Hindi mapigilan ni Dallas na pagmasdan ang masayang pamilya na nasa kanyang harapan. At hindi niya napansin kung gaano na siya katagal na nakangiti dahil sa panonood siya sa usapan at tawanan sa kaniyang harapan. At hindi lang ang pamilya ni Amenoah ang nakakuha ng kanyang atensyon. Pati na rin ang kanyang anak na hindi niya gaano nakikita dahil sa kanyang trabaho o dahil na rin marahil sa kanya, dahil sa aminado si Dallas na siya mismo ang umiiwas sa kanyang anak. Ang kanyang anak na si Parisa na hindi na niya namalayan na nalilipasan na siya ng panahon dahil sa unti-unti na itong lumalaki at tanging si Amenoah na lamang ang nakakasaksi nito sa bawat oras at araw na kasama ni Amenoah ang kanyang anak.
He looked at her beautiful daughter na halos pagpasapasahan ng apat na tao sa kanyang harapan hindi sa kinatatamaran ng mga ito ang anak kundi dahil sa ang mga ito ay hindi magkandaumayaw sa kanyang anak na sentro ng atensiyon ng sandali na iyun.
"Ang ganda-ganda naman ng baby namin," ang malambing at may gigil na sabi ng nanay ni Amenoah sa anak na kandong- kandong sa hita nito.
"Oo nga kanina ka pa riyan naka karga sa kanya ako naman," ang sabat ng tatay ni Amenoah na iniabot ang mga braso nito sa asawa para kunin ang kanyang anak.
"Oh tatay hinay-hinay ha, magaling na po ba ang tahi ninyo?" ang tanong ni Amenoah sa tatay nito. They were already having desserts while drinking delicious cup of coffee at kung titingnan sila ay mukha silang isang masayang pamilya.
"Magaling na anak ng kaunti," ang nakangiting sabi nit okay Amenoah at nakaabot pa rin ang kamay nito dahil hindi pa rin ibinibigay ng nanay ni Amenoah si Parisa.
"Magtigil ka na nga riyan at sa akin muna itong munting anghel na ito," ang sagot ng nanay ni Amenoah at nagkapalitan na lamang sila ni Amenoah ng tingin at nagtaas ang dalawa niyang kilay dito.
At tulad nga ng sinabi ni Amenoah, mapagkakatiwalaan ang pamilya nito, kahit pa hindi nila in-elaborate ang tungkol sa ina ng anak niya ay hindi naman na nila kailangan dahil sa hindi naman nagtanong ang mga ito.
Tiningnan na niya ang kanyang relo at nakita niya na kailangan na nilang bumalik sa Manila at gagabihin na sila sa biyahe.
"Uhm Amenoah, as much as I am enjoying your company but, I think we needed to get going," ang kanyang nahihiya na sabi sa mga magulang ni Amenoah na nakitaan ng panghihinayang ng sandaling iyun. Mahigpit na niyakap ng mga ito ang kanyang anak at nang tumayo na ang mga ito ay niyakap din nila ng mahigpit si Amenoah at tila baa lam ng mga ito na matatagalan na muli bago sila magkita-kita. At nakaramdam ng kirot sa kanyang dibdib si Dallas lalo na nang makita niya kung gaano kahigpit na niyakap ni Amenoah ang minamahal nitong kapatid na tanging dahilan kung bakit nagpupursige ito ito sa trabaho. Kaya naman may naisip na siyang magandang ideya, at paraan na rin niya ng pasasalamat iyun kay Amenoah.
"Oh bakit naman kung magyakapan kayo ay parang di na kayo magkikita na muli?" ang biro ni Dallas kay Amenoah at sa kapatid nito. Tiningnan siya ni Amenoah na may nahihiyang ngiti sa labi nito habang nakatingin sa kanya.
"Mami-miss ko kasi sila Dallas," ang pag-amin ni Amenoah sa kanya habang nakaakbay ito sa nakababata nitong kapatid.
"Ganun ba? Eh bukas mo na siya mamiss, kasi sa bahay ninyo muna kayo matutulog ngayong gabi," ang nakangiting sabi ni Dallas at kitang-kita niya kung papaanong namilog ang mga mata ni Amenoah sa kanya sa labis na pagkagulat.
"K-kami ni Parisa? Sa bahay na muna kami?" ang di makapaniwala nitong tanong sa kanya. At sa sandaling iyun ay apat na pares ng mga mata ang umaasang nakatuon sa kanya.
"Yes, you and Parisa, but just for one night okey? Susunduin ko kayo bukas ng hapon pagkagaling ko sa trabaho"-at hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin dahil sa mabilis siyang niyakap ni Amenoah. At nang sandali na iyun ay siya naman ang nabigla. Inaasahan na niya ang labis na tuwa na mararamdaman nito, pero hindi niya inaasahan na yayakapin siya ni Amenoah. Ang mga bisig nito ay pumulupot sa kanyang bewang at ang kanan na pinsngi nito ay lumapat sa gitna ng kanyang dibdib. At katulad ng pagtibok ng kanyang puso noong nakita niya ito dalampasigan ng isla habang buhat nito si Parisa ay walang pinagkaiba ang iyun sa tibok ng kanyang puso sa sandali na iyun. At mukhang na-realise ni Amenoah ang ginawa nito dahil mabilis nitong inalis ang mga bisig nito sa kanyang bewang at binawi nito ang sarili mula sa pagkakadikit ng katawan nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Contractual Mommy (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up!!! They will both do anything for the sake of their loved ones, but what if they found love that they truly deserved in each others arms? But they were bound by an obligation. Gagawin ni Dallas ang lahat para mapa...