Chapter 7

21 3 0
                                    

A/N: At dahil birthday ni author ngayon! Nag update ako HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHA enjoy reading pashneya lovelots ❤️❤️

-------

Argue

Dumaan ang sabado, linggo, lunes at martes.
Ngayon ay araw ng miyerkules at last day na naming practice sa tkd.

Sobrang busy namin sa mga nakaraang araw at ngayon naman ay patapos na.

"Okay, last practice from the top!" Sigaw ni coach kaya naman agad kaming kumilos at ginawa ang mga nararapat na gawin para sa demonstration sa sabado.

Tumugtog ang remix song na siyang kanta namin. Yung intro namin ay yung sa milo energy gap hanggang sa sinundan yun ng eye of the tiger.

Kami ang magdedemo bago mag umpisa ang party kaya naman puro kicks, self defense at poomsae ang gagawin namin, pero hindi yung normal na kicks lang dahil kailangan naming magpakitang gilas. Masyadong mataas ang sisipain naming mga kickpad at kinakailangan ng bwelo. Pagkatapos ng mga normal na kicks ay sinundan namin ng poomsae hanggang sa self defense naman ang ipakita namin. Sa bandang dulo ay naroon ang kakaibang sipa na ipapakita namin. Hawak ni loyd ang kickpad na sisipain ni faustina samantalang yung sakin ay hawak ni cali. Nakatungtong sila sa balikat nila kuya lowell at arsuello habang sila maui at rica naman ay nakaalalay kila cali at loyd.

Nang malapit na ang turn namin ni faustina dahil sabay kami na sisipa ay nagform na kami ng fighting stand sabay na nagkatinginan at nagbilang.

"HANA!" Sigaw namin habang parehong nakatingin sa kickpad na sisipain namin.

"DHUL!" Bumwelo ako pagdating ng dalawang bilang.

"SEHTT!"

"HAAAAAHHH!" Kasabay ng pagsigaw namin ay siyang takbo namin papunta sa kanila. Patalon akong tumapak sa kamay ni nico, kasabay ng pag ikot ko sa ere ay siyang pagroundhouse kick ko rin sa ere at sinipa ang kickpad na siyang ikinatalsik nito hanggang sa makalanding kami pababa ni faustina ng sabay.

Agad namang nagbago ang form namin dahil ibang kicks naman ang gagawin namin pero sila Maui at rica ang nakatuka doon. Tatlong magkakasunod na turning long ang ginawa nila ng sabay ni rica habang hawak namin ang kickpad na tumalsik narin hanggang sa matapos ito at sumunod namang bumwelo ay ang dalawang bata na sila cali at loyd. Flying kick ang ipapakita ni loyd samantalang si cali naman ay scissor kick.

Malapit ng matapos ang kanta pero patuloy parin kami sa ginagawa namin. Huling pakitang gilas nanamin ito na siyang gagawin ng mga lalaki. Victory kick kay kuya lowell at vince, samantalang sila nico at arsuello naman ay siyang magfaflying din.

Natapos ang practice namin ng hingal na hingal dahil masyado naming binigay ang enery para sa huling practice na to.

Kinuha namin ang mga kickpad na tumalsik bago bumalik sa kinalalagyan kanina.

"Good job everyone! Sana ganyan rin kayo sa mismong demo natin okay? You can go home now" pagtatapos ni coach tsaka kami isa isang tinanguan. Nagbow lang kami sa kanya bilang paalam.

Nang umalis na si coach ay kanya kanya kaming punta sa bleachers dahil dito kami nagpapractice sa gym para alam na alam talaga namin kung saan dapat pepwesto . Pumunta ako kung saan nakalagay ang mga gamit ko tsaka ko kinuha ang tubig at nilagok ito. Hindi ko mapangalanan ang pagod na naramdaman ko at pagkauhaw kaya naman nagderederetso talaga ang inom ko.

Natigil lamang ang pag inom ko ng lumapit sakin si faustina at niyaya akong pumunta ng CR para makapagpalit ng damit dahil sobrang init at pawisan narin kami.

Hindi rin nagtagal ay agad kaming natapos sa pagbibihis atsaka nagmadaling umalis. 6pm narin kase ng matapos ang practice namin, nag overtime kase kami ngayon upang ayusin ang mga kalat na maaaring makasira sa plano namin kaya naman inabot kami ng 6pm.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon