CHAPTER FORTY-THREE:

19.3K 336 1
                                    

CHAPTER FORTY-THREE

~*Stacie's*~

"Napakatahimik na sa bahay na ito." malungkot na sabi ni Nana Lidia habang nasa balkonahe kami ng mansyon. "Mas lalong naging tahimik simula ng mawala ang kuya mo."

"Magkakasama na sila nila Mama at Papa." pilit na ngiting sabi ko kahit na ang totoo naiiyak na ako sa sobrang kalungkutan.

"Di bale. Sandaling panahon nalang naman magkakaroon na ng batang mangungulit sa bahay na ito. May magpapatakbo takbo na paikot ikot dito sa bahay." nakangiting sabi ni Nana Lidia kaya otomatikong napahawak ako sa tiyan ko.

Medyo halata na ang aking baby bump at nakakatuwa na malaman mula sa ObGyne ko na maayos naman ang pagbubuntis ko.

"Nananabik na akong mag-alaga ulit ng bata." natutuwang sabi pa ni Nana Lidia. "Naalala ko pa noong batang paslit pa kayo ng kuya Steve mo. Lagi ka niyang binibiro na napipilayan siya kapag umaakyat ng puno ng bayas. Tapos ikaw naman maniniwala sa kalokohan niya at uuwi dito na umiiyak dahil napaniwala ka ng maloko mong kuya."

Natawa nalang ako sa kwento ni Nana Lidia. Madalas kasing gawin yun ni kuya Steve noong mga bata pa kami kapag mas marami akong makukuhang bayabas sa kanya magpapanggap siyang nahulog mula sa puno at napilayan kaya mag-aalala ako at magmamadaling umuwi ng bahay para sabihin kay mama at papa pero kapag balik ko makikita ko siyang kumakain ng lahat ng bayabas na nakuha namin kaya in the end pagagalitan siya ni mama at papa at hindi palalabasin ng isang araw sa mansyon.

I miss the three of them. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak kapag naiisip ko na wala na talaga sila at ako nalang sa pamilya namin ang nakatira sa bahay na ito kasama sila Nana Lidia at ang ibang kasambahay.

"Umiiyak ka na naman." sabay punas ni Nana Lidia sa pisngi ko. Napangiti nalang ako. "Ano ba talaga ang nangyari? Bakit biglaan ang pag-uwi mo dito tapos hindi mo pa kasama ang asawa mo."

"Nagkaroon po kasi kami ng problema eh." humihikbing sagot ko. "Nagdududa ho siya kung siya ang ama nitong ipinagbubuntis ko, Nana."

"Sus Ginoo!" bulalas ni Nana Lidia saka ko ikinuwento sa kanya ang lahat ng nangyari.

Simula kasi ng umuwi ako dito sa Batangas ay hindi ko pa sinabi sa kaniya kung bakit biglaan ang aking pag-uwi. Hindi din siya nagtanong. And knowing Nana Lidia, alam kong naiintindihan niya na kailangan ko lang ng panahon bago ako makapagkwento sa kanya.

At ngayon, tahimik lang siyang nakikinig habang nagkukwento ako ng mga nangyayari sa relasyon namin ni Duane nitong nakalipas na linggo.

"Ang sakit ho, Nana." umiiyak na sabi ko. "Naiintindihan ko naman po na galit siya kaya kung ano ano ang mga nasasabi niya pero hindi ko po inaasahan na darating kami sa punto na pati itong dinadala ko ay pagdududahan niya. Hindi pa man din po naipapangak ang anak ko ay parang itinakwil niya na agad ito."

"Tahan na, anak." ani Nana Lidia saka ako inakap. "Maniwala kang magiging maayos din ang lahat."

"Ayoko na ho, Nana." humihikbing sabi ko. "Kung mas paniniwalaan niya pa din ang Andrew na yun at ang mga pictures, bahala na siya. Magiging masaya nalang ako kasama ng anak ko."

"Huwag mong sabihin yan. Sigurado namang mahal ka noong asawa mo. Galit lang iyon kaya ganun ang mga nasabi niya."

Mag-iisang linggo na simula ng umalis ako sa bahay nila Duane at umuwi dito sa farm. Kung uuwi kasi ako sa apartment namin ni Art siguradong makikita niya ako agad. Baka kaladkarin niya na naman ako pauwi sa bahay at baka saktan niya na naman ako.

Hindi na ako papayag na mangyari pa yun at baka kapag sinaktan niya ulit ako ay manganib na ang buhay ng batang dinadala ko sa aking sinapupunan. At kapag nangyari yun baka lalong hindi ko na siya mapatawad kahit kailan.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon