"Opo nanay, mabuti po ako," ang sagot niya sa kanyang nanay sa kabilang linya. Tinawagan niya ito pagkagising niya ng maaga kinabukasan. Kinuha niya ang pagkakataon na tulog pa si Parisa at hindi maririnig ng kanyang nana yang tunog ng tawa o iyak ng bata.
"Eh saan ka ba tumutuloy?" ang tanong ng kanyang nanay sa kanya. Napakagat siya ng kanyang labi dahil kailangan na naman niya ang magsinungaling.
"Nanay malapit lang po sa pinagtatrabahuan ko, nag-dorm po ako," ang pagsisinungaling niya.
"Eh di tipid ka sa pamasahe, at hindi ka pagod?" ang tanong nito sa kanya.
"Opo," ang matipid niya na sagot.
"Nga pala anak, si Polo hindi ba kayo nagkausap?" ang tanong ng kanyang nanay sa kanya at naalala ni Ameoah na hindi na siya nabigyan ng pagkakataon nang umalis siya na kausapin si Polo.
"Uh hindi pa po nanay," ang kanyang sagot dito.
"Ganun ba? May problem aba kayong dalawa?" ang tanong ng kanyang nanay sa kanya. Tumikom ang kanyang mga labi sandali bago siya nagpakawala ng mahina na buntong-hininga.
"Hindi po nanay, bakit niyo naman po naitanong," ang sagot niya at napalingon siya sa kanyang likuran para tingnan kung nagising na si Parisa, pero nahihimbing pa rin ito.
"Nagpunta siya rito noong isang araw at hinahanap ka nga eh ang huling pagkakausap namin ay yung sinabi ko sa kanya yung ibinilin mo," ang saad ng kanyang nanay at hindi siya sumagot, nanatili lang siyang nakinig dahil sa sandali na iyun ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
"May trabaho na pala siya at gusto ka niyang makausap, bakit hindi mo kamustahin?" ang sabi ng nanay niya sa kanya. Natuwa naman si Amenoah nang malaman niyang may trabaho na si Polo, ibig sabihin ay nagbunga rin ang ginawa niyang pagtanggap sa trabaho bilang mommy.
"Mabuti naman po kung ganun, hindi po bale tatawagan ko po siya ngayon nanay," ang sabi ni Amenoah na nabuhayan ng loob sa kanyang magandang balita na narinig. Nagpaalam na siya sa kanyang nanay para naman tawagan si Polo. Muli niyang tiningnan si Parisa, nasa kama pa rin ito na pinalibutan niya ng maraming unan. Naiwan naman kasi sa isla ang crib nito kaya naman nangangailangan pa silang uli ng bagong crib para rito. Mamaya ay sasabihin niya ang lahat ng iyun kay Dallas.
Naiisipan na muna niyang magkape habang natutulog pa ang kanyang anak na si Parisa, kaya naman dahan-dahan siyang lumabas ng bahay bitbit ang kapares na baby speaker nito. Bumaba siya ng hagdan at nagtungo siya sa kusina at doon ay naghanap siya ng instant coffee pero wala siyang nakita, ang tanging nakita niya sa cupboard ay ang Arabica ground beans.
Hmm mukhang coffee maker ang gamit din dito ang sabi ni Amenoah sa kanyang sarili at nakita nga niya agad ang coffee maker sa ibabaw ng kitchen counter, katabi nito ang microwave oven dalawa sa appliances na makikita sa kusina nito.
Mukhang di mahilig magluto si boss, ang sabi pa niya sa sarili. Ipinatong niya ang baby speaker sa ibabaw ng kitchen counter, at saka niya isinalin ang kape sa portafilter at naglagay siya ng tubig saka niya hinayaan na gawin ng machine ang trabaho nito. At habang hinihintay niyang makagawa ng bagong brew na kape ang coffee maker ay doon na kinuha ni Amenoah ang pagkakataon na tawagan si Polo habang tulog pa ang lahat. Hindi lang niya alam kung gising na ito nang ganun kaaga na oras.
Idinikit niya ang kanyang phone sa kanyang tenga para pakinggan ang pag-ring ng phone ni Polo na sa ikaapat na ring ay sinagot na nito ang kanyang tawag.
''Amenoah?" ang patanong na sambit nito sa kanyang pangalan.
***
Bumangon si Dallas nang magbeep ang alarm ng kanyang digital clock, pinindot niya iyun at saka siya naupo sa kanyang kama. Another day with him living alone, ang sabi niya sa kanyang sarili, pero nang maalala niya kung sino ang nasa ikatlong kwarto ay napabuntong-hininga na lang siya.
BINABASA MO ANG
The Contractual Mommy (completed)
RomanceFor mature readers only 18 and up!!! They will both do anything for the sake of their loved ones, but what if they found love that they truly deserved in each others arms? But they were bound by an obligation. Gagawin ni Dallas ang lahat para mapa...