CHAPTER SIX:

18.1K 353 1
                                    

CHAPTER SIX

**Duane's**

I am Mark Duane Lenell and I don't do relationships, "long term" relationship to be specific pero hindi ko alam kung bakit hinayaan ko nalang isuko ang pagiging binata ko para lang sa isang kasal. Kung tutuusin pareho naman kaming may dahilan ni Stacie na wag ng ituloy ang kasal pero hindi ko alam kung bakit ni isa sa amin ay hindi tumututol. Yes, I want her in my bed, I want her to warm my bed every night when I come home from work. Unang beses ko palang siyang makita sa bar kung saan ko siya unang nakausap para hanapin si Lesley gusto ko na siyang pormahan. She's so sexy and gorgeous that night. Wearing that navy blue, long sleeve, fitted dress na hanggang mid thigh ang haba. Hubog na hubog ang sexy niyang katawan sa suot niyang yun. Kitang kita ko din ang makinis at mahaba niyang mga hita that I want to wrap around my waist. She looks so gorgeous and she's so sexy as hell. Kahit yata anong klaseng damit ang ipasuot sa kanya kayang kaya niyang dalhin.

Pero naging dahilan ko nalang na gusto ko siyang ikama para tumigil ang mga katanungan niya kung bakit ako ang magbabayad ng pagkakautang nila sa mga Villafuerte at kung bakit ako ang pakakasalan niya at hindi ang Harry Villafuerte na yun. Noong gabing sinabi ko yun sa kanya halatang nagulat siya at kitang kita ko na gusto niya akong sampalin pero dahil din doon hindi na siya muling nagtanong.

Hindi naman ako mahilig makialam sa problema ng iba pero hindi ko alam kung bakit binayaran ko ng kusa ang pagkakautang nila.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Art ang tungkol sa kasal." bulong niya bigla habang naglalakad kami kaya napatingin agad ako sa kanya. Kitang kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Lumalabas ang pagkainosente niya sa tuwing nagsasalita siya at tumititig sa mga mata ko.

"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila." I answered. Saka ako muling tumingin sa direksyon nila Keiji na nageenjoy sa paglilibot sa farm.

Hindi naman na siya umimik at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

She's a nice woman.

Nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanya base sa kwento ni Darius. Hindi naman pala siya tulad ng ibang babaeng nakakadate at naikakama ko. Malapit siya sa mga bata. Kitang kita ko yun sa tuwing ikinukwento niya sa kuya niya ang mga apo ni mang Bert na si Iman at Gia. Pati na din ang pakikipaglaro niya sa mga bata na nakatira sa village ng mga tauhan nila sa farm. Handa niyang isakripisyo ang sarili niyang kaligayahan huwag lang mawala ang farm nila o ang resort.

*****

"Nahanap niyo na si Lesley?" tanong ni Darius habang nakaupo kami sa garden nila Steve sa gilid ng mansyon nila. Kababalik lang namin galing sa farm at hinihintay nalang namin na maluto ang hapunang inihahanda ng mga kasambahay nila Steve.

"Oo." simpleng sagot ko habang tinitignan sila Keiji, Swisso, Migs, Ashton, Arlo at Janine na nakikipag kwentuhan kay Art at Stacie. "Dito sila nakatira sa farm kasama ng mga tauhan nila Steve."

"Ha?" kunot noong tanong ni Darius.

"Nagtatrabaho siya bilang staff sa resort." sabi ko pa.

"Nagkausap na kayo?" tanong pa ni Darius. Umiling naman agad ako. "Isasama mo na siya sa pagbalik natin ng manila?" tumango ulit ako.

"Where's Matthew and Theo? Don't tell me na missing in action na naman ang dalawang yun?" kunot noong tanong ko.

"Susunod nalang daw silang dalawa. Alam mo naman ang dalawang yun, busying busy sa girlfriend nila." nakangising sagot ni Darius.

Maya-maya tumayo si Stacie at nagpaalam na tutulungan niyang maghanda ng hapunan sila Nana Lidia saka siya pumasok sa loob ng bahay.

"Sigurado ka bang walang boyfriend yung si Stacie, pare?" biglang bulong ni Keiji kay Darius na natawa nalang.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon