CHAPTER NINE:

16.7K 310 2
                                    

CHAPTER NINE

~*Stacie's*~

"O ano, nasan na ang magaling mong asawa? Bakit mag-isa ka dito?" napalingon agad ako ng marinig ang boses ni Art habang nakaupo ako sa isang lounge chair na nasa buhanginan sa tabing dagat.

"Bakla!" tili ko sabay tayo at yakap kay Art.

"Ano ba yan, bakla. Akala mo naman ilang linggo tayong hindi nagkita." angal niya dahil sobrang higpit ng yakap ko sa kanya.

"Hmp. Eh kasi naman ikaw, bigla mo nalang akong iniwan doon kanina." sabay nguso ko.

"Eh nakakabwisit kasi yung asawa mo no. Naku! Pasalamat siya gwapo siya bakla. Kung hindi, naku talaga!" gigil na sabi ni Art.

"Wag mo ng pansinin yun, bakla." sabi ko nalang saka kami parehong naupo sa lounge chair.

"Hmp. Watibur baks. Teka nasan na nga pala yun ha? At bakit nag-iisa ka dito?" sabay linga linga ni Art para tignan kung nasaaligid lang sila Duane.

"Nandun pa din sila sa wakeboarding area." sagot ko.

"At talagang inuna niya pang magwakeboarding kesa ang samahan ka ha. Alam niya namang may sugat--"

"Bakla, tama na. Hayaan mo na. Magenjoy nalang tayo, okay?" putol ko sa sasabihin niya saka ko siya hinila patayo.

Tinanggal ko agad ang suot kong sundress kaya nakabikini nalang akong light green saka hinila si Art papunta sa dagat at doon kami nagtampisaw kahit na medyo matindi na ang sikat ng araw.

"Kamusta kaya si Janine no?" tanong ni Art habang nagsu-sun bathing kaming dalawa sa lounge chair na nasa tabing dagat.

Oo nga pala. Kamusta na kaya ang babaeng yun? Nagkausap na kaya sila ni Arlo?

"Okay na kaya sila ni Arlo?" tanong pa ni Art.

"Sana..." sagot ko habang nakapikit at ninanamnam ang sikat ng araw na dumadampi sa balat ko.

"I'm sure, magiging okay din yung dalawang yun. Super bait kaya ni Janine." ani Art.

"Right! Naku, dapat nga magpasalamat si Arlo dahil si Janine ang jowa niya no. Ang bait bait na ng babaitang yun tapos gagaguhin niya pa." komento ko nalang kaya natawa si Art.

"Ay naku kaya ikaw wag mong hinahayaan na maging sunud sunuran ka nalang doon sa asawa mong si Duane." sermon ulit ni Art kaya napabuntong hininga nalang ako saka napatingin sa kanya.

"Hay naku, bakla. Balik na naman ba tayo sa usapang yan ha?"

"Eh kasi ayaw mong makinig sakin. Naku! Ang sarap mong batukan alam mo yun?" sabay irap niya sakin.

"Oo na po, nay. Makikinig na po ako sa payo niyo." natatawang sabi ko nalang.

"Hay naku. Don't call me 'Nay' masyadong purez. Call me 'mommy'" sabay halakhak niya kaya natawa na din ako.

"Gaga!"

Around 11am na ng bumalik kami ni Art sa hotel. Sigurado kasing pabalik na din sila Duane dahil magtatanghalian na.

Dumiretso agad ako sa kwarto namin ni Duane habang si Art naman sa opisina ni kuya dumiretso, para makigamit ng bathroom doon.

"Saan ka nanggaling?" natigilan nalang ako sa pagpunta sa bathroom pagpasok ko ng kwarto namin ng marinig ang boses ni Duane.

Paglingon ko, nakita kong nakaupo siya sa sofa habang nakadekwatro at nakatitig sakin.

"Bakit ka umalis ng hindi nagpsasabi?" malamig na tanong niya habang hindi inaalis ang pagkakatitig sakin.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon