Chapter 28

3.5K 188 36
                                    

Naging maaliwalas na ang pakiramdam ni Amenoah, pakiramdam niya ay tuluyan na siyang nakaalis mula sa mainit na paglalakad niya sa ilalim ng nagbabagang araw. Ang labi niya ay hindi na nanunuyo at malamig na ang kanyang pakiramadam. Hinila niya ang kumot hanggang sa kanyang leeg at tumagilid siya sa kanan at naghugis question mark ang kanyang posisyon at sumiksik siya pero mayroong bagay sa kanyang tabi na hindi naman dati nandoon.

Solido ito at mabango, pero sa halip na umiwas ay mas sumiksik pa siya. Ang init na dulot nito ay hindi katulad ng naramdaman niya kanina, ang init na nararamdaman niya ay masarap sa kanyang pakiramdam. Hindi nakapapaso kundi tila nagbibigay ng buhay sa kanyang katawan.

Huminga siya ng malalim para malanghap niya mabango nitong amoy at mas lalo pa siyang sumiksik dito. Pero may kumuha na ng kanyang diwa, nakakarinig siya ng tunog ng paghinga. Hanggang sa may maramdaman siya na sumampay sa kanyang bewang. At iyun ang naging dahilan kung bakit bigla siyang dumilat. At pagbuka ng kanyang mga mata ay ang mukha ni Dallas ang bumati sa kanya. At magkalapit ang kanilang mga mukha. Nakapikit ang mga mata nito at bahagyang nakabuka ang labi nito kung saan niya narinig ang tunog ng paghinga. Naghihilik ito ngunit yung hindi masakit sa tenga, kung siya nga ang tatanungin ay masarap iyun pakinggan habang natutulog.

Kumurap-kurap ang talukap ng kanyang mga mata at nagtaka siya kung bakit doon natulog sa kanyang tabi si Dallas at literal na magkasama sila sa iisang kumot.

May nangyari ba sa kanila kagabi? Ang tanong niya at kumunot ang kanyang noo at mabilis niyang tiningnan ang kanyang suot na damit kung may suot pa nga ba siyang damit. At mabilis niyang inangat ang kumot para silipin niya ang kanyang katawan sa loob ng kumot at nakita niya na iba na ang suot niyang t-shirt.

Hah, bakit iba na ang suot niyang damit? Ang gulat niyang tanong sa sarili at nagsimula nang kumabog ang kanyang dibdib. Anong nangyari kagabi? Nalasing ba siya? Nalasing ba sila? Wala naman siyang natatandaan na nag-inuman sila ni Dallas, ang sabi pa niya.

Napatihaya siya sa mula sa pagkakahiga niya nang nakatagilid at kinuyos niya ang kumot sa kanyang mga kamay at hinila niya iyun sa kanyang baba habang nakakunot at namimilog ang kanyang mga mata at iniisip niya ang mga nangyari kagabi. Ang naalala lang niya ay kumatok si Dallas kagabi sa kanyang kwarto at pinagbuksan niya ito at may itinanong ito sa kanya kagabi.

Tinanong ba siya nito na mag-sex sila? Pumayag ba siya? Ugh wala siyang matandaan! Ang sabi ng kanyang isipan at umikot-ikot pa ang kanyang mga mata saka pumihit ang kanyang ulo patungo sa direksiyon ng natutulog na si Dallas sa kanyang tabi na sobrang dikit sa kanya na naririnig pa rin niya ang mahinang paghilik nito at naramdaman pa rin niya ang bisig nito sa ibabaw ng kanyang tiyan.

Hanggang sa maalala niya ang init na kanyang naramdaman. Hala! Baka ang init na naramdaman niya ay ang sandaling nagsi-sex sila?! Ang kinakabahan niyang tanong sa kanyang sarili at wala pa rin siyang natatandaan.

Hindi ba dapat mararamdaman at matatandaan niya iyun? Hindi niya matandaan na lasing siya o hilo siya, nag-iba na ba ang trabaho niya at literal na siyang magiging mommy? Ang sabi pa ng isipan niya.

At nanigas ang kanyang katawan nang maramdaman niyang gumalaw si Dallas sa kanyang tabi kaya naman mabilis niyang ipinikit ang kanyang mga mata at nagkunwari siyang natutulog pa rin.

Naramdaman ni Dallas na gumalaw ang kanyang kamay na nakasampay, pero hindi niya iyun pinansin at nanatili pa rin na nakapikit ang kanyang mga mata. Ramdam pa rin kasi niya ang antok dahil na rin sa halos magdamag siyang gising. Pero bigla siyang napaisip kung saan nakasampay ang kanyang kamay, it is not as soft as a pillow but is is soft and rather firm. At saka niya naalala kung saan siya natulog kanina. Kaya agad na dumilat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya si Amenoah na mukha namang natutulog pa rin. Nakapikit pa rin ang mga mata nito pero mukhang nakaramdam na ito ng ginaw dahil ang kumot ay hinila na nito hanggang sa ilalim ng baba nito. Pero para kay Dallas ang hitsura nito ay tila ba tinatakpan nito ang katawan kaysa sa giniginaw. At doon niya napagtanto na ang kanyang kamay ay nakapatong pa rin sa ibabaw ng tiyan ni Amenoah.

The Contractual Mommy (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon