CHAPTER FIFTEEN:

15.2K 350 3
                                    

CHAPTER FIFTEEN

~*Stacie's*~

"Carla." seryosong sabi ni Duane saka tumayo pagkalapit noong Carla sa table namin.

Bineso naman agad siya noong Carla pagkatayo niya.

"Good to see you here huh?" sabi pa noong Carla. "Akala ko hindi na naman kita makikita pagkatapos noong pagkikita natin sa resort sa Nasugbu eh." nakangiting sabi pa nito.

"We're just having lunch." sabi nalang ni Duane. Napatingin naman agad sakin yung Carla kaya pilit ko siyang nginitian pero ang nakakaloka, inisnob niya lang ako.

"Your new girl?" nakangising tanong bigla ni Carla kay Duane. Ay wow! Kung maka 'new girl' naman tong si Ate. At talagang may haplos effect pa sa braso ng Asawa ko ha.

"What brought you here? Akala ko babalik ka na ng U.S.?" tanong ni Duane kay Carla. Ay wow! Hindi man lang sinagot ang tanong noong Carla? Mukhang wala siyang balak sabihin sa haliparot na babaeng kausap niya na asawa niya ako ha.

Napatingin agad ako sa suot kong wrist watch at nakitang 12:45P.M. na. Dapat siguro bumalik na ako sa opisina, nawalan na din naman ako ng ganang kumain.

Napatingin agad silang dalawa sakin ng bigla akong tumayo.

"Ah, Sir. Mauna na ho ako sa opisina. May kailangan pa ho pala akong tapusing pinapagawa niyo." sabay iwas ko ng tingin saka nagmadaling lumabas ng restaurant at bumalik sa building.

Nakakainis! Nakakapang-init ng dugo!

Pagbalik ko sa desk nakita kong nakabalik na din si Megan sa desk niya.

"O bakit nakasimangot ka?" kunot noong tanong ni Megan pagkaupo ko.

"Ha? Ah wala. Wag mo akong pansinin. May masama lang akong nakain." pilit na ngiting sabi ko.

"Meg, nakabalik na ba si sir Duane?" napatingin agad kami ni Megan sa lalaking dumating. Mukhang kaedaran lang namin siya ni Megan at infairess may itsura siya.

"Uy Enzo. Hindi pa eh. Bakit may kailangan ka ba?" tanong agad ni Megan dito.

"Ibibigay ko na yung mga dokumentong hinihingi niya kay mr. Gonzales." sagot naman noong Enzo na ikinaway ang mga hawak niyang folders.

"Ikaw yung bagong secretary ni Sir Duane?" biglang tanong nito sa akin. Tumango naman agad ako. "Ako nga pala si Enzo. I am under marketing department." sabay lahad nito ng kamay niya na inabot ko naman agad.

"Stacie--" pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Megan.

"Good afternoon, Sir." nakangiting bati ni Me ng biglang dumating si Duane na nakatitig sa akin at sa magkahawak naming kamay ni Enzo kaya agad kong binitawan ang kamay nito.

"G-Good Afternoon Sir." bati ko din saka ako nag-iwas ng tingin.

"Ah. Sir dala ko na ho yung mga dokumentong hinihingi niyo kay mr. Gonzales." sabi nalang ni Enzo saka ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng opisina ni Duane.

"Akala ko sabay kayong naglunch?" maya-maya ay tanong ni Megan habang may itinatype siya sa desktop niya.

"Nauna lang akong bumalik. Mayroon pa kasi siyang kinausap kanina." pagdadahilan ko.

Maya-maya lumabas din agad si Enzo mula sa opisina ni Duane.

"Mukhang badmood." sabi nalang ni Enzo sa amin ni Megan habang inginunguso ang opisina ni Duane. "Una na ako." nakangiting paalam niya pa saka naglakad paalis.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon