Chapter 53

3K 154 66
                                    

Parang sasabog na ang ulo ni Dallas ng mga sandali na iyun at tila ba hindi na niya matatagalan ang mahabng oras ng meeting niya with the group of government officials na makikipagtulungan sa kanyang kumpanya.

At hindi siya makapag-focusa sa agenda ng meeting na kanilang pinag-uusapan. His mind was occupied elsewhere or his mind was occupied by someone. By Amenoah.

Napabuntong-hininga siya, at muli niyang naalala ang mga nangyari kagabi at kanina. Kagabi nang pagsarhan siya nito ng pinto ng kwarto ay nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib. At nang muli siyang matulog sa kanyang silid ay nakaramdam siya ng labis na pangungulila.

Nagkamali siya, ang sabi niya sa kanyang sarili. Hindi niya dapat sinabi ang mga salitang iyun lalo pa at alam niya na nasaktan na ito. Habang nakahiga siya sa kanyang kama na nag-iisa ay doon sumagi at doon niya napagtanto ang sakit ng salitang binitawan niya.

Pareho silang nasaktan, pero lubos na mas masakit ang ginawa ni Polo kaysa kay Sofia, hindi siya ipinagpalit ni Sofia sa ibang lalaki, sa kanyang pagkakaalam. Sa pangarap nito siya hindi naman ipinagpalit ngunit mas inuna nito kaysa sa kanya at sa simula ay sinuportahan niya ito. Simula pa lamang ay alam na niya ang lagay ng relasyon nila at iyun ay para maghintay siya. At doon na siya napagod, kaya naman siya na ang humiwalay.  

Iba at malaki ang pagkakaiba ng kay Polo, hindi siya inilihim ni Polo, pinaramdam ang pagmamahal nito, at hindi nito itinago si Amenoah o hindi pinaasa, sa simula pa lamang ng relasyon ay alam ni Amenoah ang katayuan nito sa relasyon nila ni Polo at iyun ay ang babaeng labis nitong minamahal. Pero sa kabila ng lahat ay nagawang lokohin ni Polo si Amenoah nang dahil sa ibang babae. At nakita niya ang pinagdaanan na pighati ni Amenoah.

Kaya naman naiintindihan niya ang pinaghuhugutan nito, naintindihan niya na takot na magtiwala si Amenoah dahil sa pinagdaanan nito kay Polo. Ang sugat na unti-unti na pinaghihilom ay muling naging sariwa dahil sa mga kalmot na ginawa ni Sofia. Dapat ay nakita na niya noon pa ang litrato na si Sofia at hindi si Polo ang magiging sagabal sa relasyon nila ni Amenoah.

Insecurity doesn't only means about beauty or physical appearances, insecurity also means a deficient in assurance in a relationship, at iyun ang nararamdaman ni Amenoah at ag dahilan niyun ay ang itinanim na pagdududa ni Sofia.

"Dallas, uhm it is your turn?" ang sabi sa kanya ng mayor ng isang malaking siyudad sa metro. Nakataas ang dalawang kilay nito sa kanya ngunit may ngiti ang mga labi nito.

"Oh sorry," ang nahihiyang sambit niya dahil sa wala siyang naintindihan sa anumang sinabi nito kanina lamang para sa mga proposals. Dumiretso ang kanyang likod at pagkakaupo mula sa slouching position niya sa upuan. Nakakahiya sa mga kausap niyang matataas ang katungkulan sa gobyerno.

"I'm-I'm really sorry," ang nahihiyang sabi niya habang inaayos niya ang mga papel na inihanda sa kanyang ng kanyang secretary na nasa bakasyon na nang araw na iyun.

"I'ts okey, ganyan din naman kami paminsan-minsan o madalas, ha ha ha," ang birong sagot sa kanya ng mayor din ng isang siyudad.

Napataas ang kanyang dalawang kilay at napailing na lang habang nagpakawala na rin siya ng mahinang tawa kasabay ng kasama nila sa lamesa.

"Don't worry Dallas, ikaw na ang huling speaker, malamang bibilisan mo na lang," ang biro sa kanya ng isa pa at muli na lamang siyang natawa.

"I will," ang pabiro niyang sagot sa mga ito, at laking pasalamat niya dahil nga sa napaka-efficient ng kanyang secretary at inayos nito ang lahat ng kanyang kakailanganin at pati ang listahan ng kanyang schedule.

At sa sandaling iyun ay sinimulan na niyang basahin ang kanyang proposal at tama nga ang mga kasama niya sa lamesa, gusto na talaga niyang matapos ang lahat.

The Contractual Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon