Chapter 57

3.5K 191 60
                                    

"Ako ang tumawag sa kilalang showbiz writer kagabi para sabihin na nabuntis at nanganak ka," ang mariin na sabi ni Dallas kay Sofia at nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito. Hinawi nito ang kanyang mga kamay na nakahawak sa mga balikat nito at kusa niyang inalis ang kanyang mga kamay at pinagmasdan niya ang gulat na mukha ni Sofia. She doens't look like her normal self, it looks like that she really was affected by the news, ang sabi ng isipan ni Dallas, there was a wild look in Sofia's eyes.

 Umiling ang ulo ni Sofia habang nakapako ang kanilang mata, mukhang hindi nito kayang tanggapin ang katotohanan ng kanyang ginawa.

"That's not true, you love me, you will not do this to me," ang mga di makapaniwala at mga denial ni Sofia.

"It is true, ginawa ko iyun, and for your information Sofia? Again may I remind you that I did love you, but you are my past," ang giit niya kay Sofia.

"Pero bakit mo ginawa?! Bakit mo ako sinira?"! ang galit na sigaw ni Sofia sa kanya.

"Ginawa ko para kay Parisa, alam ko nang mag-usap tayo na gagamitin at gagamitin mo laban sa akin si Parisa at hindi ako papayag na mangyari iyun," ang mariin na sagot ni Dallas kay Sofia.

Naghalukipkip ang mga braso ni Sofia at umiling ito, she gave him a look with disbelief, "Ganito ka na ba kadesperado na makuha ako Dallas? Kaya ginawa mo ito?" ang tanong ni Sofia sa kanya

Napaatras ang ulo ni Dallas sa sinabi ni Sofia, talaga nga na sarili lang ni Sofia ang iniisip nito? Well atleast mas maganda na iyun dahil magagamit niya ang pagiging makasarili ni Sofia at iyun ang pinagmulan ng kanyang balak sa tulong na rin ng kanyang abugado na si Atty. Alexandria.

"I'm not doing this because of you Sofia," ang mariin na sagot niya rito na may pag-iling ng kanyang ulo at ang kanyang mga kamay ay napunta sa kanyang mga balakang.

"Pero hindi ba kailangan mo ako para mabuo ang pangarap mo na pamilya para sa bata?" ang tanong ni Sofia sa kanya.

Napailing na muli ang ulo ni Dallas kasabay ng pagbuga niya ng malalim na hininga, "you can't even mention her name," ang giit ni Dallas.

"I don't like her name, babaguhin ko ang pangalan niya, mukha namang wala na akong career na babalikan so, wala na akong magagawa kundi ang pangatawanan ang papel ng pagiging mommy at asawa mo," angwalang ganang sagot ni Sofia sa kanya, na tila ba napilitan lang ito sa ideya na binanggit nito sa kanya.

Muli siyang umiling, "no Sofia, I will give Parisa the family she deserves without you in the picture, ang tanging magiging papel mo lang ay ang pumirma sa papel," ang sagot niya kay Sofia at nakita niyang tinaasan siya nito ng kilay. It looks like Sofia still didn't get the picture or she's just in denial of what was the reality. He thought that Sofia has lived in her make believe world of glitz and glamour that everything is about her and that she will always be an important part of someone's life especially to his life, but that was once upon a time.

"Ugh," ang sambit nito at gumalaw pa ang mga balikat nito nang nagsingasing ito, "Yeah right the baby, you, and Amenoah," ang saad ni Sofia sa kanya na may pagsingasing at marahan na tawa na tila ba nakakatawa ang mga salitang binanggit nito.

"Oo Sofia, ako, si Parisa, at si Amenoah ang magiging isang pamilya, at dahil sa iyo ay mangyayari iyun," ang mariin na sabi ni Dallas kay Sofia. Napaatras ang ulo nito at bumuka ang bibig sandaling umiwas ng tingin ang mga mata nito sa kanya at saka siya muling tiningnan nito, and she gave him another look of disbelief as she shook her head from left to right and she started to laugh.

"Ha ha ha!" ang malakas na halakhak nito at mula sa pagkakahalukipkip ng mga braso sa dibdib nito ay bumaba ang mga kamay ni Sofia sa bewang nito habang tumatawa ito.

The Contractual Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon