Chapter 2

27 4 5
                                    


"Buti naman natapos na kayo sa asaran n'yo" nakasimangot na sabi ni faustina sakin.

"Kasalanan yun ng mga malandi jan sa likod" parinig ko pa dahil nanggigigil talaga ko sa kanila.

Kumikirot talaga ang puso ko dahil sa nasaksihan kanina pero wala akong karapatan para makaramdam ng selos dahil una sa lahat walang kami ni nico. Hindi niya alam na matagal na kong may gusto sa kanya simula ng una ko siyang makita noon sa garden na hindi ko akalaing kapatid rin pala ni faustina.

Oo may gusto ako sa gagong yun pero hindi niya alam atsaka ngayon ko lang din siya nakitang may ibang kasamang babae maliban kay faustina tapos harap harapan pang naglalandian sa harap ko kaya hindi ko naman maiwasang masaktan sa kanilang dalawa dahil nga gusto ko siya.

Isa pa, dahil din sa mga pambibwisit niya magmula ng ipakilala ako ni faustina sa kanya ng personal kaya mas lalong nahulog ang loob ko sa kanya pero hindi ako umaamin dahil alam kong pagtitripan niya lang ako. Pangit nga ko sa paningin niya e.

Haaayy bakit ba kasi sa isang flirt na lalaki pa ko nagkagusto?

"Hey bitch, are you referring to us? I don't care if I'm a flirt at least I'm not ugly like you" sigaw sa'kin ni clown.

Tiningnan ko naman siya ng masama dahil ang lakas ng boses niya at tinawag niya pa kong bitch.

"Ugly is better than flirt funny clown" nakangising pang aasar ko sa kanya.

"How dare yo---"

"STOP!" Sabay na sigaw ng kambal sa'min kaya natahimik tuloy kami.

Bwisit kasing funny clown 'to. Nakakabwisit ang pagmumukha niya. Silang dalawa ni nico.

Bakit ba kasi may clown dito e hindi naman perya pupuntahan namin tsk.

"Your twin's fault, nagdala siya ng clown dito" sabi ko.

"Shut up!" Nico glared at me.

"Bakla" Biglang sabi ko at agad rin tinakpan ang bibig dahil mukhang napalakas yata.

"WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM!?" Sigaw niya sa'kin kaya naman napatakip tuloy ako sa tenga.

"IKAW, KAYO NG FUNNY CLOWN NA YAN ANG PROBLEMA K---" Hindi na natapos sasabihin ko ng biglang pinaharurot ni faustina ang sasakyan.

"Shit bes dahan dahan naman papatayin mo ba ko"

"Fuck! Faustina! slow down"

"OMG I'm gonna die" Arte pwe.

"Good! Natapos din kayo mag ingay. Kasi kung hindi pa ay ibabangga ko nalang tong sasakyan dahil naririndi ako sa ingay n'yong tatlo." Inis na sabi ni faustina sa'min.

Tumahimik na kami after nun at landian nalang sa likod yung nakikita ko. Bwisit.

Sakit sa mata, pisti.

Nagsuot nalang ako ng earphone at sa labas tumingin pero nahahagip ko parin sila sa side mirror kaya naman pumikit nalang tuloy ako at huminga ng malalim.

Magbebreak din kayo.

Maya maya pa ay nakarating na kami ng school at agad rin akong bumaba dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at makapatay na 'ko ng clown ngayon, kawawa naman ang mga peryahan at mawawalan pa sila ng clown haaayys.

"Bes, punta lang ako ng court ah? hatid ko lang yung lunch ni joshua. Mauna na kayo sa gym susunod nalang ako" tumango lang sakin si faustina kaya naman naglakad na'ko papunta sa court.

Hindi ko na nilingon yung dalawang asungot sa buhay ko dahil baka masapak ko na sila.

Agad ko namang nasilayan ang kapatid ko ng makarating ako sa court nila.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon