CHAPTER TWENTY-SIX:

16.2K 347 10
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

**Duane's**

"Tumawag nga pala kanina yung Andrea." natigilan nalang ako ng bigla niya yung sabihin pagkaupo niya sa kama. "P-Pinapasabi niyang nag-enjoy siya kagabi kasama ka. Bakit daw umalis ka sa hotel ng walang paalam. Mamayang gabi pwede daw ulit kayong magkita kung gusto ko." dagdag niya pa na halatang naiiyak na dahil panginginig ng boses niya. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

"S-Stacie..."

"Hindi mo na kailangang magsinungaling sakin. Naiintindihan ko. Pwede mo pa din namang gawin ang mga ginagawa mo tulad ng dati kahit na magasawa na tayo." sabi niya pa. "Buti nalang hindi si Yaya Paz o si Lesley ang nakasagot." saka siya bahagyang natawa.

"Stacie, please mag-eexplain ako." sabi ko nalang pero agad siyang umiling at nanatiling nakatingin sa ing direksyon.

"Hindi na kailangan. Kumain ka na sa baba." saka siya humiga sa kama, patalikod sa akin.

Kahit hindi ko nakikita, alam kong umiiyak siya dahil sa mahinang paghikbi niya. Gusto kong magpaliwanag pero alam kong kailangan kong bigyan muna siya ng oras. Hindi ko din kasi alam kung anong paliwanag ang gagawin ko. Alam kong mali ako. Maling mali.

Bakit naman kasi nagpakalasing ako kagabi at hindi ko na natandaan kung anong nangyari. Alam ko namang walang nangyari sa amin ng Andrea na yun dahil lasing na lasing ako kagabi kaya paanong may mangyayari sa amin? Pero hindi ko alam kung paano ipapaliwanag yun kay Stacie lalo pa at alam kong hindi siya makikinig sa paliwanag ko.

"Bakit?" narinig kong boses ni Stacie ng mapadaan ako sa kwarto ni Lesley na narinig ko namang umiiyak. "Anong nangyari? May problema ba, Les?"

"Natatakot ako ate." humahagulgol na sabi ni Lesley kaya agad akong lumapit sa pinto at nakitang nakasubsob ang mukha niya sa balikat ni Stacie.

"A-Anong problema?" nag-aalalang tanong naman ni Stacie saka nito pinunasan ang luha ni Lesley.

"A-Ate, b-buntis ako." agad na napahawak ako ng mahigpit sa doorknob ng marinig ang sinabing yun ni Lesley.

Putangina! Hanggang ngayon pala nakikipag kita pa din siya sa Jake na yun. Hindi pa din pala siya nakikinig sa akin. At talagang sinuway niya ako.

"H-Ha?" narinig kong gulat na tanong ni Stacie. "S-Sigurado ka ba?"

"Oo ate. Kanina sinubukan kong magpregnancy test ng ilang beses. Positive." umiiyak na sabi pa ni Lesley kaya lalong nag-init ang ulo ko.

Hindi siya marunong makinig. Sinabihan ko na siyang huwag ng makikipagkita at makikipagrelasyon sa lalaking yun dahil wala siyang magiging magandang kinabukasan sa walang kwentang yun.

"Alam ba ng kuya mo ang tungkol dito?" tanong pa ni Stacie.

"Anong gagawin ko ate. Tiyak na magagalit siya kapag nalaman niyang buntis ako."

"Shhh. Stop crying--" hindi ko na napigilan ang sarili kong pumasok kaya natigilan silang dalawa.

"Buntis ka?!" galit na galit na tanong ko habang papalapit sa kanilang dalawa saka ko mahigpit na hinawakan ang braso ni Lesley.

"Duane..." pag-awat ni Stacie.

"Hanggang ngayon nakikipagkita ka pa din pala sa walang kwentang lalaking yun at ngayon nagpabuntis ka pa nga!" singhal ko kay Lesley.

"Kuya, mahal ko si Jake."

"Mahal? Makakain mo ba ang pagmamahal na yun ha, Lesley?!"

"Oo mahirap lang siya pero mahal niya ako kuya. Pinaramdam niya sakin kung gaano ako kahalaga. Hindi gaya mo, ibinigay mo nga lahat ng luho ko pero sinasakal mo naman ako dahil sa sobrang higpit mo. Nakakasakal ka kuya! You always want to rule my life!" sigaw niya.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon