Chapter 5

42 3 5
                                    

A/N: Sorry kung natagalan bago mag update medyo nabusy lang talaga T^T

Anyway Happy Father's Day to all Father's out there ❤️❤️

Just published 2chapters for now enjoy reading <3

-------

Announcement

Pagkarating ko sa classroom ay agad rin akong umupo sa tabi ng nakangising faustina kaya naman inirapan ko siya bago tuluyang maupo.

"San kayo galing?" May tono sa pang aasar na tanong niya kaya naman inismiran ko siya bago sinagot.

"Sa canteen" Maikling sabi ko.
Tiningnan ko naman kung nasaan ang kumag na nico at ayun siya as usual nakikipaglandian sa mga classmates naming babae.

"Bakit ba pumapayag kang ganunin nalang ng nerd na yun? Pati tuloy ikaw napalabas" May halong inis na tanong sa kanya ni melanie. Ang number one basher ko dito sa classroom at patay na patay kay nico pero hindi ko siya pinapansin dahil puro lang naman parinig ang ginagawa niya. As long as hindi niya ko sinasaktan ng physical hindi ko siya papakealaman.

"No. It's my fault not her" sagot sa kanya ni nico kaya naman tiningnan ako ng masama ni melanie pero inirapan ko lang siya.

"Anong ginawa nyo sa canteen?" Tanong ulit sakin ni tina kaya naman tiningnan ko siya at kinwento yung nangyare kanina sa canteen at hindi niya mapigilan ang humagalpak sa kakatawa.

"Seriously bes? Friends with benefits talaga? HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHHAHAHAHAAHAHHAHAAHA siraulo talaga yun" Natatawang sabi niya kaya naman tiningnan ko siya ng masama.

"Tuwang tuwa ka jan eh no? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang may kasalanan nun kung bakit niya nakita ang flames na yun sa notebook" inis kong sabi sa kanya.

"Oww, hindi ko naman sinasadyang papakealaman niya pa ang likod ng notebook ko eh, nagpatulong lang ako sa kanya ng assignment at nawala sa isip kong yung notebook na yun ang pinagsulatan natin ng kung ano ano kaya wala parin akong kasalanan" nakangusong paliwanag niya.

"Tsk. Nakakainis, nakakahiya tuloy" inis pa ring bulong ko

"Pero...." Bigla akong napatingin sa kanya ng bitinin niya ang sasabihin. Kita ko ang mapang asar na ngisi niya.

"Ano?"

"Bakit hindi ka pumayag?" Tanong niya.

"Pumayag saan?" Kunot noong tanong ko.

"Pumayag na maging friends with benefits kayo tutal crush mo naman siya e-----"

"NO WAY!" Sigaw ko sa kanya at napatayo pa kaya naman biglang napatingin ang mga classmates namin.

"Why?" Natatawang tanong pa niya.

"Shut up bes" inis kong sabi atsaka umupo ulit.

Ilang minuto pa kami nag asaran at nagkwentuhan ni faustina ng biglang dumating ang adviser namin.

"Good morning class" Bati niya samin.

"Good morning ma'am" bati namin pabalik sa kanya.

"Please go back to your seat, May announcement lang ako bago ako magdiscuss" Panimula ni ma'am kaya naman agad nagtayuan ang mga classmates ko at kanya kanyang balik sa mga upuan nila.

Umupo narin si nico sa tabi ko pero hindi kona siya pinagtuunan pa ng pansin dahil naghihintay ako ng susunod na sasabihin ni ma'am.

Ano naman kayang announcement niya? About graduation ba?

"Makinig kayo class, Nagkaroon kami ng meeting kanina kaya nalate ako. About the meeting, pinag usapan naming mga teachers ang magaganap na acquaintance party next week at sa sabado gaganapin. Palagi naman tayong nagkakaroon nun kaya hindi kona masyadong ipapaliwanag pa. Lahat kayo ay required na umattend" Sabi ni ma'am.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon