CHAPTER THIRTY-EIGHT:

14.3K 253 3
                                    

CHAPTER THIRTY EIGHT

**Duane's**

"She is not who you think she is."'

It was a note included in the brown envelop. This was the third time since last week na nakatanggap ako ng brown envelop na naglalaman ng mga pictures ni Stacie habang nakahiga sa kama at hinahalikan ng isang lalaki ang kanyang leeg. Nakapikit siya sa picture habang nakahawak ang kanang kamay niya sa batok ng lalaking nakapatong sa kanya.

Sa mga larawang ito pinakanag-init ang dugo ko. Sa mga naunang ipinadala kasi sa akin ng hindi ko alam kung sino ay picture lang ni Stacie habang buhat buhat ng isang lalaki habang naglalakad ito sa hallway ng sa tingin ko ay isang hotel.

I don't want to believe the pictures infront of me dahil alam kong hindi magagawa ito sa akin ng asawa ko pero kitang kita ko na siya talaga ang nasa mga larawang ito.

Mahal ko siya at ayoko siyang pagdudahan pero lalo lang nadadagdagan ang pagdududa ko dahil sa napapadalas niyang hindi pagsabay sa akin pa-uwi dahil may kailangan siyang puntahan at halos alas siete na siya ng gabi nakakauwi. Nakadagdag pa sa paghihinala ko ang nabasa kong text sa kanya ng isang unknown number habang naliligo siya kaninang umaga. Nakasaad doon na kailangan nilang magkita mamayang 6pm sa isang resto sa makati. I am so furious habang hinihintay ang oras hanggang sa may nagpadala na naman ngayong tanghali ng isang brown envelop na naglalaman ng mga pictures.

Nagmadali agad akong ibalik sa loob ng envelop ang mga pictures ng may kumatok sa pintuang ng opisina ko.

Si Stacie.

"Are you okay?" tanong niya pagkapasok ng opisina para iabot sa akin ang ilang folders ng report.

Tumango lang ako. Hindi ko maiwasang hindi mainis. How can she act so innocent kung totoo man ang lahat ng pictures na ipinapadala sa akin ng kung sino man?

"Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong niya saka hinawakan ang noo ko. Napaiktad tuloy ako.

"Pagod lang siguro." tipid na sagot ko sabay pasimpleng iwas sa hawak niya.

"Magpahinga ka muna kahit saglit." aniya kaya tumango nalang ako.

I need to find out the truth. Kailangan kong malaman kung niloloko niya ba talaga ako. Kung magagawa niya ba talagang gaguhin ako.

Around 4:30PM ng magpaalam siyang mag-uunder time dahil may kailangan daw siyang daanan. Sinabi kong magpahatid nalang siya kay Gael pero tumanggi siya kaya lalo akong nagduda. Pinigilan kong wag magreact at magtanong kahit na ang totoo ay nakakaramdam na ako ng matinding kaba at galit.

Sana hindi totoong sa lalaking kasama niya sa picture siya makikipagkita dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag napatunayan kong totoo ang lahat ng hinala ko. Baka makapatay ako kapag nalaman kong ginagago niya ako.

"Prepare the car. I'll be down there in a minute." I told Gael over the phone ng masigurong nakababa na si Stacie saka ako sumakay ng elevator.

Saktong pagbaba ko sa ground floor ay nakita kong kasasakay niya lang ng taxi kaya nagmadali agad akong sumakay sa kotse at initusan si Gael na sundan ang taxing sinasakyan ni Stacie.

Umaasa akong hindi totoo ang mga hinala ko, na nagkakamali lang ako at may gusto lang manira sa pagsasama naming dalawa pero habang sinusundan namin ang sinasakyan niyang taxi at nakikotang papunta ito sa restaurant kung saan sila magkikita ng nagtext sa kanya kanina ay lalong nag-iinit ang dugo ko.

Nag-igting ang panga ko ng makitang huminto ang taxi sa sinabing restaurant kanina sa text message saka bumaba si Stacie at nagmamadaling pumasok sa loob.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon