" ang nakangiting sagot ni Dallas sa kanya at sa pagngiti nito ay ganun din ang mga mata nito na nakatuon sa kanya. Bahagyang nagusot ang gilid ng mga mata nito na nagbigay ng kaaya-ayang ganda sa mga mata ni Dallas.
"Uh, hindi naman, pasensiya na," ang sagot niya at isang matipid na ngiti ang isinagot niya kay Dallas.
"Ok lang pero sana ako ang iniisip mo," ang sagot ni Dallas sa kanya na may paglalambing sa boses nito.
Oo Dallas, ikaw ang iniisip ko, kung hanggang kailan mo ako mamahalin, ang gusto sanang isagot ni Amenoah.
"Hindi noh! Si Polo!" ang biro niyang sagot dito at nakita niya na nawala ang ngiti sa labi ni Dallas at ganun na rin sa mga mata nito.
"Oh please don't tell me it's true, dahil kapag nakita ko pa iyang Polo na yan, buburahin ko na ang poging mukha ng lalaking yun na mukhang dumidede pa sa tsupon," ang galit na sagot ni Dallas sa kanya.
"Uh eh di inamin mo rin na pogi si Polo?" ang pang-aasar na tanong ni Amenoah kay Dallas na kumuyom ang labi sa kanya at nagtaas ang isang kilay.
"Ugh kung cradle snatcher ka,mukhang puro milk teeth pa nga yung bugoy na iyun" ang bored sa sagot nito sa kanya at napanganga si Amenoah kasabay ng pag-atras ng kanyang ulo.
"Excuse me, magkasing edad lang kami noh!" ang angal niya kay Dallas at isang pilyong ngiti ang isinagot ni Dallas sa kanya.
"Bakit hindi naman ako ganun katanda ah!" ang angal din na sagot ni Dallas sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Contractual Mommy (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up!!! They will both do anything for the sake of their loved ones, but what if they found love that they truly deserved in each others arms? But they were bound by an obligation. Gagawin ni Dallas ang lahat para mapa...