Chapter 41

4K 189 58
                                    

"Bakit naiinis ka sa akin kapag nakikita mo akong nakapaa?" ang tanong ni Amenoah habang nakadapa siya sa kama. Sa kanyang tabi ay si Dallas, na nakatagilid ang pagkakahiga na nakaharap sa kanya, ang sa ilalim na braso nito ay nakasapo sa kanyang dibdib habang nakadagan siya habang ang isang kamay naman nito ay nasa kanyang bewang at ang isang hita nito ay nakadantay sa likuran ng kanyang mga hita.

Pagkatapos nila kumain sa ibaba ay umakyat na sila sa itaas para mahiga sa kaniyang kama at muli ay naging abal sila sa isa't isa.

"Paano binibigyan mo ako ng dahilan para pagnasaan kita, and you know I can't do that dahil sa loyal ako noon kay Sofia," ang giit ni Dallas sa kanya at nagtaas pa ang isa nitong kilay.

Napaangat naman ang ulo ni Amenoah mula sa pagkakahiga ng kanyang ulo sa sarili niyang braso at kunot ang noo niyang tiningnan si Dallas na ngumiti sa kanya habang nakatuon ang mga mata nito.

"Pagnasaan? Paano ka magnanasa sa paa ko? Ni hindi ko pa nga napalinisan ang mga kuko ko sa paa," ang nakangiwing sagot niya kay Dallas na natawa sa kanyang sinabi.

"Hindi naman sa mismong paa mo, although I can say na maganda ang hugis ng mga paa mo," ang sabi ni Dallas sa kanya at nag-init ang kanyang mga pisngi nang maalala niya ang kanilang baliktaran na posisyon kanina.

"Tumigil ka nga!" ang sigaw na bulong niya at mas lalong natawa si Dallas sa kanya dahil sa namumula na ang kanyang mga pisngi.

"Eh ano ba kasi yun?" ang muling tanong ni Amenoah kay Dallas na inabot ng kamay nito ang kanyang pisngi para marahan na kurutin iyun.

"You look like you just had sex," ang sabi ni Dallas sa kanya na nagtaas pa ang dalawang kilay nito sa kanya.

Nagusot ang mukha ni Amenoah, "talaga? Ang babaw ha? porke nakapaa nakipag-sex na agad?" ang patanong na sagot niya kay Dallas na tumawa ng malakas sa kanyang naging reaksiyon.

"Well," ang sagot ni Dallas sabay kibitz ng balikat nito. Muli niyang ibinaba ang kanyang ulo sa kanyang braso na magka-ekis sa mga unan para ilapag ang kanyang pisngi at ipinikit niya ang kanyang mga mata at naramdaman niya ang palad ni Dallas sa kanyang likod na nagtaas-baba na hinihimas iyun.

"Hmmm," ang sambit niya at ikiniskis niya ng kanyang pisngi sa sarili niyang bisig.

''Hey sleepy head, how about karug? Ano iyun?" ang interisado na tanong ni Dallas sa kanya. At nang maalala ni Amenoah ang sandaling sinabi niya iyun kay Dallas, hindi siya sumagot at isang malapad na ngiti ang isinagot niya kay Dallas habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.

"Amenoah, anohh?" ang pangungulit na tanong ni Dallas sa kanya pero nanatili lang na nakapikit ang kanyang mga mata at nakatikom ang kanyang mga labi.

"Hindi ka pa tulog, you're eyeballs are still moving I can see it through your eyelids, ano nga yun?" ang tanong pa rin nito sa kanya at hinimas-himas nito ang kanyang likod.

"Matulog ka na," ang tanging sagot niya at kunwaring inaantok na siya, pero ayaw pa rin tumigil ni Dallas.

"Aray!" ang sigaw niya at dumilat ang kanyang mga mata para tingnan si Dallas na malapad ang ngiti sa kanya. Kinurot kasi nito ang isa sa pisngi ng kanyang pwet. At kinagat niya ang kanyang labi dahil nga sa biglaan niyang pagsigaw at baka nagising niya si Parisa.

Bumangon siya mula sa kanyang pagkakadapa at umangat ang kanyang ulo ng bahagya para silipin si Parisa na bahagyang gumalaw pero nagpatuloy pa rin naman ito sa pagtulog. At ang kanyang mga mata ay iyinuon na niya kay Dallas. Pinaningkitan niya ito ng mga mata pero tumawa lang ito sa kanya.

"Ayaw mo kasi akong sagutin eh, ikaw sinagot ko tanong mo," ang sabi nito sa kanya.

"Huwag mo na kasi alamin," ang sabi niya kay Dallas. Hihiga na sana siyang muli pero inabot ng kamay ni Dallas ang isa sa kanyang dibdib at inumpisahan nitong laru-laruin ang isa sa mga nipple niya at napapikit ang kanyang mata.

The Contractual Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon