CHAPTER TWENTY-FIVE:

15.6K 315 7
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

~*Stacie's*~

Hindi ko na nagawang pakinggang ang iba pang pinagsasasabi nung Andrea sa telepono dahil agad kong ibinaba yun saka napasandal sa pader.

He lied!

He lied to me!

Ang sabi niya si Swisso ang kasama niya kagabi at sa bahay nito siya natulog yung pala nasa hotel siya at kasama ang ibang babae.

Sa bagay, ano nga naman bang karapatan ko? Asawa lang naman ako sa papel. Malay ko ba kung mahal niya yung babaeng yun. Baka mamaya ako pa ang hadlang sa relasyon nila.

"Ate okay ka lang?" Natigilan nalang ako sa pag-iisip ng marinig ang boses ni Lesley kaya agad akong napatingin sa kanya.

"H-Ha?"

"Para kang naiiyak. Nag-away ba kayo ni kuya?" nag-aalalang tanong niya.

"N-Naku hindi. S-Sumama lang yung timpla ng tiyan ko." pilit na ngiting sagot ko. "Magbreakfast na tayo, Les." aya ko pa sa kanya.

Hindi mawala wala sa isip ko ang tumawag sa telepono kahit kumakain kami ni Lesley ng almusal.

Naiinis ako!

Nagagalit!

Nasasaktan!

Kahit na alam kong wala naman akong karapatan. Bakit kailangan niyang magsinungaling? Sana sinabi niya nalang yung totoo! Pero ano pa bang dapat kong asahan? He's a notorious playboy. Hindi na dapat ako nagugulat kung nangbababae siya.

"Nagtanghalian ka na?" tanong agad ni Duane pagkapasok ko sa kwarto. Saktong katatapos niya lang magbihis kaya umupo agad ako sa kama.

Hindi ko magawang tignan siya dahil pakiramdam ko pagginawa ko yun maiiyak lang ako.

"T-Tumawag nga pala kanina yung Andrea." mahinahong sabi ko.

Naramdaman ko nalang na natigilan siya sa paglalakad.

"P-Pinapasabi niyang nag-enjoy siya kagabi kasama ka. Bakit daw umalis ka sa hotel ng walang paalam. Mamayang gabi pwede daw ulit kayong magkita kung gusto ko." dagdag ko pa kahit na nanginginig na ang boses ko sa pagpipigil ng iyak.

"S-Stacie..."

"Hindi mo na kailangang magsinungaling sakin. Naiintindihan ko. Pwede mo pa din namang gawin ang mga ginagawa mo tulad ng dati kahit na mag-asawa na tayo." sabi ko pa. "Buti nalang hindi si Yaya Paz o si Lesley ang nakasagot." saka ako bahagyang natawa.

"Stacie, please mag-eexplain ako." sabi niya nalang pero agad akong umiling.

"Hindi na kailangan. Kumain ka na sa baba." saka ako humiga sa kama patalikod sa kanya. Kasabay ng paghiga ko ang pagbagsak ng mga luha mula sa mga mata ko.

Ilang sandali bago siya tuluyang lumabas ng kwarto without saying anything. Habang ako hindi mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.

Gusto kong tawagan si Art kayalang paniguradong susugod yun dito at baka awayin niya ng bongga si Duane. Magkakagulo pa kapag nagkataon.

"Nakakaloka!" napabuntong hininga nalang ako ng makita ang reflection ko sa salamin. Nakatulog pala ako sa kakaiyak at magang maga na ang mga mata ko. "Ang chaka ko na tuloy." natatawang bulong ko pa pero kahit natatawa ako sa itsura ko hindi ko pa din maiwasang masaktan dahil naaalala ko ang ginawa ni Duane.

Naglagay nalang ako ng eyedrops para humupa ang pamamaga saka naglagay ng kaunting make-up at pagkatapos ay pinuntahan ko nalang si Lesley sa kwarto nito para makipagkwentuhan.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon