Chapter 2

4.3K 164 19
                                    

Maaga pa lang ay nasa bangko na si Amenoah, at mukhang nauna pa siya sa gwardiya na naka duty, at lagi namang ganun ang nangyayari sa sitwasyon niya, hindi naman sa nagpapakitang gilas siya, sadyang excited lamang siya na magtrabaho sa kilalang bangko na Sebastian.

At mas lalo na sa sadali na iyun dahil sa tuluyan na siyang inabsorb ng kumpanya at ginawa na na siyang isang regular na empleyado at dahil na rin siguro sa naiambag niyang kaaalman na nagpaangat ng deposits ng kanilang branch at dahil doon ay napansin ang kanilang branch at maging siya na rin kaya naman sa araw na iyun ang mismong may-ari na si Mr. Dallas Sebastian ay personal silang babatiin kaya naman sino ba ang hindi magiging extra na excited? Ang sabi ni Amenoah habang nakaupo siya sa labas ng bangko at ilang sandali pa ay namataan na niya ang kanilang guwardiya na malapad na naman ang pagkakangiti ng makita siya.

"Good morning manong," ang magiliw niyang bati rito tulad ng kanyang nakagawian kasabay ng kanyang pagbati ay ang pagtayo niya mula sa pagkakaupo niya sa mababang patungan ng mga halaman sa harapan ng parking ng bangko.

Napakamot ng batok ang mabait na guwardiya ng bangko at kinuha nito ang susi sa loob ng harapan nitong bulsa.

"Palit na kaya tayo ng trabaho? Napapahiya ako sa aga mong pumasok," ang biro sa kanya ng mabait na guwardiya at isang malapad na ngiti naman ang isinagot niya rito.

"Manong naman, takot po ako sa baril at sa batuta, saka, sumasabay po kasi ako kay tatay sa paglabas nito ng jeep sayang ang pamasahe," ang magiliw niyang sagot sa guwardiya na madalas niyang makakwentuhan dahil na rin sa aga ng pagpasok niya sa bangko.

"Ganun ba? Mabuti nga at tipid sa pamasahe kung ako rin naman ay mas gusto ang mamasada na lang ng jeep at hawak mo pa ang oras mo," ang sagot nito sa kanya pagkaangat nito ng accordion gates.

"Naku maigi lang yun kung sa amin ang jeep pero nakikirelyebo lang po si tatay," ang sagot niya at pumasok sa sila sa loob ng bangko. Agad na nag-time in sila sa logbook at binuksan naman ni Amenoah ang aircon saka siya nagtuloy sa employees lounge sa likod ng one story building kung saan naroon din ang pantry. At dahil sa wala siyang pwesto sa loob ng opisina bilang isang collector ay sa employees lounge niya inilalagay ang kanyang bag. Inilagay nya iyun sa sulok sa pwesto kung saan iniiwan din ng mga empleyado ang mga dalang bag na may laman na baunan na mga ito. Binuksan niya ang electric pot para makapagpakulo ng tubig, ang kumpanya ay nagprovide ng coffee at snacks para sa mga empleyado nito kaya naman sa kape pa lang at meryenda ay buhay na si Amenoah sa opisina.

Maya-maya ay dumating na ang kanilang tagalinis , na sa tuwing umaga at hapon lamang nagpupunta sa kanilang bangko para maglinis ito kasunod naman nito ang nagmamadali nilang branch manager.

"Good morning po ma'am Milet," ang masayang bati niya sa kanilan branch manager na maliit lamang na babae. Natataranta itong naglakad patungo sa lamesa nito sa loob ng sarili nitong cubicle ilang dipa ang layo sa cubicle ng mga teller.

"Good morning, good morning malinis na ba ang lahat? Nakaayos na ba? Naku kailangan siguro natin na magpabili ng kape para kay Sir Dallas, hindi natin siya pwedeng painumin ng three in one na kape," ang natataranta na sabi ni ma'am Milet sa kanya.

"Uh ma'am gusto niyo po ba na umorder po ako sa malapit na cofee shop sa labas?" ang tanong niya sa branch manager ng kanilang bangko.

Umiling ang ulo nito, "no tawagan ko na lang si Chelle para daan siya sa cofee shop," ang sagot nito sa kanya.

"Pero ma'am baka po lumamig na yung kape ni sir tapos wala pa po siya," ang sagot niya at sandaling natigilan ito habang nakatingin sa kanya. At napasapo ang kanan na palad nito sa sariling noo nang mapagtanto ang kanyang sinabi.

"Naku oo nga, paano ba ito?" ang tanong ni ma'am Milet at isa-isa na rin na nagdatingan ang iba pang empleyado ng bangko na halata ang kaba at saya sa mga mukha nito. Isa kasi sa maliit na branch ang kanilang bangko kaya naman bihira talaga na mapansin ito ng may-ari.

The Contractual Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon