Chapter 16

22 3 0
                                    

--------

First kiss

Hindi ko nagawa yung balak ko kaya hanggang ngayon ay wala akong naitutulong kila papa. Buti nalang ay nakahanap na ng trabaho si papa.

Isinugod pa namin ulit si mama sa hospital ng minsang maabutan namin siyang walang malay dito. Huling araw yun ng february at pumasok sa bagong trabaho si papa habang kami ni josh ay pauwi noon.

Buti nalang ay nakaalis agad si nico noon at hindi niya nakita si mama. Araw araw niya na kase akong hinahatid sundo kaya mas lalo kaming napapalapit at lalo ring nahuhulog yung loob ko sa kanya.

Minsan ko na ngang naamin sa sarili ko na mahal kona siya pero hindi ko yun maiparamdam sa kanya dahil sa sitwasyon ni mama.

Sa araw araw niyang paghatid sundo sakin ay doon niya pinaparamdam sakin na mahal niya ko kahit na palagi akong walang kibo sa kanya hindi siya nagrereklamo.

Masaya ako at nakakalimutan ko ang problema sa tuwing nandiyan siya kaya hindi ko rin masabi sa kanya ang sitwasyon ni mama dahil ayoko ng mag alala pa siya.

Ang unfair nga sa kanya ng sitwasyon namin dahil alam niyang gusto ko siya pero hindi ko maiparamdam sa kanya.

Gustong gusto kona maging masaya kasama siya pero hindi ko magawa dahil sa kalagayan ni mama.

If my mother is hurt then I don't deserve to be happy.

Inisip ko nalang na baka hindi pa ito ang tamang oras para samin.

Buwan ng march na ngayon at kakatapos lang ng performance namin sa PE.

Grupo nila jace at faustina ang nanalo sumunod lamang yung grupo namin nila nico kaya hindi kami exempted sa exam.

Sobrang saya ni faustina dahil dun kase hindi niya na raw kailangan magreview sa PE at nabawasan ng isang subject yung poproblemahin kaya sobrang saya niya samantalang ako mapapasana ol nalang talaga.

Naging busy kaming lahat at walang ibang ginawa kung tapusin ang mga projects na tinambak saamin.

Alam narin nila faustina na nanliligaw sakin si nico kaya halos buong araw niya ko inaasar sa tuwing nagsasama kami.

"Ayesha" tawag sakin ni nico ng makarating kami sa cafeteria.

Bibili kase ako ng tubig dahil nauuhaw ako.
Nakakapagod sumayaw at masyado pang mainit kaya nakakauhaw.

Sinabi ko sa kanya na kaya kong bumiling mag isa pero nag insist siya na samahan ako kaya wala akong magawa.

"Bakit?" Tanong ko at tiningnan siya.

"Tubig nga po" sabi ko sa tindera ng makarating kami.

Binigyan niya naman ako kaya nagbayad ako agad.

"May problema kaba?" Napahinto ako sa pag inom dahil sa tanong niya.

Seryoso siya masyado at ngayon ko lang nakita ang ganitong emosyon sa kanya.

Shit. Nahalata niya ba?

"H-ha? Wala naman. Bakit mo natanong?" Umiwas ako ng tingin sa kanya at uminom ng tubig para maiwasan ang tensyon na namumuo saamin.

"Masyado ka ng tahimik hindi katulad noon na palaging nakangiti at nagsusungit" Nagulat ako dahil napapansin niya pala yun.

"Masyadong peke yung mga pinapakitang ngiti mo" mas lalo siyang nagseryoso dahil dun.

Napalunok ako at kinakabahan dahil sa sinabi niya.

Yeah, I've always pre occupied at hindi na sumasali sa mga usapan nila katulad noon.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon