Chapter 17

13 3 1
                                    

A/N: Wala po akong masyadong alam sa mga ginagawa ng doctor kaya kung may mali man sa nasasabi ko dito feel free to talk to me in private. Just message here. I will accept my mistakes :))

---------

I wish

Today is March 24, thursday na at ngayon yung sinabi ni nico na birthday ng tito nila.

"Passed your clearance in front, ako ng bahala magpapirma kay ma'am sherryl. Pwede na kayong magsiuwi" sabi saamin ni zoey, ang president ng classroom namin.

Last day na ngayon ng clearance namin at syempre ang last na pipirma ay yung adviser namin.

"Pupunta ka ba mamaya?" Tanong ni faustina sakin ng makalabas kami ng room.

Nagdadalawang isip ako kung sasama sa kanila dahil hindi na nga makalabas ng hospital si mama dahil sa kondisyon niya.

Alam kong kahit papaano ay nakakapagbayad si papa sa hospital dahil nakakapagstay sila ron.

Bakasyon na ni josh kaya siya ang laging bantay samantalang ako sobrang busy dahil sa clearance namin pero araw araw naman akong dumadalaw dun.

Next week ay practice na ng graduation namin pero wala akong gana dahil wala si mama sa graduation ko. Haaayyss.

"Sorry, pero hindi na muna ko makakasama. Gusto kong magpahinga" sagot ko.

"Mas maganda nga yun, dahil pansin ko parang lagi kang walang gana" nakangiwing baling sakin ni faustina.

Tahimik lang na nakikinig samin si nico at hindi ko alam kung anong iniisip niya.

Ilang araw na ang nakalipas simula ng magpunta kami dun sa secret place niyang warehouse at ganun parin siya.

Minsan sweet pero madalas puro pang aasar lang dahil ramdam niya ang lungkot sa sistema ko kahit di niya sabihin sakin.

Ngayon lang siya natahimik ng ganito.

"Pagod lang ako kase marami tayong ginagawa"  natahimik ulit kami sandali hanggang sa magpaalam na samin si faustina na mauuna na siya dahil bibili pa raw siya ng regalo para sa tito niya.

Bumaling ako kay nico na tahimik pa rin hanggang ngayon.

"Okay kalang ba?" Tanong ko kay nico dahil kanina ko pa siya napapansin mula umaga na sobrang tahimik niya.

"Yeah why?" Lumingon siya sakin at nginitian ako pero kita ko ang pagiging pilit nun.

"I'm fine don't worry, nag iisip lang ako kung ano pwedeng iregalo kay tito" dugtong niya at tinanguan ko lang siya.

Hindi na kami nagkibuan pa pagkatapos nun hanggang sa makarating kami ng bahay.

Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto kaya nagulat ako.

Sa tuwing hinahatid niya kase ako ay hindi na siya bumababa ng kotse, ngayon lang.

Bumaba nalang din ako ng tahimik kahit nagtataka pa rin.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na nasa hospital si tita edna?" Natinag ako ng bigla siyang nagsalita.

Halos manlaki rin ang mata ko dahil sa sinabi niya.

Liningon ko siya pero seryoso lang siyang nakatingin sakin habang nakasandal kami sa kotse niya.

"Josh's told me, because I saw you twice in the hospital. Hindi ko alam paano ka tatanungin kaya yung kapatid mo nalang ang tinanong ko dahil nacurious ako kung ano ang ginagawa mo dun" mas lalo akong nagulat dahil sa dinugtong niya.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon