Chapter 20

16 3 1
                                    

A/N: Play the music video at the multimedia :>
Enjoy reading pashneya ❤️

--------

See you soon

Nakarating ako sa warehouse na pinuntahan namin dati. Nagpapasalamat talaga ko dahil mabilis ako makatanda ng lugar.

*Sigh*

Nilalamig man at nanginginig dahil basa ako sa ulan, hindi kona ininda pa yun.

Pinunasan ko ang mukha ko at huminga ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.

Nakarating ako sa likod kung nasaan yung garden na pinagtambayan namin nun.

Hindi nga ko nagkamali dahil nakita ko ang isang babaeng nakahiga sa damuhan at hindi rin  pinapansin ang pagbuhos ng ulan.

Faustina.

"T-tina" tawag ko rito. Kita ko ang gulat sa mga mata niya at pag aalala ng makitang basang basa rin ako sa ulan pero agad yun napalitan ng isang blangkong tingin.

"H-how did you know this place?" Tanong niya.

Pinagmasdan ko siya at agad nilamon ng konsensya dahil sa itsura niya.

Basang basa siya sa ulan at magang maga ang mga mata na sa tingin ko ay dahil sa kakaiyak. Gulong gulo ang buhok na halos hindi mo na makilala pa. Halatang puyat rin siya at pagod na pagod na.

"N-nico brought me here" sagot ko sa kanya.

Napabuntong hininga naman siya at binalik ang tingin sa harap.

"I don't need you here ven. Leave me alone" mahinang sabi niya dahilan para maestatwa ako sa kinatatayuan ko.

"S-sorry, hindi ko sinasadyang hindi magpakita sayo noon. Nasa cavite kase kami at lowbat yung cp ko kaya hindi ko nalaman agad" paliwanag ko dito pero mukhang wala siyang balak makinig sakin.

"I don't need your explanation though. Kaya ko ng mag isa at kakayanin ko. Hindi kona kailangan pang umasa sa iba dahil hindi naman nila ko tutulungan" sagot niya.

"I-im sorry tina, hindi ko talaga sinasadya. Please pakinggan mo a----"

"NOONG NAKIUSAP BA KO SAYO PINAKINGGAN MOKO? DIBA HINDI? KAYA ANONG KARAPATAN MO NA UTUSAN AKONG MAKINIG SAYO DAHIL KAHIT KAILAN HINDI KA NAKINIG SAKIN!" Sigaw niya sakin atsaka mabilis na tumayo.

Kita ko ang mga galit sa mga mata niya na puno ng sakit at panunumbat sakin.

"Nakailang tawag ako sayo pero hindi kita makontact! Ayesha bestfriend kita at ikaw yung taong inaasahan kong matatakbuhan noong iniwan ako nila mommy pero wala ka!"

"WALA YUNG TAONG INAASAHAN KO DAHIL HINDI MAN LANG NAGPAALAM SAKIN NA AALIS PALA SIYA SA ARAW NA YUN!" Sigaw niya at bigla nalang umiyak sa harap.

Napaiyak narin ako dahil sa mga sumbat niya. Tama siya, si nico lang ang tinext ko nung araw na yun dahil hindi niya pa alam ang kondisyon ni mama nun kaya hindi ko nagawang magpaalam sa kanya.

"All these years, naging mabuti akong kaibigan sayo. Wala akong pinakita sayong masama dahil mabuti kang tao. Puntahan mo lang ako at samahan sa araw na yun dahil hinang hina ako at pagod na pagod dahil iniwan ako ng buong pamilya ko pero hindi ka man lang sumulpot. Hindi mo man lang ako sinamahan. *Sniff* napakaunfair mo *sniff*" Sinubukan kong lumapit sa kanya pero tiningnan niya ko ng masama.

"WAG KANG LUMAPIT SAKIN DAHIL HINDI NA KITA KAILANGAN! PINAGTANGGOL KITA KILA MELANIE AT ZERA SA TUWING  PINAGSASABIHAN KA NG MASASAMA PERO HINDI KO AKALAIN NA YUNG MGA TAONG INAAWAY KO PA NOON AY SIYANG MAKAKATULONG SAKIN SA ARAW NA HINANG HINA AKO." Sigaw niya at agad na napaluhod habang umiiyak.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon