Chapter 24

12 2 2
                                    

----------

Far away dreams

"Table for 3 miss" salubong sakin ng customer. Sinamahan ko sila sa isang table at hinintay yung order nila hanggang sa magpasya na kong lisanin ang table nila para kunin ang order nila sa bar counter.

Ilang buwan na ang nakalipas at ito nga, tinanggap nila ako dito bilang waiter kahit na underage palang dahil naawa sakin ang may ari ng club. Si sir george ang may ari ng club na to at mag isa ng binubuhay ang sarili dahil namatay ang mama niya sa cancer samantalang yung tatay niya naman ay namatay sa car accident. Inatake raw kase ang mama niya noon at nasa trabaho yung tatay niya pero dahil sa pag aalala ay agad itong bumyahe pauwi sa kanila pero nauwi sa trahedya. Masyadong nag alala ang tatay niya nun at walang ibang iniisip kung hindi ang makauwi pero dahil sa pagkabalisa niya ay hindi niya namalayan ang isang truck na papasalubong sa kanya, huli na ang lahat para umiwas siya kaya naman nagkabanggaan ito, dahil sa aksidenteng yun ay  dead on arrival ang tatay niya samantalang yung driver raw ng truck ay comatose pa.

Naawa siya sakin dahil ramdam niya ang hirap at sakit na pinagdadaanan ko. Pagkatapos ng aksidenteng yun ay namatay rin ang mama niya dahil hindi na kinaya pa ng katawan nito. Wala siyang ibang makakapitan nun kung hindi ang sarili niya kay nagsikap siya at ngayon ay masasabi niya nalang na worth it lahat yun dahil may sarili na siyang club at tatlong branch neto.

Sobra akong naamaze sa kwento niya at sobrang proud dahil sa naabot niya kaya naman pagkauwi ng bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko at tiningnan ang naiipon ko.

Wala kaming pampaospital kaya dito na talaga naglalagi si mama sa bahay at si tita klea ang tumitingin sa kanya.

Hati ang sahod ko dahil nag iipon rin ako pangcollege ko kahit na malabong mangyare dahil hanggang ngayon ay kulang parin ang pera namin pampaopera kay mama.

Konti palang ang naiipon ko pang college at wala pa yun sa isang buwan na gastusin namin dito sa bahay dahil mas pinaggagastusan ko ang mga kailangan ni mama at kailangan namin sa araw araw.

Simula kase ng pinaalis ni mama si papa ay hindi na ito nagparamdam pa samin at ako na ang sumalo lahat ng gastusin dito. Panay ang hingi ng tawad sakin ni mama dahil sa responsibilidad na ginagampanan ko ngayon. Sabi ko sa kanya ay ayos lang ako basta magpagaling siya, pero nagiguilty raw siya dahil imbis na mag aral ako sa kolehiyo ay sila ang iniisip ko.

Wala naman yun sakin dahil pamilya ko sila at mas mahalaga sila sakin pero may lungkot parin sakin dahil hindi ko na alam kung matutupad ko pa ang mga pangarap ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at nahagip nito ang pinakaiingatan kong dslr na regalo ni papa sakin.

Nilagay kona kase ito sa may taas ng cabinet ko para mainspired ako at araw araw kong makita kung ano ang future na naghihintay sakin pero ngayon nasasaktan na ko sa tuwing nahahagip ito ng mata ko.

I can capture anything I want, but why I can't capture my dreams?

Kaya kong kunin ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato pero bakit hindi ko makuha ang pangarap ko?

Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko kakatitig sa camera.

Sobrang hirap pala kapag ang choices mo ay pangarap mo at pamilya mo dahil wala kang ibang pipiliin kung hindi ang pamilya mo.

Masakit piliin ang pamilya mo dahil sa pangarap mong malayo munang maabot pero mas masakit din na piliin ang pangarap mo habang ang pamilya mo ay naghihirap.

Dream vs. Family is a worst choices.

Kahit anong piliin mo sa dalawa ay masasaktan at masasaktan ka talaga.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon