CHAPTER THIRTY-TWO:

16.5K 341 2
                                    

CHAPTER THIRTY TWO

~*Stacie's*~

"Bakla!" narinig ko nalang na tili ni Art pagkababa namin ni Duane ng sasakyan saka ito tumakbo papalapit sa amin at agad akong niyakap ng mahigpit.

"Nakakaloka." natatawang sabi ko nalang. "Anong ginagawa mo dito?"

"Eto, sinama kasi ako ni papa Darius." natatawang sagot niya.

"Grabe sa yaman naman pala yang asawa mo bakla. Biruin mong siya pala ang may-ari ng club na ito." sabi pa ni Art kaya kumunot ang noo ko.

"Ha? Sa kanya ang golf club na to?" pag-uulit ko.

"Hindi mo alam?" takang tanong pa ni bakla. "Ang asawa mo daw ang may-ari ng lugar na ito sabi nila papa Darius. Nakakaloka. Gaano ba kadami ang kayamanan niyang asawa mo ha?"

"Hay ewan ko. Hindi niya naman nabanggit na siya pala ang may-ari ng lugar na to. Akala ko yung nag-organize ng fundraising event ang may-ari nito." sagot ko.

"Eh diba si--"

"Hi baby Art." biglang singit ni Darius na bigla nalang sumulpot mula kung saan saka inakbayan si Art. "Tara, may ipapakita ako sayo. Maiwan ka muna namin Stace." nakangising sabi pa ni Darius saka hinila si Art palayo.

"Let's go inside?" narinig ko nalang na sabi ni Duane na nasa tabi ko na pala ulit.

"Sayo pala ang lugar na to?" tanong ko agad sa kaniya. Agad naman siyang tumango saka ako sinama papasok ng golf club.

"Hi Stace!" sabay sabay na bati nila Swisso, Ash, Migs at Keiji pagkapasok namin ni Duane ng golf club. Nandito din pala ang mga to.

"Hi." bati ko naman.

"Tita Stacie!" parepareho kaming napatingin sa tumatakbong si Martina habang nakasunod sa kanya ang mommy niyang si Margaux at ang daddy niyang si Matthew. Kasama din nila si Janine at Arlo pati na din si Theo at Kaede.

"Hello baby girl." sabay halik ko sa pisngi niya. Nandito din pala ang makulit na batang ito.

"Look po. Tita Art gave me a bracelet." sabay pakita nito sa suot niyang bracelet.

"Wow. That's lovely."

"Hi Girl." sabay na bati ni Margaux at Janine sabay beso sa akin.

"Hello." nakangiting bati ko naman. "Kanina pa kayo dito?"

"Hindi naman. Kadarating lang din namin." sagot ni Janine.

Habang busy sila Duane, Swisso, Arlo, Ash, Migs, Keiji, Kaede, Theo, Darius at Matthew sa pakikipag-usap sa organizer ng fundraising event na gaganapin bukas busy naman kami nila Art, Janine at Margaux sa pagkukwentuhan hang nasa swimming pool area ng club.

"Ikaw girl ha. Hindi mo manlang naikwento sa amin na si Matthew pala ang daddy niyang si Martina." pag-iintriga ko kay Margaux na biglang namula ang mga pisngi.

"Oo nga girl. Nakakaloka. Kaya naman pala iba ang tinginan niyong dalawa kapag nagkikita dahil may something sa inyong dalawa ni papa Matthew." dagdag pa ni Art habang si Janine natatawa nalang.

"Wala ng something sa amin ni Matt. I fell inlove with him when we were in college. And that was a long time ago." biglang sabi ni Margaux.

"Naku totoo ba yan?" tanong pa ni Art habang nakataas ang isang kilay. "Para kasing hindi naman yan ang sinasabi ng mga mata ni papa Matthew kapag tinitignan ka niya."

"Oo nga. Naku Girl, hindi mo ba pansin ang mga tingin niya sayo?" dagdag ko pa. Hindi naman na siya umimik.

"Hay, ewan ko diyan sa babaeng yan. Ayaw maniwala na mahal pa din siya ni Matthew." ani Janine.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon