CHAPTER EIGHT:

17.9K 306 7
                                    

CHAPTER EIGHT

~*Stacie's*~

"I already told you Lesley. Hinding hindi mo ako matatakasan. Mahahanap at mahahanap kita kahit saan pa kayo magtago ng lalaking yun." napahinto nalang ako ng marinig ang galit na boses ni Duane ng mapatapat ako sa daan papunta sa stock room ng hotel.

Nang mapasilip ako sa pinagmumulan ng boses nakita kong kausap niya nga ang kapatid niyang si Lesley.

"Sa ayaw at sa gusto mo isasama kita pabalik ng manila." matigas na sabi pa ni Duane.

"Hindi ako sasama sayo kuya." sabi nalang ni Lesley na halatang umiiyak dahil sa basag nitong boses.

"Tatakasan mo ulit ako pagkatapos nating magkita ngayon? Subukan mo lang Lesley. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin sa pamilya ng Jake na yun kapag hindi mo tinigilan ang pakikipagrelasyon sa kanya." pagbabanta ni Duane kaya lalong napaiyak si Lesley. "Kaya kung ako sayo, wag mo ng tangkaing takasan ako." sabi pa ni Duane saka iniwan si Lesley na umiiyak doon.

Nagmadali naman agad akong maglakad papalayo doon at palabas ng hotel.

"Where are you going?" natigilan nalang ako ng marinig ang boses ni Duane sa likuran ko kaya agad akong napalingon sa kanya.

"H-Ha? Ah. Pupuntahan ko lang sana sila Art." nauutal na sagot ko. Lumapit naman siya ng kaunti pa sa akin.

"Naglalaro sila ng frisbee sa buhanginan. Hindi ka pwedeng pumunta doon. Baka mapasukan ng buhangin ang sugat mo." mahinahong sabi niya saka dahan dahang hinawakan ang kaliwang braso ko at inalalayan ako sa paglalakad papunta sa swimming pool area.

Mula doon natatanaw namin sila Art na naglalaro ng frisbee. Kitang kita ko mula dito na nag-eenjoy si Art kasama sila Darius. Sayang. Bakit kasi ngayon pa ako nagkaroon ng sugat kung kailan gusto kong mag-enjoy kasama sila Art.

Papalubog na pala ang araw at ngayon ko lang narealize na maganda pala ang view ng sunset dito sa swimming pool area.

Bahagya akong napatingin kay Duane na nakatingin naman sa beach. Bakit kaya iniiwasan niyang ipakita ang kahit na anong emosyon sa mukha niya? Ganito ba siya simula palang noong bata siya o may mga pangyayari lang sa buhay niya na naging dahilan kung bakit naging ganito siya ngayon? Ang misteryoso naman ng naging asawa ko.

"May dumi ba ako sa mukha?" nanlaki nalang ang mga mata ko dahil sa tanong ni Duane saka ko nakitang nakatingin na din siya sa akin kaya agad akong napaiwas ng tingin. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

"W-Wala." nauutal na sagot ko nalang.

"May gusto ka bang sabihin?" tanong niya pa kaya muli akong napatingin sa kanya.

"Wala naman." pero ang totoo gusto kong itanong sa kanya ang tungkol sa kapatid niyang si Lesley kayalang baka isipin niyang ang pakialamera ko gayong asawa lang naman niya ako.

Kasabay na namin ni Duane na naghapunan sila Darius, Art, Arlo, Janine, Swisso, Migs, Ashton, Keiji, Theo, Matthew at Kaede at si Margaux sa pavilion ng resort ng mga bandang 7pm. Pagkatapos kumain nagkwentuhan muna kami nila Margaux, Janine at Art sa swimming pool habang ang mga lalaki naman ay nasa pavilion pa din at nagkukwentuhan din na may kasamang paunti unting paginom ng alak.

Almost 9PM ng magpaalam na si Art na babalik na siya sa mansyon para magpahinga. Si Janine naman isinama na ni Arlo para makapagpahinga na din silang dalawa.

"Mauna na akong bumalik sa kwarto. Gusto ko na kasing magpahinga." paalam ko kay Duane ng makalapit ako sa kanya habang nakikipagkwentuhan kayla Darius.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon