CHAPTER FIVE:

19.9K 356 7
                                    

CHAPTER FIVE

~*Stacie's*~

"The money will be here in a moment." sabi nalang ni Duane saka ko napansin ang pagkumunot bigla ng noo ni Harry.

"What are you talking about?" tanong pa ni Harry na nagpapalipat lipat ang tingin sa amin nila Duane, at kuya.

"Mababayaran na namin ang pagkakautang naming sa inyo Harry. Kaya hindi na mapupunta sayo ang farm o ikakasal sayo si Stacie." paliwanag ni kuya.

Maya-maya may kumatok sa pintuan ng opisina ni kuya Steve saka pumasok ang isang lalaki na may dalang dalawang brief case.

"Goodmorning Sir, ma'am." bati agad sa amin noong lalaki. "Sir Duane, ito na ho ang perang ipinadala niyo." sabay lapag nito ng brief case sa coffee table.

"Salamat. Pwede mo na kaming iwan, Gael." ani Duane. Lumabas naman agad yung Gael ng opisina ni kuya kaya kaming apat nalang ulit ang naiwan sa loob.

Binuksan agad ni Duane ang brief case saka iniharap kay Harry.

"It's 60 million cash with 10 years interest." ani Duane dahilan para mapatingin din ako sa kanya.

60 million with 10 years interest? Magkano lahat lahat yun? Grabe, 60 million pa nga lang sobrang laking halaga na paano pa kaya kung may 10 year interest?

"At ito ang kasulatang nagsasaad na bayad na sila Steve sa pagkakautang nila sa pamilya niyo. Kailangan mo nalang pirmahan." sabi pa ni Duane sabay abot ng isang folder kay Harry na binuksan naman nito agad at binasa. Pagkatapos basahin ang nakasulat sa isang papel na nandun ay agad naman iyong pinirmahan ni Harry.

"Salamat." malumanay na sabi nalang ni Harry saka tumayo. "Mauna na ako." at agad na lumabas ng opisina ni kuya.

Maya-maya nagpaalam na din muna saglit si kuya na may aasikasuhin sa storage ng hotel kaya naglakad lakad naman agad kami ni Duane sa buhanginan sa tabing dagat.

Napatitig nalang ako sa kanya habang naglalakad kami. Nakapamulsa ang dalawang kamay niya at mukhang may malalim na iniisip. Sobrang yaman niya naman yata para sa isang 28 year old na lalaki. Ang bilis niyang maglabas ng 60 million at may interest pa ng bayaran niya kay Harry.

"Thank you." sabi ko nalang kaya napalingon siya agad sa akin.

"For what?"

"D-Dahil binayaran mo ang utang namin kay Harry." simpleng sagot ko.

"You shouldn't." sabay iwas niya ng tingin. "Hindi ka dapat nagpapasalamat kung may kapalit ang tulong na ibibigay sayo."

"So kelan pala ang kasal?" tanong ko bigla.

Napahinto naman siya sa paglalakad at muling napatingin sa akin. Napahinto din tuloy ako.

"B-Bakit?" nauutal na tanong ko nalang.

"Hindi ka ba tatanggi o aangal man lang dahil sapilitan kang ikakasal sa akin?" kunot noong tanong niya bigla.

Bakit ba kahit na nakakunot ang noo niya ang gwapo gwapo niya padin? Tsk. Erase erase! Ano ba yan pinagnanasaan ko na naman siya.

"Hmm. May choice pa ba ako?" tanong ko nalang saka nagpatuloy sa paglalakad naramdaman ko naman agad na nakasunod siya sakin. "Wala naman akong magagawa kahit ayaw ko eh and besides doon din naman ang bagsak ko. Bayaran mo man o hindi ang utang namin sa mga Villafuerte. Ang kaibahan nga lang, sayo ako ikakasal at hindi kay Harry. Gagawin ko ang lahat wag lang mawala sa amin ang farm o ang resort." mahinahong sabi ko pa.

"Kahit sarili mo pa ang maging kapalit?" tanong niya naman kaya tumango nalang ako.

*****

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon