CHAPTER TWENTY-THREE:

16.7K 289 8
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

~*Stacie's*~

"Hey! Hi, Duane!" tumaas nalang ang isang kilay ko ng biglang may babaeng bumati kay Duane pagpasok namin sa bar ni Swisso at habang papalapit kami sa pwesto nila Keiji na nasa harap ng counter.

"Balita ko may asawa ka na daw?" sabi pa nito sabay hawak sa magkabilang balikat ni Duane.

Aba't ang kapal naman talaga ng babaeng to. Hindi niya ba nakikitang hawak ni Duane ang kamay ko ha?

"Ayoko ngang maniwala eh. If you want I'm free tonight." sabi pa nito na halatang nang-aakit pa.

Tumodo na talaga ang inis ko ng bigla niyang halikan sa labi ang ASAWA KO. At mukhang wala lang yun sa ASAWA KO dahil hindi manlang ito nagreact agad kaya naman binitawan ko agad ang kamay ni Duane.

Nakakaasar! Ang ganda ko pa naman ngayong gabi tapos sisirain lang ng malanding babaeng to ang gabi ko? Tsk. Nawalan na ako ng gana. Parang gusto ko nalang magwalk out at umuwi nalang.

"Totoong kasal na ako at kasama ko ang asawa ko ngayon." natigilan nalang ako sa pagiisip ng biglang hawakan ni Duane ang kamay ko saka iyon hinalikan kaya tinaasan ko ulit ng kilay yung maharot na babaeng halatang nagulat sa sinabi ni Duane.

"T-Talaga? W-Well, congrats!" gulat na sabi nito saka nagmadaling umalis sa harap naming dalawa ni Duane.

Pero nawalan na talaga ako ng gana kaya muli kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Duane at nagmadaling lumapit kay Art na nakita kong nandito din pala.

"Baklaaaaa!" tili ni Art ng makita ako saka ako bineso. "Sexy mo ha!" puri pa nito sa akin.

"Mana sayo!" pilit na ngiti ko.

Naupo agad kami sa isang table na hindi naman kalayuan sa pwesto nila Duane sa counter para doon magkwentuhan kahit na medyo malakas ang music sa loob ng bar.

"Sino nga pala ang kasama ni Janine sa bahay?" tanong ko.

"Sino pa, edi si papa Arlo. Nagprisinta siyang siya nalang ang magbabantay kay Janine habang pumaparty ako dito." sagot ni Art saka uminom ng kung anong alak na hawak niya.

"Buti pumayag si Janine na maiwan silang dalawa doon?" tanong ko pa.

"Oo no. Naawa na daw siya sakin dahil ang boring na daw ng buhay ko sa kakabantay sa kanya. Diba, ang drama ng babaitang yun?" napangiti nalang ako.

"Tara bakla. Makisayaw tayo doon." sabay turo ni Art sa stage kung saan may mga nagsasayawan.

"Ikaw nalang bakla." nawalan na talaga kasi ako ng ganang magsaya ngayong gabi.

"Okay ka lang ba bakla? Bakit parang wala ka sa mood?" kunot noong tanong ni Art bigla.

"Okay lang ako. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko. Sige na pumarty ka na doon." pilit na ngiting sabi ko.

"Okie!" sabay hagikgik niya saka lumapit kayla Darius para yayaing sumayaw ang mga ito. Kaunti nalang talaga maniniwala na ako sa biruan nilang dalawa na gusto nila ang isa't isa eh.

Pinanood ko nalang silang nagsasayawan sa baba ng stage mula sa pwesto ko habang iniinom ko ang lemonade na inorder ko sa waiter kanina. Ayoko din kasing uminom ng alak.

Napapansin ko namang kanina pa nakatingin sa direksyon ko si Duane na nasa counter bar pa din at may hawak na baso ng alak. May mga kasama silang mga babae nila Swisso sa pwesto nila kaya naman lalo akong naiinis. Nagagawa niya pang mag-enjoy habang ako dito asar na asar na. Iniiwasan ko nalang na mapatingin sa direksyon niya. Parang lalo kasi akong naiinis dahil naaalala ko ang paghalik sa kanya noong maharot na babae kanina.. Tsk. Bakit ba kasi ang gwapo niya ngayon eh! Lalo siyang gumwapo sa suot niyang sweater na may navy blue at white stripes. Dahil sa suot niya kaya halatang halata ang matipuno niyang katawan. Para tuloy siyang modelo na lumabas mula sa kung anong magazine kaya naman halos lahat ng babae dito sa bar hindi maialis ang tingin sa kanya. Argh! Kaasar! Kung pwede lang na umuwi nalang kami.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon