PROLOGUE

61.4K 700 1
                                    

PROLOGUE

"Pinapahanap mo pa din si Lesley?" tanong agad ni Darius ng makita niya ang folder na naglalaman ng mga informations at pictures kung nasaan si Lesley.

"Ilang buwan mo na siyang pinapahanap pero mukhang ayaw talaga niyang magpahanap sayo, pare. Bakit kasi hindi mo nalang siya hayaan sa gusto niya? Mukha namang masaya siya with that Jake." komento ni Keiji kaya nagtiim agad ang bagang ko sa sinabi niya.

"Hinding hindi mangyayari yun. Hindi ko siya pwedeng hayaan nalang na mapunta sa walang kakwenta kwentang lalaking yun." napipikon na sagot ko.

"May kilala akong manhunter na makakatulong sa paghahanap mo kay Lesley." saad ni Darius kaya agad akong napatingin sa kanya. "Siguradong mahahanap niya agad si Lesley sa lalong madaling panahon dahil madami siyang connections."

"Gusto ko siyang makilala." sagot ko saka muling binaling ang atensyon sa binabasa at pinipirmahan kong mga dokumento.

"Kabarkada mo ba yung manhunter na sinasabi mo, pare?" narinig ko nalang na tanong ni Swisso.

"Yeah. Isa sa mga kabarkada ko noong highschool sa batangas." sagot ni Darius.

Napahiwalay kasi si Darius sa amin noong highschool dahil nagkaroon ng kumplikasyon ang kalusugan ng lolo niya kaya sa Nasugbu, Batangas sila pansamantalang tumira.

Sampu kaming magkakabarkda at simula palang yata iniluwal kami ng mga nanay namin ay magkakaibigan na kami. Magkakaibigan din kasi ang mga tatay namin kaya simula preschool kami na ang magkakasama.

"All boys din ba yung mga kabarkada mo sa Batangas tulad natin o may mga chickababes?" maya-maya ay tanong ni Keiji kasabay ng pagtaas-baba ng dalawang kilay niya. Ngumiti naman agad si Darius bilang sagot.

"Whoa! So may mga chickababes nga?" sabay sabay na tanong bigla nila Migs, Swisso, Ash at Keiji.

"Oo, may mga babae." natatawang sagot nalang ni Darius. Para namang mga bumbilyang kumislap ang mga mata nila Swisso, Ash, Keiji, at Migs. Habang si Kaede at Arlo napapailing nalang.

"Bakit hindi mo sa amin pinapakilala, pare?" tanong pa ni Swisso.

"Hindi ko na kasi sila nakikita tapos madalang na din kaming nagkakausap usap dahil busy na din sa kanya kanyang buhay." narinig kong paliwanag ni Darius.

"Magaganda ba?" sabay sabay na tanong bigla ni Migs, Ash at Keiji habang pareparehong abot tenga ang ngiti. Basta talaga babae ang usapan, buhay na buhay ang diwa ng mga lokong to eh.

Sabagay kahit naman ako kapag usapang babae at pwedeng ikama mabubuhay din ang diwa ko.

"Sexy?" tanong pa ni Swisso saka ko nakitang lalong napangiti si Darius.

Base on his reaction siguradong magaganda at sexy ang mga kaibigan niya. Pati tuloy ako ay nagkaroon ng interes na makilala ang mga ito.

"Whoa! Pakilala mo naman kami, pare." nakangising sabi pa ni Migs.

"Tama na nga yang kamanyakan niyo." biglang suway ni Kaede. Sa aming sampu isa siya sa pinakamatino. Seryoso kasi si Kaede pagpumapasok sa isang relasyon at siguradong long time relationship. Si Arlo naman may fiancee na kaya nagretiro na sa pagiging chickboy.

"Tsk. Ano namang manyak dun, pare? Gusto lang naman namin silang makilala." pagdadahilan ni Ashton.

"Sinong niloko mo, Ash? Imposibleng gusto niyo lang makilala ang mga kabarkadang babae ni Darius." sagot nalang ni Kaede habang abala padin sa paglalaro ng rubics cube.

"Ang Kj mo talaga, pare." napakamot nalang si Swisso sa batok niya saka natawa kaya natawa din sila Keiji.

"Tama na nga yan. Ang iingay niyo." angal ko dahil ang lakas ng kwentuhan at tawanan nila. "Dito pa talaga kayo sa opisina ko nagchismisan." pero imbis na manahimik lalo pa silang nagtawanan ng pagkalakas lakas kaya napailing nalang ako.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon