Nakatungo si Dallas habang binabasa niya ang papel na draft ng ginawa nilang plano ni Amenoah. Iyun ang kanilang pinagkaabalahan sa dalawang araw na wala siyang pasok at bukas nga ay nakahanda na siyang iprisenta ang proposal na alam niyang for formality sake na lang dahil siya rin naman ang mag-aapruba at noong isang gabi pa lang nang sabihin iyun ni Amenoah sa kanya ay on the spot approved na niya ito.
Muli niyang iniangat ang kanyang paningin na hindi gumagalaw ang kanyang ulo para sulyapan si Amenoah na muling nakaupo sa pwesto nito kagabi. Nakaharap ito sa kanyang laptop at ito ang taga-type ng mga kopya na ipiprisenta bukas na plano.
Pasimple niya itong pinagmasdan kung paanong kumukunot ang noo nito sa tuwing babasahin nito ang papel na kinokopyahan nito at ang pagkagat nito sa ibabang labi nito. at doon niya palihim na pinag-aralan ang mukha nito. She has that soft square jaw, her nose were aquiline but on the feminine side na bumagay sa mukha nito. Ang mga mata nito na makakapal ang pilik na bumibilog sa tuwing nagiging defensive ito sa kanya. At ang mga labi nito na mas makapal ang pang-ibaba na bahagi, na lagi nitong kinakagat.
At siyempre makakalimutan ba niya ang nakita niya sa helicopter? At bigla siyang nasamid kahit pa walang laman ang kanyang bibig.
"Okey ka lang?" ang tanong ni Amenoah sa kanya at natuon ang mga mata nito sa kanya habang hinihintay siya na sumagot nito. But he has to cough and wheeze a couple of times bago niya nakuha na magsalita at mukhang nag-alala na si Amenoah sa kanya dahil sa tumayo na ito para ikuha siya ng isang basong tubig.
"I'm f-fine," ang inuubo niyang sagot at dinampot niya ang baso para inumin ang tubig at sa isang inuman lang ay naubos niya ang laman ng baso.
"Thanks," ang sagot niya paglalunok niya ng tubig. Muling naupo si Amenoah sa upuan nito sa harapan niya at hindi muna nito ibinalik ang atensyon sa kanyang laptop.
"Mukhang may nakaalala sa iyo," ang sabi ni Amenoah sa kanya na kanyang ipinagtaka.
"May nakaalala?" ang tanong niya rito at kinunutan niya ito ng noo bago siya muling napasulyap sa bahagi ng katawan nito na nagpasamid sa kanya.
"Hindi ba kapag nasasamid ka, eh ibig sabihindaw na may nakakaalala sa iyo?" ang tanong na sagot nito sa kanya.
"Uhm hindi ko alam?" ang kanyang nag-aalangan na tanong na sagot.
Isang kibit balikat at matipid na ngiti ang ginawa nito bago muling hinarap ni Amenoah ang kanyang laptop at nagsimula na tumipa ang mga daliri nito sa keyboard. Pero hindi pa pala ito tapos, dahil sa habang nagti-type ito at abala ang mga mata sa screen ay muli itong nagsalita.
"Naalala ka siguro niya," ang malumanay at halos mahina na sabi nito sa kanya. Tinignan niya si Amenoah at mukha hindi naman ito naghihintay ng sagot sa sinabi nito sa kanya kaya naman nanatili na lang na tikom ang kanyang bibig.
Alam niya kung sino ang tinutukoy ni Amenoah, at hindi niya alam kung totoo ang mga paniniwala nito. Pero, hindi nga kaya naalala rin siya si Sofia? Hindi kaya sa kabila ng ipinapakita nito ay iniisip siya nito at kinakailangan lamang nito na magkunwari dahil nga sa propesyon nito? sana nga, ang kahilingan ni Dallas.
"Dallas," ang pagtawag ni Amenoah sa kanyang pangalan at muli niyang itinuon ang kanyang mga mata kay Amenoah at nagtama ang kanilang mga paningin.
"Yes?" ang matipid na sagot niya.
"Uhm, hindi sa nanghihimasok ako o tsismosa pero, parang ganun na rin, gusto ko lang malaman kung, kailan mo balak pabinyagan si Parisa?" ang tanong nito sa kanya na di niya inaasahan.
"Bakit mo naman naitanong?" ang sagot niyang tanong din dito at napaatras ang kanyang ulo habang nakakunot ang kanyang mukha.
"Kasi, dapat sa edad ng buwan ni Parisa ay napabinayagan na siya, wala na nga siyang pangalan, wala pa siyang binyag at sigurado ako na, hindi pa nakarehistro ang kanyang kapanganakan," ang malungkot na sabi ni Amenoah at nabakas niya ang kirot sa bawat salitang binitiwan nito. Hindi siya makasagot, dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.
BINABASA MO ANG
The Contractual Mommy (completed)
RomansaFor mature readers only 18 and up!!! They will both do anything for the sake of their loved ones, but what if they found love that they truly deserved in each others arms? But they were bound by an obligation. Gagawin ni Dallas ang lahat para mapa...