CHAPTER FORTY-TWO:

18.2K 307 12
                                    

CHAPTER FORTY TWO

**Duane's**

"Who the fuck are you?!" narinig kong sigaw ng pamilyar na boses habang pababa kami ni Darius at Art sa basement ng resthouse nila Swisso.

Bumungad agad sa amin sila Ash, Migs, Swisso, Theo, Arlo at Keiji na nagtatawanan at nakapalibot sa lalaking nakatali sa upuan. Nakapiring ito habang pilit na kinakalag ang pagkakatali sa kanya. Habang si Matthew at Kaede naman ay parehong nakasandal sa pader at nakatingin lang kayla Ash.

"O nandito na pala sila eh." nakangising sabi ni Ash ng makita kami nila Darius.

"Siya na ba yun?" seryosong tanong ni Darius. Tumango naman agad ako.

"Siya nga." sabay na sagot namin ni Art.

"Anong kailangan niyo sakin mga hayop kayo?!" sigaw pa ni Andrew.

"Sinong unang babanat?" natutuwang tanong ni Migs.

"Sino ba kayong mga putang ina niyo ha?! Magpakita kayo sa akin. Wag kayong duwag!!" sigaw ni Andrew na halatang nagtatapang tapangan nalang.

"Tang ina. Ang angas nitong hayup na to ah. Babasagin ko ang mukha nito." napipikong sabi ni Migs na akmang sasapakin na si Andrew pero pinigilan agad siya ni Theo.

"Hey! Take it easy, pare." pigil ni Theo kay Migs. "May kailangan pa tayong malaman mula sa animal na to."

"Tsk. Balik na naman tayo sa gawain noong college." bored na sabi ni Kaede saka pwersahan tinanggal ang blindfold na nasa mata ni Andrew.

Halatang nagulat ito ng makita ako pero agad niyang tinakpan ng pagngisi ang pagkagulat niyang iyon kaya lalo akong nabwisit.

"Totoo bang may relasyon kayo ni Stacie?" mahinahong tanong ni Arlo matapos isa isang inilapag sa lamesang nasa harap ni Andrew ang mga pictures nila ni Stacie.

Tumingin siya sa akin matapos tignan ang mga picture saka ngumisi ng nakakaloko.

"Oo. May relasyon kaming dalawa." nakangising sagot niya kaya hindi ko na napigilang suang sarili kong lapitan siya at suntukin siya sa panga ng tatlong sunod sunod.

"Tama na muna, pare." awat ni Swisso at Keiji na parehong nakahawak sa magkabilang braso ko.

Halos mapaiyak na si Andrew sa sobrang sakit ng ginawa ko habang dumudugo ang pumutok niyang labi.

"Sinungaling ka Andrew." narinig kong galit na galit na sabi ni Art. "Alam mo sa sarili mo na wala kayong relasyon ni Stacie. Ano bang kailangan mo at ginagawa mo to ha? Nagdudusa siya ng dahil sa kawalang hiyaan mo."

Hindi ko alam kung gusto kong marinig ang totoo. Natatakot ako na malamang mali ang akala ko. Natatakot akong malaman na totoong wala silang relasyon ni Stacie.

"Yun ang toto--" hindi na naituloy ni Andrew ang sasabihin niya dahil sinapak na siya ni Darius dahilan para pumutok ang gilid ng mata niya at dumaing siya ulit sa sakit.

"Kung ako sayo, aayusin ko ang sagot ko. Pare-parehong gustong manakit ng mga kasama ko sa mga oras na to." mahinahong sabi ni Kaede.

"Magsabi ka na ng totoo kung ayaw mong maibunton sayo ang init ng ulo namin isa isa." sabi naman ni Matthew.

"Uulitin ko ang tanong." seryosong tanong ni Keiji habang pinaglalaruan nito ang hawak niyang martilyo. "Totoo bang may relasyon kayo ni Stacie, ng babaeng kasama mo diyan sa picture?"

"Subukan mo lang sumagot ng mali at dudurugin namin ang mga daliri mo sa paa." pagbabanta pa ni Swisso.

Hindi agad sumagot si Andrew na nakatitig lang sa mga pictures na nakalatag sa lamesa. Halatang nag-aalangan siya kung sasagot ba siya o hindi.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon