Chapter 22

3.1K 186 55
                                    

Kitang-kita ni Dallas ang pagnganga ng bibig ni Amenoah pagkatapos nitong marinig ang kanyang sinabi na pagpapakilala ni Dallas rito bilang partner at mother ng kanyang anak sa kanyang mga kasama sa lamesa na stockolders at head ng mga department sa loob ng conference room. Mukhang nagulat talaga niya si Amenoah na ipakikilala niya ito sa lahat ng kasama niya at iyun naman talaga ang kanyang binalak na gawin kagabi pa.

"Amenoah?" ang sambit ni Dallas sa pangalan nito habang hinihintay niya si Amenoah na sumagot sa kanyang sinabi. Pinagmasdan niya kung ilang beses na nagbukas-sara ang bibig nito ng makailang ulit bago ito sumara nang tuluyan at nakita niyang gumalawa ang lalamunan nito nang lumunok muna ito bago ito nagsalita.

"Uh-uhm h-hello po," ang tanging lumabas sa bibig at isang nanginginig na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Amenoah habang ang lahat ng atensyon sa lamesa ay nakapalibot dito.

Isinampay niya ang kanyang kanan na braso sa likod ng upuan nito na pinasadya niya para kay Amenoah dahil isa iyung malambot na armchair para maging komportable ang pagkakaupo nito lalo pa at kandong nito at sa sandali na iyun ay nakahiga sa magkadikit na hita ni Amenoah.

"Kailan ka pa nag-asawa?"! ang gulat na tanong ng matandang lalaki na si Mr. Lim na stockholder ng Sebastian Inc. na itinatag pa ng kanyang lolo at si Mr. Lim ay isang abugado na kaibigan ng kanyang namayapang daddy.

"Uhm not yet married Mr. Lim" ang sagot niya rito at nakita niyang napaatras ang ulo nito kasabay ng pag-iling ng ulo nito.

"With beauty and brains like her? Naku kung ako ay bata-bata pa sigurado na hindi ko palalagpasin ang katulad na babae ni Amenoah," ang nakangiting sabi ng matandag abugado at stockholder ng kumpanya.

Napangiti na lamang si Dallas at sinulyapan niya si Amenoah na napatungo na lamang marahil sa hiya, na ito ang naging sentro ng atensyon sa loob ng conference room.

"Oh anak mo ang baby na iyan?" ang gulat ng isa pa sa mga stockholder ng kumpanya na kanya na rin namang malapit na kaibigan. Napasandal siya sa sandalan ng kanyang swivel chair at may pagmamalaki niyang tiningnan at nginitian ang kaibigan na halata ang gulat sa mata nito.

"Nakabuo ka na pala wala man lang kaming balita?" ang narinig niyang tanong ng isa sa mga department head kay Dallas.

"Sa isla kasi sila tumira mas less stress dun," ang sagot ni Dallas na kalahati sa katotohanan ang kanyang sinabi dahil sa totoo naman na tumira sandali sina Amenoah at kanyang anak

"Oo nga ang tagal mo nga na hindi naghost ng party doon yun pala may itinatago kang kayamanan mo roon, pasilip nga ng baby ninyo?" ang sabi nito at tumayo ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair para humakbang papalapit kina Amenoah at kanyang baby na tulog pa rin sa mga magkadikit na hita ni Amenoah.

"Uy natutulog ang baby, kamukha mo Dallas? I assume it is a she dahil sa pink na dress nito what's her name?" ang tanong nito sa kanya na kanyang ikinabigla at hindi niya inaasahan. Ang malapad na ngiti sa kanyang mukha na nakapako kanina pa ay tila hinila ng martilyo at nakalas ang dalawang sulok ng kanyang labi at tuluyan na bumagsak. Hindi niya alam kaagad ang kanyang isasagot at naramdaman na niya ang mata ni Amenoah na mukhang ito rin ay naghihintay ng kanyang sagot.

At ano nga ba ang isasagot niya? Na hindi niya mabigyan ang anak niya ng pangalan dahil sa hinihintay niya ang ina ng kanyang anak na isang artista at ayaw na malaman nito na nabuntis niya ito dahil sa takot ito na malaos ang career nito.

"Ang haba ba ng pangalan ng anak mo Dallas at hindi mo matandaan?" ang natatawa na biro sa kanya nito na nakatayo pa rin sa tabi ni Amenoah.

"O baka marami kang naging anak na tinatago mo kaya di mo matandaan baka magkamali ka ng sabi?" ang biro ng isa pa na nasa upuan nito.

The Contractual Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon