CHAPTER TWENTY-NINE:

16.6K 341 7
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

**Duane's**

"Fundraising?" sabay sabay na nagtatakang tanong nila Ash, Migs, Arlo, Keiji at Swisso matapos kong sabihin sa kanila na balak kong magconduct ng fundraising kasama sila.

"Para saan?" kunot noong tanong naman ni Kaede.

"Balak ko kasing iparenovate yung orphanage na pinupuntahan namin ni Stacie tuwing sabado. Plano ko ding patayuan ng eskwelahan para hindi na malayo ang papasukan nila." sagot ko.

Napansin ko namang nagkatinginan ang mga loko na parang natatawa pa. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko at parang pigil na pigil nila ang pagtawa.

"Yung mga anak-anakan ba yan ni Stacie sa orphanage nila Mother Cleo?" nakangiting tanong ni Darius kaya tumango agad ako.

"Ikaw ba yan pare?" natatawang tanong ni Swisso na parang hndi makapaniwala sa pinopropose ko. "Parang ngayon ka lang yata namin narinig na nagsalita regarding sa charity ah." aniya pa.

"May sakit ka ba?" panggagatong naman ni Keiji saka nagtawanan ang mga loko.

"Pwede ba, hindi ako nagbibiro." naaasar na sabi ko kaya unti unti silang nanahimik pero halatang pinipigilan lang nila ang pagtawa.

"Bakit mo naman naisipang tumulong sa orphanage na yun?" tanong ni Ash.

"Because of Stacie, of course." nakangising sagot ni Keiji kaya lalong nagkatinginan ang mga gago.

"What?! Are you going to help me or not?!" bugnot na tanong ko.

"Of course, we're in it. We will help you." nakangising sagot ni Swisso.

"Yeah!" sagot naman nila Keiji, Ash, Kaede, Darius, Migs at Arlo tumango lang naman si Matt at Theo.

"One million's on me." maya-maya ay offer ni Kaede. "Ako na din ang engineer ng eskwelahan at ako na ang bahala sa magiging architect." sabi niya pa kaya nagoffer na din ang iba na magdonate ng tig-iisang milyon.

"Paanong fundraising ba ang gagawin?" tanong ni Arlo.

"I was thinking of conducting a sports event in our golf club." I amswered.

"Anong mga sports?" tanong naman ni Migs.

"Basketball. Golf. Color fun run. And then there will be an auction." I stated nagtanguan naman silang lahat.

Pagkatapos naming planuhin ang icoconduct na fundraising tinawagan agad namin kinagabihan ang mga kakilalang businessmen para imbitahin sa gaganaping event two weeks from now.

"Naibigay na ang mga invitations. Umoo na din sila Mr. Khan, Mr. Lawrence at Mr. Romero na pupunta." ani Darius.

"Mr. and Mrs. Soriano also said yes. Si Mr. Jenkins at Mr. Smith nalang ang wala pang balita kung dadating." sabi naman ni Swisso.

Halos lahat ng inimbita naming businessmen at mga kilalang tao at ilang mga politiko ay nangakong dadating sa event. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang iniisip kung anong magiging reaksiyon ni Stacie kapag nalaman niya ang plano kong ito. Hindi ko pa kasi nababanggit sa kanya ang tungkol sa fundraising na pinaplano ng barkada. At alam kong matutuwa siya kapag nalaman niya ang bagay na ito.

"Yeah, sure Duane. Susubukan kong makarating sa araw na yun." ani Steve sa kabilang linya.

"Don't just try, be sure to be there. Stacie would be very happy to see you. We'll be expecting you on that event, Steve." pilit ko. Alam kong may iniinda siyang sakit kaya hindi siya siguradong makakarating sa araw ng fundraising but I want Stacie to see her brother. Sigurado kasing masmagiging masaya siya sa araw na yun kapag dumating sa event na yung ang kuya niya.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon