Chapter 14

12 3 3
                                    

--------

Help

Saan sila nagpunta?

Bakit wala man lang silang text or tawag?

"Hindi kaya nasa hospital sila?" natigil ako sa pag iisip ng sabihin yun ni josh sakin.

Agad nanlaki yung mata ko ng may mapagtanto.

"Shit! Magbihis ka dali pupuntahan natin sila" sabi ko atsaka mabilis na lumabas ng kwarto nila mama at nagtungo sa kwarto ko.

Hindi nga pala maayos ang lagay ni mama kahapon sa hospital pero umuwi pa rin siya rito para ayusan kami.

Kapag may nangyaring masama kay mama hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.

Nagbihis ako ng isang simpleng tshirt at jogging pants tsaka kinuha yung jacket at agad ring isinuot yun.

Kinuha ko ang pouch ko bago lumabas ng kwarto.

Buti nalang marami pa kong ipon dito dahil hindi nako namamasahe papuntang school kaya nakakapag ipon ako.

"ZEEEEENNN! BILISAN MO" Sigaw ko sa kapatid ko at agad nagtungo sa kwarto niya upang katukin ito pero agad naman rin siyang lumabas kaya hinila ko siya palabas ng bahay.

"San ba tayo pupunta ate? Mag aalas dose na ng umaga" reklamo sakin ni josh pero hindi ko siya pinansin.

Binitawan ko siya para ilabas yung bike dahil no choice rin naman kami kung hindi gamitin yun dahil wala ng tricycle na dumadaan dito ng ganitong oras.

Isinara ko ang gate atsaka pinaangkas si josh sakin.

Tahimik lamang kami sa daan at hindi alam ang sasabihin sa isa't isa.

Abala ako sa pag iisip kung anong nangyare kay mama samantalang siya ay diko alam kung ano ang iniisip niya.

"Wait, anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong ni josh sakin ng makarating kami sa tapat ng hospital.

Tiningnan ko lang siya at hindi na sinagot.

"Don't tell me, andito ulit sila?" Kinakabahang tanong niya pero diko ulit siya pinansin.

Pinark kolang yung bike sa may gilid at medyo may kalayuan sa mga kotseng nakapark.

"A-ate, nakita ko yung m-motor ni papa" napalingon ako kay josh at tiningnan yung tinuro niya.

Agad akong napamura ng mapagtantong tama nga ang hinala ko at nandito sila.

Bakit hindi man lang sila nag abalang magtext saamin kung aalis pala sila?

Ano bang iniisip nila? Tsk.

Well, hindi nga pala nila alam na alam na namin ang totoo.

Hinila ko si josh para makapasok sa hospital ngunit agad kaming hinarang ng gwardiya.

Fuck.

"Bakit kayo nandito mga bata? Bawal kayo rito." Sabi samin ng guwardiya ngunit hindi ako nagpatinag sa kanya.

"Kuya, nasa loob po ang mama namin at walang bantay sa kanya dahil naghahanap pa ng pera yung tatay namin kaya please po papasukin nyo na kami" Pagsisinungaling ko para pagbigyan niya kami.

Tinitigan niya naman kaming dalawa at inaalam kung totoo ba ang sinasabi ko kaya naman nagpaawa ako lalo sa kanya.

"Sege sege ito na! kayo talagang mga bata kayo tsk pasalamat kayo at naawa ako sainyo  basta wag kayong makulit dito ah? Dahil papalabasin ko ulit kayo" sabi niya atsaka tumabi para makadaan kami.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon