CHAPTER THIRTY-FIVE:

16.4K 307 7
                                    

CHAPTER THIRTY FIVE

~*Stacie's*~

"I asked him to take care of you. And he promised me that he will take care of you. At alam kong tutuparin niya ang pangako niyang yun." napatingala agad ako kay kuya matapos niyang sabihin yun.

"What do you mean you asked him to take care of me?" naguguluhang tanong ko.

"Siya ang una kong pinagsabihan ng tungkol sa sakit ko. By the time I told him about my cancer, I know I am dying." naiiyak na sabi ni kuya. "Minsan ng tinanong niya ako kung ano ang pwede niyang gawin para masuklian ang lahat ng naitulong ko sa kanya ay nagbiro ako na sana siya nalang ang mapangasawa ng kapatid ko para sigurado akong mapupunta siya sa mabuting kamay." nakangiting paliwanag ni kuya. Hindi naman ako makapagsalita sa mga naririnig ko. "Hindi ko alam na tototohanin niya pala ang usapan naming yun... but I am happy. Masaya akong malaman na mahal na mahal ka niya. Kitang kita ko yun sa mga mata niya sa tuwing titingin siya sayo, bunso." muling bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko. "Hindi ako nagkamali sa napili kong lalaki na mag-aalaga sayo habang buhay."

"Kuya..." muli akong napahagulgol ng yakapin akong muli ni kuya.

Magang maga ang mga mata ko matapos kaming mag-usap ni kuya. Masakit. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil nalaman ko ang tungkol sa sakit niya o matatakot dahil baka isang araw kunin nalang siya bigla sa amin. Paulit ulit kong hinihiling na sana panaginip nalang ito, o di naman kaya ay pinagtitripan lang ako ni kuya katulad ng ginagawa niya sa akin noong mga bata pa kami at sasabihin niyang nagbiro lang siya kapag nakita niyang umiiyak na ako. Pero hindi eh. Ito ang realidad. Ito ang katotohanan na iiwanan niya din ako.

"I'm sorry." bulong ni Duane pagkaupo niya sa tabi ko habang nakatulala ako sa veranda ng kwarto namin. "I'm sorry for not telling you earlier." sabay hawak niya sa mga kamay kong nakapatong sa mga hita ko.

"Kaya mo ba ako pinakasalan dahil sa sakit ni kuya?" humihikbing tanong ko. Naramdaman ko nalang ang pagpisil niya sa mga kamay ko.

"Oo..." bulong niya. "Yun ang tanging rason ko noon kung bakit gusto kitang pakasalan..." sabay upo niya sa harap ko habang hawak hawak pa din ang mga kamay ko. "...pero sa bawat araw na nakakasama kita matapos nating ikasal, sa bawat araw na unti unti kita nakikilala hindi ko na napigilan ang sarili kong mahalin ka." sabay halik niya sa mga kamay ko. "Sa bawat araw hindi ko na naiisip ang una kong rason kung bakit kita pinakasalan dahil ang tanging naiisip at nararamdaman ko nalang sa pagdaan ng bawat araw ay mahal na mahal na kita, Stacie. Ikaw lang at wala ng iba." naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya kaya lalo akong napaiyak.

I am not mad at him. Alam ko naman na hindi love ang rason kung bakit kami nagpakasal but we are on the same page now. Alam kong mahal niya ako. Ramdam na ramdam ko yun at mahal na mahal ko din siya.

"I'm sorry. Please don't be mad--" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil agad ko siyang siniil ng halik.

"I am not mad at you because of that, Duane. Nagtatampo ako dahil hindi niyo sakin sinabi agad." patuloy sa paghikbing sabi ko. "Natatakot ako para kay kuya. Natatakot akong baka isang araw pagkagising ko wala na siya."

"Don't say that, baby." sabay punas niya sa mga luha ko. "He's still having his medications kaya may pag-asa pang gumaling siya. Makakasama pa din natin siya ng matagal. Hindi naman hahayaan ng kuya mo na iwan ka nalang basta. Mahal na mahal ka niya, alam mo yun. Magtiwala lang tayo." aniya pa kaya napatango nalang ako.

"Promise me na hindi ka na magsisikreto sakin. Na sasabihin mo sakin ang lahat kahit pa masasaktan ako." naramdaman ko nalang ang paghalik niya sa noo ko.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon