Chapter 12

3.2K 188 43
                                    

Parang sasabog na ang ulo ni Amenoah mula nang umangat ang helicopter sa helipad sa ibabaw ng building na pag-aari ni Dallas. Doon kasi sila dumiretso katulad ng sinabi nito sa kanya na sa araw na iyun ay magsisimula na ang kanyang trabaho bilang mommy ng anak ni Dallas na nasa isang isla raw na hanggang sa sandali na iyun ay hindi pa niya alam kung alin sa pitong libo mahigit na isla ng Pilipinas.

At hindi niya inaasahan na mayroon pala siyang motion sickness. Kahit pa smooth at stable ang lipad ng helicopter dahil sa compact ito pakiramdam ni Amenoah na iniipit ang kanyang katawan at ulo at hindi pa nakatulong ang air pressure na dulot ng mataas na altitude nila sa lupa. Kahit pa mayroon siyang takip sa kanyang mga tenga na parang headphone ang pressure naman ay ramdam niya sa kanyang katawan at ulo.

At parang hinahalukay na ang kanyang sikmura at bituka sa tuwing liliko o magtaas-baba ang takbo nito. Para kasing nakasakay siya sa isang paikot-ikot na mabilis na roller coaster.

Mabuti pa yatang nagbarko o bangka na lang sila? Ang sabi ng isipan ni Amenoah, pero mas napangiwi pa siya nang maisip niya na hindi nga pala siya marunong lumangoy at mula sa itaas ay kitang-kita niya ang malawak na karagatan na may malalaking alon at sa isip ni Amenoah ay mas okey na rin sa kanya ang sumakay ng helicopter.

Itinukod niya ang kanyang kaliwang bisig sa may bintana sa kanyang tabi at ipinatong niya roon ang kanyang noo at ipinakit niya ang kanyang mga mata.

"Are you okey?" ang tanong sa kanya ni Dallas na nakaupo sa may tabi ng piloto. Nakatakip pa rin sa mga mata nito ang suot na aviator glasses pero dahil sa nakalingon ito sa kanya alam niyang nakatuon sa kanya ang mga deep set nitong mga mata.

"O-okey lang po sir uhm," at napangiwi na naman siya dahil sa kanyang pagkakamali, "Dallas, I'm okey..honey," ang nakangiti niyang sagot dito. Pero mukhang hindi naman natuwa si Dallas sa kanyang sinabi dahil sa nanatiling tikom ang mga labi nito at hindi niya kinakitaan ng emosyon.

At unti-unting nabura ang ngiti sa kanyang labi hanggang sa inalis na ni Dallas ang mga mata nito sa kanya at kumuyom ang kanyang labi.

Di maintindihan itong boss niyang ito, simula pa lang ng trabaho niya eh, huh sabi nito mommy siya? Magpanggap na nobya o jowa nito pero, nung tinawag niya na honey ito parang nagalit pa sa kanya? Ugh, ang hirap naman maging jowa ni sir..uh Dallas, ang sabi ng kanyang isipan.

Itinuon na niya ang kanyang atensyon sa labas ng bintana at nanlalaki na ang butas ng kanyang ilong sa pagpipigil niya ng kanyang duwal dahil sa hilo. Kung sumuka na kaya siya sa loob? Wala pa naman siyang plastic, ang sabi niya sa sarili, baka ingudngod siya ni honey sa inis sa kanya.

Sandali niyang ipinikit na muli ang kanyang mga mata at itinikom niya ang kanyang mga labi para pigilan ang sarili na masuka. At pagdilat niya ay ilang beses pa siyang kumurap-kurap nang mamataan na niya ang isang munting lupain na napapaligiran ng asul-berde na tubig at ang kapaligiran ng isla ay tila ba nakapaloob sa isang frame ng kulay puting buhangin na kitang-kita mula sa itaas kung saan nroon sila.

Mukhang nawala ang kanyang pagkahilo nang makita niya ang magandang tanwin mula sa itaas. Iyun na ba ang islang sinasabi ni Dallas? Ang tanong niya. At hindi na niya kailangan pa na tanungin si Dallas dahil sa naramdaman niya ang uni-unting pagbaba ng lipad ng helicopter at muli na naman niyang naramdaman ang sensasyon sa kanyang sikmura na parang hinahalukay kaya naman napakapit at halos idikit na niya ang kanyang mukha sa salamin habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Hanggang sa maramdaman niya ang pagkonekta ng tila mga paa ng helicopter sa lupa at ang malakas na tunog ng mga elesi nito ay unti-unting bumagal hanggang sa huminto.

Salamat sa Diyos! Ang sabi ng isipan ni Amenoah at gusto niyang halikan ang lupa ng sandali na iyun paglabas nila. Naunang lumabas ng helicopter si Dallas at sundo na gnawa nito ay ang pagbuksan siya ng pinto.

The Contractual Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon