CHAPTER THIRTY-ONE:

16.2K 301 7
                                    

CHAPTER THIRTY ONE

~*Stacie's*~

"Anong plano sa birthday mo bakla?" tanong ni Art habang naglulunch kami sa isang fine dine malapit sa opisina ni Duane. May lunch meeting kasi si Duane kasama ang ilang investors kaya hindi na kami nagkasabay. Kaya si Art at Janine ang kasama ko ngayong kumakain ng tanghalian.

"Oo nga girl. Next week na yun ha." dagdag pa ni Janine.

"Hindi ko nga alam eh. Pero baka maghanda lang ako ng kaunti. Gusto ko nga sanang magcelebrate ng birthday kasama yung mga chikiting sa orphanage." nakangiting sagot ko.

"Mahal na mahal mo talaga yung mga junakis mo doon no?" nakangiting tanong ni Janine kaya napatango nalang ako. Minsan na siyang nakapunta sa orphanage kasama si Art at nakita ang mga makukulit na batang nandun.

"Malay mo mag-organize ng party ang iyong hubby para sa birthday mo." nakangising singit ni Art.

"Mukha ngang hindi niya naman alam na birthday ko na nextweek eh." medyo dismayadong sagot ko. Ilang buwan palang naman kasi kaming magkakilala at mag-asawa ni Duane kaya siguradong hindi niya pa alam kung kailan ang birthday ko.

"Sus! Malay mo naman. Ang asawa mo pa ba? Mukhang alam noon lahat ng tungkol sayo. Pati nga yata size ng bra mo alam niya." natatawang sagot ni Art kaya hinataw ko siya ng mahina sa braso.

"Ouchie!" daing niya naman. Loko-lokong baklita to. Alam ng nasa public place kami kung ano anong pinagsasasabi.

"Bibig mo talaga bakla!" suway ko. Natawa lang naman sila ni Janine.

"Sos! Bakit? Hindi ba totoo? Kung nahawakan na niya yan, sa malamang at sa hindi alam niya na kung ano ang size ng bra mo." dagdag niya pa.

"Tumahimik ka na nga!" natawa na din ako sa kalokohan niya.

"... but I want to see daddy." napatingin nalang ako sa batang babaeng dumaan na hawak hawak ang mommy niya.

"He's having a business meeting." her mom answered. Pamilyar ang mukha ng babaeng kasama noong bata. Parang nakita ko na siya dati...

"Margaux?" narinig ko nalang na tawag ni Janine saka ko narealize na nakatingin siya sa mag-inang tinitignan ko kani-kanina lang. Napalingon naman agad ang babaeng tinawag niya.

"Janine..." nakangiting bati noong babae. Naalala ko na. Siya yung babaeng kasama noong Matthew noong araw ng kasal namin ni Duane.

Lumapit agad ito sa table namin kasama ang cute na cute na batang babaeng biglang nagliwanag ang mukha ng makita si Janine.

"Tita Janine!" masayang sabi noong bata saka niyakap si Janine. "Hi tita Janine."

"Hello Martina" nakangiting tugon naman ni Janine saka hinalikan sa pisngi ang batag lumapit sa kanya. "Dito na kayo umupo. Maglulunch palang ba kayo?"

"Oo eh. Okay lang bang makiupo?" tanong pa noong Margaux habang sumusulyap sa amin ni Art. Mukang nahihiya pa siya.

"Oo naman, girl." magiliw na sagot naman ni Art kaya pinaupo agad ni Margaux ang batang kasama niya sa tabi ni Janine saka siya umupo sa tabi ng bata.

"This is Art and Stacie. Nagkita na kayo dati, I'm sure. noong kasal nila ni Duane." pakilala ni Janine sa amin ni Art.

"Yeah, I remembered. Ikaw yung asawa ni Duane." sabi naman ni Margaux sa akin. "And hello to you Art." bati naman niya kay Art. "I am Margaux and this is my daughter, Martina." aniya pa.

"Anak mo?" gulat na tanong namin ni Art pagkatapos magkatinginan. Mukha kasing anim na taong gulang na si Martina at si Margaux naman ay halatang kasing edad lang namin nila Janine.

DUANE (Way Back to Your Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon