CHAPTER FOURTY:

16.5K 271 1
                                    

CHAPTER FORTY

~*Stacie's*~

Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog, nalaman ko kasi kay Yaya Paz na umalis si Duane ng bahay ng mga bandang alas otso ng gabi at hanggang ngayon ay hindi pa ito umuuwi, mag-aalas dose na ng umaga. Sana lang ay sila Darius ang kasama niya kung saan man siya pumunta.

Patulog na ako ng mga bandang ala una ng madaling araw ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng gate at ang tunog ng makina ng sasakyan kaya bumangon agad ako at nagsuot ng robe saka nagmadaling bumaba sa sala kung saan nakita ko si Darius na akay akay si Duane.

Lasing na lasing ito at halos hindi na makalakad ng diretso.

"Stacie..." halata sa reaksyon ni Darius ang pag-aalala. Mukhang alam na niya ang nangyari.

"I-Iakyat na natin siya sa kwarto." saka ko siya tinulungan na alalayan si Duane paakyat sa master's bedroom.

"Ayaw magpaawat eh. Hindi tumigil sa pag-inom hanggat hindi knock out." natatawang sabi ni Darius ng maihiga namin si Duane sa kama.

Pilit nalang akong ngumiti sa kanya saka inumpisahang hubarin ang suot na sapatos at medyas ni Duane.

"Naikwento niya sa akin yung nangyari." maya-maya ay sabi ni Darius kaya medyo natigilan ako.

Inaasahan ko naman na yun. Maglalabas talaga siya ng sama ng loob sa kung sinong makausap niya.

"Alam ko namang hindi mo magagawa yun." pabulong na sabi pa ni Darius kaya naman para na namang nag-uunahan ang mga luha ko sa pagbagsak. "Sino ba tong Andrew na sinasabi niya?"

"Nanligaw siya sa akin bago ko nakilala si Duane." humikhing sagot ko saka kinumutan ang natutulog na si Duane.

Lumabas agad kami ni Darius ng master's bedroom saka ko sa kanya ikinuwento ang lahat ng nangyari habang nasa veranda kami ng sala.

"Pero sinabi ni Duane na noong mga nakaraang araw, dalawang beses din sa kanyang may nagpadala ng mga pictures mo na kasama si Andrew." aniya pagkatapos ko maikwento sa kanya ang lahat. "Hindi kaya may plano talaga siyang sirain kayong mag-asawa?"

"Hindi ko alam Darius..." humihikbing sabi ko. "Kung yun man ang plano niya, mukhang nagtagumpay na siya. Galit na galit sa akin si Duane." naramdaman ko nalang ang pagyakap ni Darius sa akin.

"Don't worry, aalalamin namin ang totoo. Itext mo sa akin kung ano ang buong pangalan nitong sinasabi mong Andrew. Kailangan ko din makita yung mga pictures niyo ni Andrew." seryosong sabi ni Darius kaya napabitaw agad ako sa kanya.

"A-Anong gagawin mo?" nginitian niya agad ako.

"Basta. Maniwala ka. Mapapatunayan natin kay Duane na hindi totoo ang akala niya." nakangiting sagot niya. "Uuwi na ako. Magpahinga ka na ha?" tumango nalang ako.

Lumabas agad siya ng bahay saka sumakay sa sasakyan niya pauwi.

Kinabukasan, nagpaalam muna ako kay Yaya Paz na pupuntahan ko si Art sa apartment namin. Tutal sabado naman at wala kaming pasok sa opisina ni Duane.

Tulog na tulog pa din si Duane ng umalis ako kaya naman hindi na ako nakapagpaalam sa kanya.

Balak kong maglabas lang ng sama ng loob kaya pumunta ahad ako sa apartment namin ni Art at saka ikinuwento sa kanya ang mga nangyari kahapon.

"Sinasabi ko na nga ba eh." bulalas ni Art na maikwento ko sa kanya ang pangbablackmail ni Andrew at ang lahat ng nangyari kahapon maliban sa ginawang pamumwersa sa akin ni Duane.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon