CHAPTER THIRTY-FOUR:

15.6K 316 5
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR

~*Stacie's*~

"Ladies and Gentlemen, welcome to our charity ball." panimula ni Duane. "We are hoping that you are going to enjoy what we have laid out for you tonight and that you'll support the work of our team. As you know, it is a cause that is very close to my gorgeous wife's heart and mine." aniya pa kaya nagpalakpakan ang lahat ng guest. "We will hand you over now to our master of ceremonies. Everyone, please be seated and enjoy the night." sabi niya pa saka sabay sabay na taas ng kanya kanyang hawak na champagne glass nila Swisso, Ashton, Matthew, Theo, Arlo, Migs, Darius, Keiji at Kaede, saka sila bumaba ng stage at bumalik sa table namin.

The auction started after dinner, where in there is a card where the auction prizes are listed that is being passed around our table. Hindi lang items ang nakalagay sa card kung hindi mayroon ding mga vacation treat at one week break sa ibang bansa kung saan ang tutuluyang resthouse ay pag-aari ng ilan sa kanilang magbabarkada.

"Nakakaloka." narinig ko nalang na bulong ni Art. "Ang sarap namang maging jowa ng isa sa mga papabols na ito. Biruin mong may mga pag-aari pala silang resthouse at vacation suites sa ibang bansa? Manyaman talaga ang magbabarkadang itu." hindi makapaniwalang sabi pa ni Art.

"Mommy, can I donate my savings in my piggy bank to help the auction." biglang sabi ni Martina kay Margaux kaya napatingin agad kaming lahat sa kanya.

"Yeah sure, honey." nakangiting sagot naman ni Margaux.

"Yehey!" sabay clap niya ng hands. Nakakatuwa naman ang chikiting na to, ang cute na ang bait pa.

There are also VIP tickets to concerts that are being auctioned. May limited edition na running shoes, bag, jewelries, vacation for two in Greece, first edition ng librong Harry Potter at Lord of the Rings at kung ano ano pang special items ang binibid na umaabot ng halos isang milyon kada item.

A chinese vase personally made by Kaede is the final lot for auction. Nagulat pa nga kami ni Art ng malaman na isa din palang potter itong si Kaede. At umabot ng four hundred fifty pesos ang bidding ng vase na siya mismo ang gumawa.

"Excuse me ma'am." anas ng babaeng organizer ng event sa akin kaya naman napatingin agad ako sa kanya.."Will you help the auction?" napaawang nalang ang labi ko saka napatingin kay Margaux at Janine.

"Sige na girl!" ani Janine.

"Oo nga, it's just a First Dance Auction." nakangiting sabi naman ni Margaux kaya pumayag na agad ako.

"It's time." ani Margaux saka tumayo at sinama ako papunta sa stage.

"Kasama ka din?" gulat na tanong ko sa kanya. At ang babaita tuamango agad. Walanghiyang babaita ito hindi man lang sinabi. Sobrang kaba ko pa naman dahil akala ko wala akong kakilala sa mga kasama kong babaeng aakyat ng stage.

"Hindi kasi pwede si Janine dahil nagdadalang tao kaya ako nalang." nakangiting paliwanag niya.

"Gentlemen, the highlight of the evening!" the Master of ceremonies announces kasabay ng cue ng event organizer na isa isa kaming umakyat ng stage. "The moment you have all been waiting for!" sabi pa nito. "These twelve lovely ladies have all agreed to auction their first dance to the highest bidder!"

Jusko ganito pala ang charity ball ba ito. Pati first dance ino-auction.

"Siguradong si Duane din ang magbibid ng first dance mo." natatawang bulong ni Margaux kaya naman napatingin agad ako sa table namin at nakitang nakangiti sakin si Duane.

"At si Matthew naman sayo." balik ko saka ko napansing nawala ng ngiti sa labi niya saka nag-iwas ng tingin.

"I don't think so." aniya. Napansin ko nalang na kasama pala namin sa stage ang babaeng lumilingkis kanina kay Matthew. Naku! Kung ang babaeng yung ang ibibid ni Matthew baka pati ako awayin na din siya.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon