CHAPTER THIRTY-SIX:

16.3K 293 4
                                    

~*Stacie's POV*~

"NAG-PLEDGE si Carvey na magdodonate ang company nila ng mga materyales para sa pagpapagawa ng school." ani Keiji habang nandito kami sa coffee shop ni Kaede after office hours.

"That's great." ani Darius. "Para yung ibang pondo na nakalaan para sa mga materyales ilaan nalang natin sa mga learning materials ng mga bata."

"Within four months tapos na ang pagpapatayo ng eskwelahan ng orphanage. Saktong sakto pa pag-uumpisa ng next school year." ani Swisso.

Hindi maialis-alis ang ngiti sa labi ko habang pinapakinggan ang pag-uusap usap nila.

"Masayang masaya si Bakla para sa mga anak anakan niya." natatawang sabi ni Art.

"Syempre naman. Sobrang laking tulong nito para sa mga bata at para sa orphanage." nakangiting sagot ko.

"Ang ganda mo na, ang bait mo pa." ani Ashton.

"Ganyan talaga kapag Diyosa." sabay kindat ni Darius.

"Baliw!" natayawang sabi ko. "Pero thank you ng marami sa inyong lahat, sa lahat ng naitulong niyo sa orphanage.."

"Wala yun. Basta ikaw." ani Swisso.

Pinag-usapan pa nilang magbabarkada ang tungkol sa pagpapatayo ng eskwelahan at pagpapaayos ng playground ng mga bata sa orphanage at ilang certain businesses nila habang kami naman nila Janine at Art nakikinig lang o kaya naman ay nagchichismisan din paminsan minsan.

"Is that Saree?" narinig namin sabi ni Ashton kaya napatingin din kami sa direksyon ng tinitignan nila.

"Si Saree nga." sagot naman ni Swisso na nakatingin pa din sa babaeng nakatayo sa counter ng coffee shop kasama ang isang lalaki na mukhang umoorder at nagtatawanan.

"Boyfriend niya?" tanong naman ni Darius na sumulyap saglit kay Theo na bigla nalang tumayo saka lumapit sa babaeng nasa harap ng counter kaya nagkatinginan ang magbabarkada.

"Uh-oh. Mukhang tinamaan ng selos ang tropa." natatawang sabi ni Darius habang nakatingin kay Theo na halatang kinokompronta ang lalaking kasama nung Saree sa tapat ng counter.

Maganda palang talaga yung Saree at medyo maliit lang ito kaysa sa amin nila Janine at Margaux. Mukhang nasa 5'4 lang ang height nito kaya naman hanggang balikat lang siya ni Theo na six footer ang height. Nakasimangot na ito habang nakikipag-usap kay Theo at mukhang ipinagtatanggol nito ang lalaking kasama niya.

Nagulat nalang kami ng biglang hawakan ni Theo ang pulsuhan nung Saree saka ito hinila papalapit sa amin.

"Ano bang problema mo? Hindi ba ako pwedeng magkape kasama ng kaibigan ko?" narinig nalang naming tanong nung Saree habang papalapit sila ni Theo sa amin.

"Sa bahay maraming kape. Dun ka magkape." seryosong sagot ni Theo bago makalapit sa table namin.

"Mauna na kami." tipid na paalam ni Theo paglapit sa table namin saka nito muling hinila si Saree palabas ng coffee shop ni Kaede. Nagtawanan naman sila Darius pagka-alis nila Theo.

"Tinamaan na nga talaga ang gago." tatawa-tawang sabi ni Swisso.

AFTER ALMOST two weeks ayos na ang mga papeles na kailangan sa pagpapatayo ng eskwelahan ng orphanage kaya inumpisahan na agad ang pagpapatayo nito.

"Ipa-extend kaya natin tong bahay." ani Duane habang nakaunan ako sa mga braso niya at pareho kaming nakahiga sa kama kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Ha? Bakit?" kunot noong tanong ko. Ang laki na nga nitong bahay nila ipapaextend pa niya? Baka naman hindi na kami magkita kita pagnagkataon.

"Para pagawaan natin ng sariling kwarto yung mga magiging anak natin. Yung malaking kwarto." nakangiting sabi niya sabay halik sa noo ko kaya napangiti din ako. Halatang gustong gusto niya na ding magkababy. "Sana kapag nakabuo tayo kambal agad." aniya pa.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon