Chapter 9

10 3 1
                                    


---------

Sana

"Mrs. Brooke, you have already a stage 2 lung cancer"

"Mrs. Brooke, you have already a stage 2 lung cancer"

"Mrs. Brooke, you have already a stage 2 lung cancer"

"Mrs. Brooke, you have already a stage 2 lung cancer"

"Mrs. Brooke, you have already a stage 2 lung cancer"

"Mrs. Brooke, you have already a stage 2 lung cancer"

"Mrs. Brooke, you have already a stage 2 lung cancer"

Bago pa man nila kami makita dito ay agad ko ng hinila si joshua paalis doon hangang sa makalabas kami ng hospital.

"A-ate? D-diba nakakamatay yung cancer?" Nakatulalang tanong ni josh sakin.

Unti unti ko naman siyang nilingon at pilit pinipigilan ang luha ko habang patuloy na umiiling sa kanya.

"H-hindi, malakas si mama kakayanin niya yun. N-normal lang ang sakit niya at gagaling siya" wala sa sariling napayakap ako sa kanya at doon umiyak sa bisig niya.

Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng sistema ko ang mga narinig ko sa loob.

"A-a-ayokong mawala si mama ate please balikan natin siya dun at sabihan yung doctor na pagalingin ang mama natin" umiiyak ring saad ng kapatid dahilan kung bakit mas lalo akong umiyak sa kanya.

Ito na, nakikita kona ulit yung batang inaalagaan ko simula ng pinanganak ako. Nawala yung lalaking madalas mang asar sakin na akala mo ay mas matanda pa sakin, yung lalaking magaling mag basketball at nagtatago sa crush niya. Dahil ang lalaking kayakap ko ngayon ay isang batang nagmamakaawang iligtas ang mama niya sa sakit na hindi pa naman niya masyadong alam pero ikinatatakot na niya.

Dahan dahan akong kumalas sa pagkakayakap niya at pinunasan ang luha niya.

"Bro, malakas si mama okay? Alam kong gagaling siya, basta wag mo kakalimutan magdasal kay god ah? Kase siya lang ang makakagamot kay mama" nakangiti kong sabi sa kanya atsaka pinunasan ang sarili kong luha.

Tinanguan niya naman ako atsaka niyakap.

"Yes ate, Magpepray po ako"

"Good. For now let's just keep it a secret okay? Kunyari wala pa tayong alam tungkol sa sakit ni mama. Kasi mas maiistressed siya kapag nalaman niyang nag aalala tayo kaya naman mas magandang pasayahin nalang natin siya kapag nakauwi na" parang bata namang tumango siya sakin kaya naman pinaangkas ko na ulit siya sa bike atsaka kami umalis doon.

Hindi na kami nagtagal pa ng mall dahil masyadong occupied ang isip ko dahil sa nalaman kaya naman damit lang talaga ang nabili namin at wala ng iba.

Dalawang oras lang ang itinagal namin sa mall pagkatapos makabili ng damit at wala na kaming balak pa mag ikot ikot dahil parang nawalan rin ng gana yung kasama ko.

"Gutom kana ba?" Tanong ko kay zen.

Agad naman siyang tumango kaya naman dinala ko siya sa jollibee at doon kami kumain.

Yung damit na nabili namin ay idedeliver nalang daw bukas, hindi naman yun sobrang mahal dahil sakto lang para maafford namin ang presyo. Libre naman ang delivery kaya walang problema.

Pagkatapos namin kumain ay agad na kaming umalis.

Pagdating ko sa bahay ay agad kong nakitang bukas ang gate.

Anjan na sila?

"Zen, yung pinag usapan natin ah? Kunyari wala parin tayong alam" agad na sabi ko sa kapatid ko dahil baka nakalimutan niya na.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon