"Babalik sa Manila?" ang tanong ni Amenoah.
"Oo, why? Parang nagulat ka?" ang tanong sa kanya ni Dallas na nagsasalitan ang mga mata nito sa kanya at kay Parisa.
"Ugh sabi mo kasi dati na isang linggo lang ay babalik ka na, pero inabot ng isang buwan," ang sagot niya at nakita niyang tumikom ang labi ni Dallas.
"Kaya nga nandito na ako," ang matipid na sagot ni Dallas.
"Ugh hindi sa nagrereklamo ako, napakaganda ng lugar na ito at kung tutuusin masarap nga na dito na kami muna tumira, hindi ba kailangan mo siya na itago? Bakit kami babalik sa Maynila?" ang tanong niya.
"Bakit ayaw mo ba na mapalapit ka sa pamilya mo?" ang tanong nito sa kanya at napaatras ang kanyang ulo at napakagat siya sa kanyang ibabang labi at napansin niyang tiningnan ni Dallas ang kanyang ginawa.
"Uhm may point ka, hindi dahil sa ayaw ko pero hindi ba sabi mo na itatago mo"-
"I know what I said! Ugh," ang putol sa kanya ni Dallas at isang buntong-hininga ng pagkairita ang pinakawalan nito.
"Basta sasama na kayo sa Manila, tapos na ang usapan okey?" ang inis na sabi nito sa kanya at saka siya nito tinalikuran at dali-dali na pumasok ito sa loob ng bahay. Kumunot ang noo ni Amenoah at humaba ang kanyang nguso habang nakasunod ang kanyang mga mata sa likuran ni Dallas hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin.
"Hindi ko alam kung masakit ang mata niya sa akin o sadyang laging may dalaw yung ama mo Parisa, kung di lang maganda mga mata eh, saka pogi na rin," ang mahinang sabi niya kay Parisa.
"Halika na nga at balik Manila na raw tayo," ang dugtong pa niya saka sila naglakad papasok ng bahay.
***
"Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang natin?" ang tanong ni Amenoah kay Dallas na mabilis na lumingon sa kanyang direksiyon. Bitbit nito ang kanilang bag ni Parisa na laman ang kanilang kakaunting mga gamit.
"We can't my business meeting ako bukas," ang sagot nito sa kanya at nagpatuloy ito sa paglalakad. Madilim na ang kalangitan at hindi na nga nagpatumpiktumpik pa si Dallas na yayain silang pauwi ng Manila. Ni hindi pa nga uminit ang pwet nito sa upuan sa bahay ay gusto na agad nitong bumalik.
Sandaling napapikit ang mga mata ni Amenoah at napabuntong-hininga na lamang siya. Paano ba iyan? Hindi siya ready, alam niyang sumasama ang kanyang pakiramdam sa helicopter at parang hinahalukay ang kanyang sikmura, ang dami pa naman niyang nakain kanina dahil sa pameryenda ni tatay Ronilo, ang sabi ni Amenoah sa kanyang sarili.
Pero wala na siyang nagawa at ang kanyang boss ang nagpasya na kailangan na nilang bumalik sa Manila at siyempre ito ang masusunod at saka gusto na rin niyang makausap ang kanyang kapatid at mga magulang.
At saka kailangan na rin ni Parisa ng mga bagong damit at hindi na kasya ang mga pang new born na damit nito, kailangan pala niyang kausapin si Dallas tungkol doon, ang sabi pa niya sa kanyang sarili.
Hinintay sila ni Dallas sa labas ng pintuan ng helicopter, tinulungan siya nitong makapasok sa loob na hindi man lamang kinuha nito sa kanyang bisig ang anak nito. Hanggang sa sandali na iyun ay tila natatakot pa rin si Dallas na hawakan ang anak. Kaya naman siya ang halos buhatin nito papasok sa loob ng helicopter.
Pagkaupo niya ay inihiga niya ang natutulog nang si Parisa sa kanyang hita at pinaunan ito sa kanyang kanan na bisig. Si Dallas naman ay sa tabi na nila naupo sa pagitan nila ang mga bag nila ni Parisa.
"Here," ang sabi sa kanya ni Dallas at iniabot nito ang headset para ma-minimise ang ingay at airpressure sa tenga pero tinanggihan iyun ni Amenoah.
"Kailangan mo ito," ang sabi sa kanya ni Dallas pero hindi pa rin niya iyun kinuha.
BINABASA MO ANG
The Contractual Mommy (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up!!! They will both do anything for the sake of their loved ones, but what if they found love that they truly deserved in each others arms? But they were bound by an obligation. Gagawin ni Dallas ang lahat para mapa...