CHAPTER SIXTEEN:

15.6K 344 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

**Duane's**

"Why are you still not using Lenell as your lastname?" I asked when she entered my office. I thought nagkalinawan na kami kanina na 'Lenell' na ang gagamitin niyang apilyedo dahil in the first place asawa ko naman na siya. Pero nag-init ang ulo ko ng sinagot niya ang tawag ko at ang apilyedo nilang Del Rosario pa din ang gamit niya.

"N-Nakalimutan ko. Sa susunod--"

"Nakalimutan? O baka naman ayaw mo lang malaman ng ibang kasal ka na?" matigas na tanong ko agad at hindi na siya pinatapos na makasagot.

"What are you talking about?" gulat na tanong niya pero hindi maitatago sa mga mata niya ang inis habang tinititigan ako.

"Ayokong magkaroon ng issue sa pagitan niyo ni Enzo. May girlfriend siya. At ikaw may asawa ka. Alam na ng halos lahat ng mga empleyado ko na asawa kita kaya sana wag mong kakalimutang magpakilala bilang Lenell sa kanya at sa lahat ng lalaking empleyado ko." dirediretsong sabi ko. Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun siguro ay dahil nagkapatong patong sa inis ko ng bigla nalang niya akong iwan kanina sa restaurant ng hindi niya tinatapos ang pagkain niya. At ng pagbalik ko dito sa opisina ay nakita ko pang magkahawak ang kamay nila ni Enzo.

"You know that is not my intention. Nakaligtaan ko lang gamitin ang apilyedo mo kanina noong sinagot ko ang tawag mo. At isa pa, nakikipagkilala lang si Enzo noong nakita mong magkahawak ang kamay namin. Wala akong ginagawang masama." depensa niya na halatang kong naiiyak na dahil sa basagniyang boses at sa nangingilid na luha sa mga mata niya.

Parang bigla tuloy akong nagsisi sa sinabi ko ng mapansing pinipigilan niyang maiyak. I was about to apologize pero bigla siyang humakbang paatras at nagiwas ng tingin.

"Will that be all, sir?" tanong niya habang nakatungo. "K-Kung wala na ho kayong kailangan, babalik na ho ako sa desk ko." and with that nagmadali na agad siyang lumabas ng opisina ko.

Napahilamos naman agad ako sa mukha ko.

Sumobra na naman yata ang pananalita ko sa kanya. Mukhang masama na naman ang loob niya sakin. Tsk. Unang araw palang niyang nagtatrabaho kasama ko pero ganito na agad ang nangyari sa aming dalawa. Bakit ba kasi bigla nalang lumabas ang mga salitang yun sa labi ko?

Lumabas agad ako ng opisina para puntahan siya sa desk niya pero si Megan lang ang nadatnan ko doon.

"Where's Stacie?" tanong ko agad dito.

"Sir. Pumunta lang ho siya saglit sa restroom. May kailangan ho ba kayo, Sir Duane?" sagot agad nito.

"Nothing. Just continue what you are doing." saka ako naglakad papunta sa women's room ng floor namin.

Alam kong nasaktan ko ang damdamin niya dahil sa nasabi ko at sigurado akong umiyak na naman siya ng dahil doon.

Ilang minuto na akong nagpapalakad lakad sa labas ng women's room pero hindi pa din siya lumalabas. Sigurado akong nandito siya. Imposible naman kasing bababa pa siya sa ibang floor para lang magrestroom. Hindi naman kaya--

Napatingin agad ako sa pintuan ng restroom ng biglang bumukas iyon kayalang hindi naman siya ang lumabas kung hindi ang ilan sa mga empleyado ko.

"Good afternoon Sir." bati agad ng mga ito. Tumango naman agad ako ng bahagya.

Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa muling bumukas ang pintuan ng women's restroom at iniluwa noon si Stacie kaya natigilan ako sa paglalakad pabalik balik. Halata namang nagulat makita ako pero agad siyang nag-iwas agad ako ng tingin. Halata din na umiyak siya dahil sa pamumugto ng mga mata niya.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon