Chapter 26

3.3K 179 64
                                    

Nanatili lang na tahimik si Amenoah mula nang umalis sila ng bahay ng mga ito. Kapag tinatanong niya si Amenoah ay saka lamang ito sumasagot sa kanya at mas ginugol nito ang atensyon sa kanyang anak. Naalala pa niya nang magpaalam ito sa mga magulang  ay nangilid ang luha nito sa mga mata, at hindi iyun dahil sa mami-miss nito ang mga magulang kundi dahil sa may hinanakit ito na nararamdaman, at pamilyar iyun kay Dallas.

It is very obvious that something is wrong at mukhang hindi naman ang pamilya nito ang sanhi ng obvious na pagluha nito nang makita niya ito sa ulanan. She is always alert and smiling and feisty sometimes pero hindi niya pa ito nakita sa sitwasyon na tuliro ito. Her heavy eyelids were not wet because of the rain but because of her crying at kung sino ang dahilan niyun ay iisa lang ang kanyang naisip. Ang boyfriend nitong si Polo.

Sumulyap siya rito habang nagmamaneho siya at nasa backseat na ito kasama ang anak. Tulog si Parisa na inilatag nito sa carseat habang nakapatong ang kanan na kamay ni Amenoah sa nahihimbing na anak. Nakasandal ang likod at ulo ni Amenoah sa sandalan ng upuan at nakapaling ang mga mata nito sa bintana. She looked like she's drifting somewhere.

He wanted to talk to her, maybe give her some advice? Pero hindi niya yata kayang gawin iyun dahil siya mismo ay masalimuot ang kanyang buhay pag-ibig. Kaya naman nanatili na lang na tahimik si Dallas.

Narating nila ang kanyang bahay na tikom pa rin ang mga labi ni Amenoah at parang robot na ito kung gumalaw. Nawala ang liksi at buhay sa bawat kilos nito. Nagpaalam na ito na mananatili lang sa kwarto nito at hindi na rin daw muna ito kakain at wala raw itong gana.

He wanted to tell her that she should eat pero ayaw niyang pilitin si Amenoah, kung paraan nito ang hindi muna pagkain para maka-cope up ito sa nararamdaman nito ay hahayaan niya munang masunod ang gusto ni Amenoah.

Pero lumipas na ang tanghali, hapon at sa sandaling iyun ay gabi na, ngunit hindi pa rin bumaba ng bahay si Amenoah mula sa silid nito. and that's when he got worried. Dinampot niya ang kanyang mug ng kape at naupo siya sa sofa at sinulyapan niya ang babay speaker na kanyang in-off kagabi. Napabuntong-hininga siya at saka niya pinindot ang on na button.

Walang tunog siyang narinig kundi mga pawang kaluskos lamang at marahil gawa ng mga pagkilos ng mga ito sa loob ng silid. Hinigop niya ang kanyang kape at natigilan siya sandali nang marinig na niya ang paghehele ni Amenoah kay Parisa. Dahan-dahan niyang ibinaba ang mug mula sa kanyang bibig at binalot ng kanyang mga palad ang mainit na katawan ng kanyang baso. At mataman siyang nakinig, hindi rin niya alam kung bakit tila naging parte na nang kanyang gabi ang pakinggan ang boses ni Amenoah noon pero sa sandali na iyun ay mukhang nabatid na niya. There was something soothing in her voice that calms his troubled heart and soul.

Nakinig siya habang umiinom ng kape at natigilan para ituon ang kanyang mga mata sa speaker na nakapatong sa maliit na lamesa sa kanyang tabi. Nagsimula na kasing magsalita si Amenoah.

"Huwag kang mag-alala Parisa, hindi ako papayag na may manakit sa iyo, kahit pa pinagkakaitan ka ng pag-ibig at atensyon ng iyong mommy at daddy, nandito ako, si Carmela at lolo at lola na mahal na mahal ka, sa iyo ko ibubuhos ang pagmamahal ko na inilaan ko sa maling tao, sa iyo ko na ibibigay ang puso ko, kahit pa sa mga sandaling ito ay basag na basag ito, pero kayang-kaya ka nitong mahalin ng buong-buo," ang mga salitang ni Amenoah na kanyang narinig at parang may kumurot sa kanyang puso. Parang may humila ng mga pisi ng hibla ng kanyang puso dahil sa punong-puno ng emosyon at hinanakit ang sinabi ni Amenoah.

Inilapag niya ang mug sa ibabaw ng coffee table sa kanyang harapan at dali-dali siyang tumayo para umakyat ng hagdan. May kung anong pwersa ang tumulak at humila sa kanya ng sandali na iyun para magtungo siya sa itaas ng bahay at sa silid nina Amenoah. he took the steps two at a time na tila ba kailangan niyang maabutan ito kahit pa alam niyang wala naman itong ibang pupuntahan pa. At pagharap niya sa pintuan ay iniangat niya ang kanyang kamao para katukin ang nakapinid na pinto.

The Contractual Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon