Chapter 6

19 3 3
                                    

------

Partner

Badtrip. Badtrip. Badtrip

Badtrip talagaaaaa grrrr..

Kung pwede lang pumatay ng tao ginawa kona eh.

*Flashback*

"Bakit hindi mo na ko crush ngayon kung kailan crush na kita?" Tanong niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.

O_O

"W-w-what?"

"Just kidding" nakangising bawi niya kaya naman mabilis pa sa alas kuwatro akong umalis sa harap niya.

*End of flashback*

Paasa kang bakla ka bwisit.

"Oh bakit nakasimangot ka jan?" Tanong ni faustina ng makarating ako sa labas ng school at maabutan ko siyang nakasandal sa kotse niya habang hinihintay kami.

"Saan ba pinaglihi iyang kuya mo?" Asar kong tanong sa kanya.

"Sa buko daw sabi ni mommy why?" Nagtatakang tanong niya.

"Buko tsk. Batuhin ko siya ng buko eh" inis kong bulong.

"Ano bang nangyare?" Tanong niya.

"Wala"

Hindi na kami nagkibuan pa dahil dumating na ang kuya niyang ang sarap patayin sa sobrang sama ng ugali.

Bakit ko ba kase naging crush tong kumag na to? T^T

Ilang minuto ang byahe namin bago makarating sa bahay nang magsalita si faustina.

"Himala at hindi kayo nag aaway? Bakit mo pala niyaya ang bestfriend ko kuya?" Seryoso kunyaring tanong ni tina sa kuya niya kaya bigla itong napalingon sa kanya.

"H-ha? W-wala" naiilang na sagot niya na siyang pinagtaka ko kaya nilingon ko siya pero nasa labas nakatuon ang atensyon niya.

"Tsh, okay anyway sabay tayo pumasok bukas bes, sunduin kita" sabi ni faustina sakin ng huminto ang kotse niya sa harap ng bahay.

"Wag na bes, baka ihatid rin ako ni papa bukas eh" sagot ko sa kanya.

Nagtaka naman ang itsura niya atsaka ako nilingon.

"Eh? Diba may trabaho siya?" Nagtatakang tanong niya.

Napabuntong hininga naman ako bago siya sinagot.

"Yeah, pero nakaleave yata. Siya kase ang naghatid samin ni josh kanina eh, don't worry tawagan nalang kita kapag hindi niya ko hinatid bukas at magpapasundo sayo para makatipid sa pamasahe" nakangising sabi ko sa kanya.

"Okay fine. Take care, by the way nakalimutan kong dalhin ang armor mo na naiwan nung nakaraan. Bukas ko nalang ibibigay sayo" Sabi niya.

"Sege bes, thank you. Ingat kayo" paalam ko dito atsaka lumingon kay nico na hindi ko namalayang nakatingin din pala sakin.

"S-salamat" naiilang kong sambit dahil sa seryosong tingin niya sakin.

"Whether you like it or not, ako ang partner mo sa acquaintance party" Seryosong sabi niya kaya naman wala sa sariling tumango ako sa kanya.

"Good, Take care. See you around" Nakangiting sabi niya na mas lalo akong nailang at wala sa sariling napatalikod sa kanila para pumasok sa loob ng bahay.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko at palaging kinakabahan sa tuwing nagseseryoso ang mukha niya.

Ayokong intindihin yun dahil wala sa isip ko ang ganung bagay pero hindi ko ikakaila na may sayang nararamdaman ang puso ko.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon