CHAPTER TWENTY-FOUR:

15.7K 290 7
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

~*Stacie's*~

"Duane anak, nasa sala si Carla." biglang sabi ni Yaya Paz habang nasa kusina kami ni Duane. Napatingin naman agad kami sa isa't isa.

Katatapos lang naming kumain ng hapunan at tinutulungan namin sila Yaya Paz na magligpit at maghugas ng pinagkainan.

"Sige yaya. Pakisabi papunta na ako." ani Duane. Bumalik naman agad si Yaya Paz sa sala.

Ano naman kaya ang ginagawa ng babaeng yun dito ng ganitong oras ng gabi?

"Nakakunot na naman ang noo mo." biglang puna ni Duane kaya muli akong napatingin sa kanya.

"Hindi ka pa ba pupunta doon? Baka hinihintay ka na niya."

"Bakit parang nagseselos ka?" parang natatawang tanong niya.

"Hindi ah. Pumunta ka na doon mukhang may importante siyang sasabihi--" natigilan nalang ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod habang nagpupunas ako ng mga platong nahugasan.

"You don't have to be jealous, okay? She's just a friend." bulong niya sabay halik sa sintido ko.

"Hindi naman ako nagseselos no." kaila ko pa.

"Okay, as you say. Umakyat ka na sa kwarto pagkatapos mo diyan. Aakyat din ako agad, okay?" aniya pa kaya tumango agad ako at siya, pumunta na sa sala kung nasaan si Carla.

"Bakit hindi mo siya harapin? She misses you Duane." narinig ko nalang na sabi ni Carla ng mapatapat ako sa terrace ng salas. Paakyat na sana ako sa kwarto dahil tapos na ako sa ginagawa ko.

"Ayoko siyang makausap o kahit makita." matigas na sabi ni Duane. "Matagal na siyang patay para sa akin."

"She's still--"

"Yun lang ba ang dahilan kung bakit nag-abala kang pumunta dito? Pwede ka ng umalis." putol niya sa sasabihin ni Carla.

"Duane--"

"Si yaya Paz na ang bahalang maghatid sayo palabas." sabi pa ni Duane saka ko narinig ang mga yabag niya kaya nagmadali agad akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto.

Ilang sandali lang pagpasok ko sa kwarto, pumasok na din si Duane. Halatang masama ang mood niya dahil hindi na naman maipinta ang mukha niya.

"Pahinga na tayo." nakangiting sabi ko ng lumapit siya sakin. Agad naman siyang tumango saka ako niyakap ng mahigpit.

*****

"Ano hong kailangan nila?" nakangiting tanong ko ng madatnan ang isang babae na nasa labas ng gate. Agad naman itong lumingon sa akin.

"Ikaw ba ang asawa ni Duane?" tipid na ngiting tanong nito.

"Oho. Sino po ba sila? May kailangan ho ba kayo sa kanya?" tanong ko naman saka ko nakitang lalong napangiti ito at agad akong hinawakan sa kamay. May kamukha siya pero hindi ko matukoy kung sino, lalo na ang mga mata niya kapag ngumingiti.

"Ako ang mama nila Duane." biglang sabi niya kaya napaawang ang labi ko. Ngayon alam ko na kung sino ang kamukha niya. Kamukhang kamukha niya si Lesley at Duane kapag ngumingiti.

"B-Bakit hindi ho kayo pumasok sa loob?" biglang sabi ko. "Halika ho. Pasok kayo." Sabay bukas ko sa gate saka kaming dalawa pumasok "Maya-maya pa po uuwi si Duane at Lesley. May dinaanan pa ho kasi sila." sabi ko pa. Tipid naman siyang ngumiti na halatang nag-aalinlangan.

"Stacie, anak--" halatang nagulat si yaya Paz ng makita kung sino ang kasama ko pagpasok namin ng bahay. "Ma'am Diane."

"Paz..." sambit ng mama ni Duane saka niyakap ng mahigpit si yaya Paz. Iniwan ko muna silang dalawa sa salas at umakyat na muna ako sa kwarto para magbihis saka muling bumaba sa salas.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon