Chapter 48

3.2K 168 51
                                    

Hindi ipinahalata ni Dallas ang kanyang pagkabigla nang makita si Sofia sa lamesa ng judges. He was given a list of judges sa invitation and he swore na hindi niya nakita ang pangalan ni Sofia na nakasulat kaya naman nagtaka siya nang makita ang mukha nito. Napansin pa niya ang pangalan na nakasulat sa isang cardboard ng pangalan ng judge sa designated seats ng mga ito at magkatabi ang kanilang silya.

Mabilis niyang sinulyapan si Amenoah at nakita niyang wala na ang malapad na ngiti sa mga labi nito na kanina lamang ay palamuti ng maganda nitong mukha.

"Uhm Amenoah,"-

"Dallas! Kamusta?"! ang masayang bati ni Sofia na tumayo pa mula sa kinauupuan nito.

"Sir please, here is your seat katabi po ni maam Sofia, mukhang magkakilala po kayo," ang masayang sabi nito sa kanya.

"Uhm yes she's a friend," ang matipid niyang sagot.

"Dallas kamusta ka na?" ang sabi nito sa kanya. Umalis ito mula sa lamesa para lumapit sa kanya at tumikayad ito para halikan ang kanyang pisngi.

"I'm very good," ang sagot niya rito sabay sulyap niya kay Amenoah na mukhang naging tuod ng sandali na iyun.

"Amenoah kamusta ka na?" ang bati naman nito kay Amenoah at katuld ng ginawa nitong pagbati sa kanya ay ganun din ang pagbati nit okay Amenoah. Masayang lumapit it okay Amenoah para halikan ang magkabilang pisngi ni Amenoah at kitang-kita naman sa mukha ni Amenoah na mukhang naasiwa ito sa ginawa ni Sofia.

Sofia's happiness looks genuine nang batiin nito si Amenoah. Tanggap na ba nito na magkahiwalay na sila? Ang tanong ni Dallas sa kanyang sarili. Pero hindi pa niya nasabi kay Sofia na si Amenoah ang bagong nagpapatibok ng kanyang puso. 

"Mabuti," ang narinig ni Dallas na matipid na sagot ni Amenoah at may matipid o pilit na ngiti ang sa mukha nito.

"Madam dito po tayo," ang sabi ng coordinator kay Amenoah at iginiya nito si Amenoah patungo sa mga upuan sa bandang  ibaba ng makeshift na stage.

"Amenoah, babe," ang sabi niya at hinawakan niya ang kanan nito na pulsuhan para marahan itong hilahin palapit sa kanya para halikan ito sa labi, pero nagtaka si Dallas dahil malamig at walang buhay ang mga labi nito.

Napasulyap si Amenoah kay Sofia na nanatili na nakatayo sa kanilang harapan at taas ang kilay nitong binigyan siya ng tingin at isang ngiti na gumuhit sa labi nito at hindi iyun ngiti na may saya kundi tila may pangungutya sa kanya.

Pinagseselos lang ako ni Dallas, ang sabi ng kanyang isipan nang manumbalik sa isipan niya ang sinabi sa kanya noon ni Sofia nang kausapin siya nito sa bahay. Tiningnan niya si Dallas at isang ngiti lang na pilit ang isinagot niya  rito at nakita niya na kumunot ang noo nito.

"Okey ka lang ba babe kung dito muna ako sa stage?" ang tanong ni Dallas sa kanya at tumangu-tango naman siya. Magmumukha siyang tanga sa harapan ni Sofia kung hindi niya papayagan na maupo si Dallas sa tabi nito.

"Oo naman iyan nga ang ipinunta mo rito hindi ba?" ang tanong niya kay Dallas at pilit niyang pinagaan ang kanyang boses at kahit pakiramdam niyang mapupunit ang kanyang mga labi ay ngumiti siya kay Dallas.

"Okey," ang sambit ni Dallas at muli siyang hinalikan nito sa kanya namang noo at muli ay napasulyap siya kay Sofia na natatawa ng sandali na iyun, at iniwas na lang ni Amenoah ang kanyang mga mata kay Sofia at sumunod siya sa coordinator pababa ng makeshift na stage patungo sa mga upuan.

"Here madam, enjoy the festivities," ang sabi nito sa kanya bago siya iniwan nito sa silya na ilang row an layo mula sa makeshift na stage at ilang row ang layo kay Dallas.

The Contractual Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon