CHAPTER THIRTY-THREE:

17.4K 309 8
                                    

CHAPTER THIRTY THREE

~*Stacie's*~

Pakiramdam ko lutang pa din ako hanggang sa matapos akong magshower after ng fun run at hanggang mag-umpisa ang basketball na isa din sa mga games at activities ng fundraising event. Hindi pa din ako makapaniwala na para sa orphanage ang kikitaing pera ng fundraising event na ito na inorganize nila Duane. This is the best birthday gift I have ever receive in my entire life. Hindi ko lubos maisip na maiisip ng asawa ko ang bagay na ito.

"Ano bakla? Hindi pa din makapaniwala sa powers ng asawa mo?" natatawang sabi bigla n Art habang pinapanood namin ang basketball game kaya napangiti ako ng abot tenga. "Jusmi! Ano, napipi ka na?" tatawa-tawang sabi niya pa ng hindi ako sumagot sa una niyang tanong. "Kaloka te!" kaya nagtawanan din sila Janine at Margaux.

"Halatang head over heels sayo ang asawa mo, girl." nakangiting sabi ni Margaux. "Nakakatuwa at nakakainggit." sabi pa nito.

"Sos! Si Matthew din naman head over heels sayo ha." biglang sabat naman ni Janine kaya unti unting nawala ang ngiti sa labi ni Margaux.

"Noon yun." sabay iwas pa niya ng tingin. Napansin naman namin ni Art na napabuntong hininga nalang si Janine. Mukhang kahit anong sabihin ni Janine ay ayaw talaga bumigay ng babaitang ito.

Pustahan ang istilo ng basketball game at 75% ng malilikom na pera sa pustahan ang mapupunta sa orphanage and the remaining 25% naman ay para sa mga pumusta sa mananalong team. Kasali pala sa basketball game na yun ang buong barkada nila Duane.

Sila Swisso, Migs, Arlo, Ashton at Keiji ang magkakakampi habang magkakampi naman sila Duane, Darius, Matthew, Theo at Kaede sa kabilang team. Kaya kami ni Janine kanya kanyang cheer sa kanya kanya naming asawa habang si Margaux tahimik lang na nanonood ng game.

"Jusko Lord! Kung ganiyan lagi ang mga maglalaro ng basketball baka sumali na ako sa pep squad!" kinikilig na sabi ni Art habang pinapanood naming maglaro ang magbabarkada. Lalo pa siyang kinilig ng pagkatapos maishoot ni Darius ang bola sa ring ay kumindat ito sa direksyon namin kaya si bakla halos mahimatay sa kilig akala mo naman siya talaga ang kinindatan ni Darius.

"Varsity players ba ang mga yan noong college? Bakit ganiyan sila kagagaling maglaro?" tanong bigla ni Art para kasing professionals ang pinapanood naming naglalaro.

"Sila Swisso, Ash, Keiji at Darius lang. Si Migs at Arlo kasi soccer players way back college tapos sila Duane, Kaede, Theo at Matt naman sa pagkakaalam ko ayaw mag varsity pero naglalaro din ng basketball whenever they have free time." paliwanag ni Janine.

"Kaya naman pala." ani Art.

Infairness naman sa asawa ko kahit na hindi varsity noong college ay ang galing magbasketball. Ang gwapo at ang hot pang maglaro kaya naman hindi nakakapagtakang ang daming nahuhumaling sa kanyang ibang babae.

The game ended with the score of 105-107. Dikit na dikit ang laban ang akala pa nga naming lahat ay sila Swisso ang mananalo but thanks to Theo's last 30 seconds three points shoot dahil nanalo ang team ng asawa ko. Tuwang tuwa din ang mga pumusta sa team nila dahil sa pagkapanalo.

Papalapit na sana kami sa magbabarkada ng makita naming may babaeng lumapit kay Matthew at niyakap ito saka hinalikan sa labi kaya napatingin nalang kami kay Margaux saka namin napansin na nag-iwas lang ng tingin. Para naman wala lang kay Matthew ang nangyari dahil niyakap din nito pabalik ang babaeng yumakap at humalik sa kanya. Nakakaloka.

"Who's that girl?" biglang tanong ni Martina. "Why is she kissing and hugging daddy?" masungit na tanong pa nito.

"Are you hungry?" tanong naman ni Margaux sa anak niya. "Do you want a chocolate cake baby?"

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon