CHAPTER FORTY-FIVE:

23.3K 418 14
                                    

CHAPTER FORTY-FIVE

~*Stacie's*~

"Saan galing tong mga to?" kunot noong tanong ko ng makita ang tatlong plastic ng groceries na nasa salas. Dalawang beses sa isang linggo yata kung mag-uwi siya ng tatlong malalaking plastic na puno ng groceries. Nakakapagtaka dahil hindi naman ganun kalaki ang kita sa salon kaya paano siya nakakapag-uwi ng ganun kadaming groceries na halos puro gatas at mga kailangan ko sa pagbubuntis.

"Hay naku, bakla ang dami mong tanong." ismid niya sabay buhat sa mga groceries para iayos sa kusina.

"Ang sungit naman nito." natatawang sabi ko. "Ikaw ba ang naglilihi?"

"Hmp."

"Saan nga kasi galing itong mga to?" tanong ko pa habang tinutulungan ko siyang ayusin ang mga groceries.

"Kapag sinabi ko bang kay Duane tatanggapin mo ang mga ito?" seryosong tanong ni Art kaya natigilan ako.

"See!" sabi niya pa. "Natahimik ka. Kasi ayaw mong tumanggap ng kahit na ano mula sa kanya."

"Hiwalay na kami, Art." sabay lapag ko ng hawak kong lata ng gatas sa lamesa. "Kaya bakit pa ako tatanggap ng kahit na anong bagay na ibibigay niya?"

"Bakla naman, mag-iisang buwan na oh. Hindi mo pa din ba siya napapatawad sa nagawa niya?" mahinahong tanong ni Art.

Mag-iisang buwan na kasi simula ng magkausap kami ni Duane sa resort. Mag-iisang buwan na din simula noong ibinigay ko sa kanya ang deed of sale ng resort dahil gusto ko ng makipaghiwalay. Simula din ng araw na yun ay hindi ko na ulit siya nakita.

Nagpapadala siya ng mga kailangan ko sa pagbubuntis ko noong mga naunang araw na bumalik ako dito sa apartment namin ni Art pero ipinabalik ko yun kay Art. Kahit noong inischedule niya ako sa ObGyne para ipacheck up ang pagbubuntis ko ay hindi ko sinipot dahil ayoko ng magkaroon ng utang na loob sa kanya.

"Alam mo ba na pinagsisisihan niya na yung mga nagawa niya sayo? Subsob siya lagi sa trabaho sabi ni Darius. Ni hindi na nga daw sumasama sa gimik nilang magbabarka. Kung sumasama naman daw si Duane sa kanila wala pang isang oras aalis na agad ito at uuwi." ani Art.

"Ibalik mo nalang sakanya ang mga yan, bakla." pagmamatigas ko.

"Hay naku! Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo bakla ah." naiinis na sabi ni Art. "Kung ayaw mo ng mga ito isipin mo nalang na hindi para sayo ang lahat ng ginagawa niya at binibigay. Isipin mo nalang na para sa baby niyo ang mga ito. Isipin mo nalang na bumabawi siya dahil pinagdudahan niya kung siya ang ama ng dinadala mo diyan sa sinapupunan mo."

Hindi ko na napigilang hindi mapaluha sa mga sinasabi ni Art.

"Sige. Sabihin na nating hindi mo nga siya mapapatawad sa mga nagawa niya sayo pero bakla wag mo namang ipagkait sa kanya ang baby niyo dahil kahit balibaliktarin natin ang mundo hindi mo mababago na si Duane ang tatay niyan." sabi pa ni Art saka ito umupo sa tabi ko saka ako niyakap. "Tahan na. Baka mamaya niyan hindi ka na naman tumigil sa kakaiyak." sabi niya pa.

Napatawad ko naman na siya eh. Hindi pa man siya humihingi ng tawad sa akin dati napatawad ko na siya. Hindi din naman ako nagtanim ng galit sa kanya. Natakot lang ako na baka noong mga panahong galit na galit siya sa akin masaktan niya ako ng sobra at mapahamak ang batang dinadala ko. Natakot akong baka mawala ang baby ko, at hindi ko kakayanin kapag ang baby ko ang nawala sa akin.

"Nagkasalisi yata kayo ng asawa mo." nakangiting sabi sa akin ni Mother Cleo pagdating ko minsan sa orphanage kaya natigilan ako. "Kaalis niya lang pagkadating na pagkadatong mo. Hindi niya ba alam na pupunta ka dito?"

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon